Kabanata 11

81.9K 4.9K 918
                                    


Kabanata 11:



HINDI ako masiyadong nakatulog nang gabing iyon, nang sundan ko siya sa bintana ay wala na siya at bigla na lang siyang naglaho na parang bula.

Kaagad akong nag-search tungkol sa mga nararasan ko, simula sa aksidente hanggang sa mga hindi ako makagalaw, sa lalaking pula ang mata.

Incubus.

Iyon ang isa sa mga lumabas na nakakuha ng atensyon ko. A male demon.

Kinilabutan ako sa nabasa ko, nasapo ko pa ang ulo ko nang mabasa ang mga nasa ibaba ng article sa google.

Male demon that seeks to have sexual intercourse with sleeping women.

"Shit!" Bigla kong naalala ang nangyari sa amin.

Bubuntisin niya ba ako? Napatakip ako ng bibig nang maalalang nagsusuka ko ako kahapon, dagdag pa ang masamang pakiramdam ko.

I looked at Felia, she was staring at me the whole time.

"Natatakot na ako sa'yo gorl," pag-aamin niya saka niyakap ang sarili.

Tumayo ako saka itinuro ang sarili kong tiyan, binanat ko pa ang damit ko para makita niya ang tiyan ko.

"Mukha ba akong buntis?"

Tinitigan niya ako na para bang nababaliw na ako.

"Uki ka lang ba?" She gasped and dramatically covered her mouth using her hands. "Buntis k-ka?"

Malakas akong napabuntonghininga saka nanghihinang napaupo ulit, hindi rin sigurado.

Sabay kaming napalingon sa pintuan, nalaglag ang panga ko nang makita ang lalaking naka-jacket na puti na nagdeliver kahapon. Natigilan siya, doon ko lang nakita ang kanyang mukha.

Matangkad siya, nakasalamin at maputi.

Napakurap-kurap siya, mukhang narinig niya ang usapan namin ni Felia. Hindi ko alam bakit hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya, parang kilala ko siya.


Unang bumasag sa katahimikan si Felia, pumalakpak siya.

"Hi, Kuyang nagde-deliver, nandito ka ulit? Para kay Amaris ulit?" usisa niya.


Tumikhim ako nang hilahin ni Felia ang lalaki papasok sa shop, siya mismo ang umagaw sa lalaki ng hawak nitong box.


Nagbaba ng tingin ang lalaki, ako rin nahiya dahil sa inasta ni Felia.


"Hoy, Felia nakakahiya baka hindi sa atin iyan." Dinungaw ko ang lalaking nakayuko, mas lalo niyang iniwasan ang mata ko saka inayos ang suot na salamin.


"Kuya, baka namamali lang ho kayo ng pinagde-deliver-an, wala ho talagang Hella rito saka 'yong kahapon, ang sarap kinain ko po," nahihiyang sabi ko.

The man bit his lower lip, he slowly nodded.

Hindi siya nagsalita, binuksan naman ni Felia ang lunch box at may laman ulit 'yong pagkain, katulad kahapon ay may nakalagay ulit na pangalan doon.

"My Hella, don't tired yourself, I can't wait to see you again," I read it this time.


Tumili si Felia habang ako naman ay kinabahan dahil alam kong isang lalaki lang ang tumatawag sa akin ng gano'n. "Samael..." I whispered.


The delivery man lips turned up. He smirked like I said something funny.


"Take care of your baby," he whispered.

Bahagya siyang yumuko, bago tumalikod at tuluyan makaalis ng shop.


Inalog-alog ako ni Felia, hindi ko alam kung kinikilig ba siya o ano. Napatitig lang ako sa glass door.


His voice sounds familiar.

_________________

Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon