Kabanata 16:NAPAKURAP-kurap ako habang pinupunasan noong delivery guy ang noo ko, pagkatapos na muntik na akong masagasaan ay hinila na lang niya ako sa malapit na park at pinaupo sa isang bench.
Inayos niya ang mga binili ko saka yumuko sa harapan ko upang magpantay kami.
Napatitig ako sa mata niya sa ilalim ng salamin.
Napatitig ako sa labi niya at matangos na ilong, ngayon ko lang siya nakita nang ganito kalapit.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, siguro dahil sa muntik na akong maaksidente kanina. Mukhang mapapasunod pa ata ako sa matanda ng wala sa oras.
"Alam mo bang delikado ang ginawa mo? Bakit ka ba biglang tumatawid, dapat tumitingin ka sa dinadaanan mo, paano kung nabangga ka, paano na 'yong—"
"Ano naman sa'yo?" mahinang tanong ko, bakit kung makapagsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ako.
Malalim ang kanyang boses, ngunit malumanay. Mukha siyang nerd.
Napakurap-kurap siya sa sinabi ko, parang nasaktan sa sinabi ko.
"Sorry," bawi ko kaagad.
Malakas siyang suminghap saka umiling animong hindi makapaniwala.
"Tama ka, sino nga naman ako."
Tumayo na siya, sinundan ko siya ng tingin. "S-Salamat sa pagligtas mo sa akin, p-pwede ko bang malaman pangalan mo?" tanong ko sa nagde-deliver ng pagkain ko sa shop.
"Para saan pa, sa susunod ay mag-ingat ka Miss. Hindi lang ikaw ang mapeperwisyo kapag nagkalasog-lasog ang katawan mo sa kalsada, isipin mo 'yong driver ng kotse, 'yong mga mag-e-embalsamo sa durog mong katawan, sa mga pulis na titingin, sa mga magwawalis sa kalsada ng nga dugo mo," seryosong aniya.
Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya roon.
Napababa ang tingin ko sa aking kamay kung nasaan ang singsing, hanggang ngayon ay hindi ko maialis.
"Do you believe in bad spirit? Demon?" I asked the delivery guy.
Natigilan siya saka seryoso akong tinitigan. "Yes, why?"
"Sasabihin mo bang nababaliw na ako kung sasabihin kong nakakakita ako ng gano'n? Kapag sabihin kong... may nangyari sa amin ng isang masamang espirito?" sumikip ang dibdib ko.
Napahawak ako sa aking tiyan, unti-unti kong naiisip ang mga mangyayari, para akong nagising nang muntik na akong masagasaan.
That demon is using my body.
"B-Baka buntis na ako..." Hindi ko na maiwasan mapaiyak.
Naiisip ko pa lang 'yong mga napapanuod ko, na nabuntis ng mga hindi maipaliwanag na elemento. Tapos anong mangyayari sa anak ko?
Aasarin ng mga ibang bata, paano kapag may makuha siyang panget sa Tatay niya?
Mas lalo akong napaiyak, mas lalo akong nag-over think.
Umupo si Kuyang delivery guy sa aking gilid, tumingala siya nang unti-unti nang tumulo ang maliliit na patak ng ambon.
"Gawin mo 'yong tingin mong tama..." Nilingon niya ako, nagtama ang aming mata. Pakiramdam ko ay pamilyar siya sa akin.
"Ayaw mo na ba siyang makita ulit?" mahinang tanong niya.
Napahikbi ako saka dahan-dahan tumango, ayoko na. Natatakot na ako.
"Hindi na siya magpapakita sayo, huwag kang mag-alala," sabi niya saka inilabas ang panyo at inilagay sa aking ulo, walang sali-salitang tumalikod na siya at umalis.
_____________________
BINABASA MO ANG
Devil's Mate
BeletrieThe devil was once an angel. _______________________________ Genre: General Fiction Started: March 19, 2021 Finished: March 19, 2021