Kabanata 8:NAGISING ako kinabukasan dahil parang hinahalukay ang aking tiyan, mabilis akong bumangon upang sumuka sa banyo.
Parang bigla aking nahilo sa biglaan tayo, napahawak ako sa gilid ng maliit na lababo at napatitig sa repleksyon ko sa salamin saka nagmumog.
Nanaginip na naman ako kagabi, ang kakaiba ay nakita ko ang—hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin nang makita ang mga pula at kagat sa aking balikat, doon ko napansin na suot ko na ang damit ko pero... pero masakit ang ibabang parte ko.
"N-No!" I gasped.
Panaginip lang iyon, hindi iyon totoo.
Napahawak ako sa ulo ko saka bumalik sa kwarto at nanghihinang napaupo sa kama.
"H-Hindi pwede..."
Unti-unti nang tumulo ang luha ko nang makita ang dugo sa aking kama. Napatakip ako sa aking bibig, ano 'tong nangyayari? Nababaliw na ba ako?
Sino 'yong lalaki?
Mabilis akong lumapit sa bintana para i-check kung may pumasok pero sarado iyon, gano'n din ang pintuan ko.
"Hoy, Amaris! Magluto ka raw ng almusal!"
Mariin akong napapikit.
Mabilis akong naligo, pinili kong magsuot ng turtle neck kahit sobrang init, hindi ako pwedeng mag-polo or blouse dahil siguradong makikita ang leeg ko.
"Baduy mo talagang pumorma," bungad sa akin ni Ruth nang makababa ako, nasa kusina na siya at nakapalumbaba.
"Bakit hindi ikaw magluto? Ikaw naman kakain, wala ka na ngang inaambag sa bahay gusto mo pagsisilbihan pa kita," mabilis kong sabi, kusa iyong lumabas sa bibig.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya, unang beses ko siyang pinagsalitaan ng gano'n. Maski ako ay nagulat, saan iyon galing? Hindi ko siya gustong sabihan ng gano'n bagay.
"A-Anong sabi mo?" She look offended.
Naitikom ko na ang bibig ko bago pa ako makapagsalita ulit ng kung ano.
Babatuhin dapat niya ako nang plastic na baso na may tubig pero imbes maihagis sa akin ay natapos iyon sa damit niya.
"Oh my gosh!" sigaw niya nang mabasa ang damit niya. "Mama!"
Imbes na si Mama ang pumasok sa kusina ay si Tito Rey ang pumasok, kaagad dumapo ang tingin niya sa akin saka ako hinagod ng tingin.
"Aalis ka na, Amaris?"
"Oho."
"Ihahatid na kita."
"Hindi na ho, salamat."
Mabilis ko silang tinalikuran mag-ama, narinig ko pang sinusumbong ako ni Ruth pero ang kakaiba ay wala akong maramdaman takot.
Mabilis akong nakarating sa shop, tumuon ang atensyon ko sa matanda. Nasa katapat siya ng shop namin naka-upo ngayon.
"Hello po," bati ko sa kanya.
Nang umangat ang tingin niya sa akin ay kaagad din iyon bumaba sa aking tiyan, nakita ko ang pagkabahala sa mukha niya.
"Na sa'yo na..." mahinang bulong niya.
"Po?" bahagya akong yumuko para marinig siya.
Nagpalinga-linga siya, hindi makatingin ng deretsyo sa akin.
"Ibinigay na siya sa'yo, nagsisimula na ulit ang sumpa," she whispered.
Paos ang boses niya animong natatakot. Napaatras pa ako nang bigla siyang tumayo, muntik na akong matumba pero parang may hangin na humawak sa akin upang hindi ako matumba.
Niyakap ko ang aking sarili.
Hinawakan ng matanda ang braso ko pero kaagad din niyang inalis ang hawak niya nang makita ang singsing na suot ko.
"B-Bakit mo tinanggap? Bakit... bakit mo inulit ang nakaraan..."
"Ano po bang sinasabi niyo? Okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ko.
Mariin siyang pumikit, nang dumilat siya ay deretsyo siyang tumingin sa likod ko, nakita ko ang takot sa mata niya bago tumingin sa aking mata.
"Umuulit ang nakaraan... ikaw ang itinakda."
________________
BINABASA MO ANG
Devil's Mate
Fiksi UmumThe devil was once an angel. _______________________________ Genre: General Fiction Started: March 19, 2021 Finished: March 19, 2021