Kabanata 5:NAPALUNOK ako, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mas maguluhan, simula noong naaksidente ako ay madami na ang nangyayaring kakaiba.
"Ayos ka lang, Amaris? Namumutla ka," ani Felia sa gilid ko.
Napatitig lang ako sa vase, nababaliw na ata ako.
"Gusto mo bang maiinom? Kumain ka na ba? Baka mahimatay ka sis, teka lalabas ako," nag-aalalang aniya.
Umiling ako at tipid na ngumiti. "A-Ako na lang ang bibili, may ipapabili ka ba?"
Nag-aalinlangan man ay nag-abot siya ng isang daan. "Bili mo na lang akong lunch, kahit ano basta hindi isda."
Tumango ako saka tumalikod na, nang makalayo sa shop ay huminga ako nang malalim.
Baka naman sobrang pagod ko lang kahapon, baka kung ano-ano lang talaga ang naiisip ko.
Habang nasa malapit na karinderya ay may nakita akong pamilyar na matandang babae. My eyes widened when I recognized her, she was the old woman in the jeepney.
"Lagi pong nandito ang matanda 'yon?" tanong ko sa tindera.
"Padaan-daan lang dito iyan, minsan diyan matutulog tapos aalis din. Bakit iha? Nako, may sayad na iyan sabi nila dating teacher daw iyan na nabaliw, gano'n naman daw kapag sumobrang talino," she assumed.
Naawa ako sa sinabi ng nagtitinda, nasaan kaya ang pamilya niya?
"Pa-order pa po ng isang ulam at kanin." Naisip kong bigyan na rin ang matanda.
Hindi naman siya mukhang pulubi, hindi siya gano'n kadumi at iba na ang suot niya noong huling magkita ngunit sadyang mahaba nga lang ang kanyang buhok at mahaba ang damit.
"Hello po? Hmm, baka gusto niyo po ng pagkain," alok ko.
Hindi niya ako nilingon kaya inilapag ko na lang ang pagkain sa gilid niya, mabilis ang paggalaw ng kanyang paa, animong kinakabahan.
Kinagat ko ang aking labi bago tumalikod na lang, pero bago pa ako makahakbang ng dalawa ay nagsalita siya kaya napalingon ako sa kanya.
Naabutan ko siyang nakatitig sa leeg ko, hinawakan ko ang bandang namumula sa akin simula kagabi.
"D-Dumating na siya hindi ba? Nakita ka na niya at siguradong mamarkahan na niya," mahinang sabi niya.
Biglang kumabog ang puso ko. Sinong dumating? Mamarkahan?
"A-Ano pong sinasabi niyo?"
Nagpalinga-linga siya bago ako sinenyasan na lumapit, nang magkatapat kami ay umasta siyang tinatakpan ang bibig sa magkabilang gilid para hindi mabasa ng iba ang buka ng kanyang bibig.
Gulong-gulo na ako.
"Wala kang magagawa, ikaw ang itinakda," sabi niya, humangin nang malakas kaya hinawakan ko ang aking buhok na nililipad.
"Ale!" tawag ko sa kanya nang mabilis siyang umalis.
Tama ata ang nagtitinda, may sira na ata sa ulo ang matanda.
Habang naglalakad ako pabalik sa shop ay may nakabungguan akong lalaki, lumikha ng ingay sa kalsada ang nahulog niyang kwintas.
"Hala, sorry."
Pinulot ko iyon at sandaling napatitig, humarap sa kanya para i-abot, natigilan ako nang walang lalaki sa likod ko.
Wala akong nakabungguan.
Dahan-dahan bumaba ang tingin ko sa kwintas na hawak ko, may pendant na singsing iyon, napatitig ako roon ulit.
Ang ganda.
Hindi ko alam bakit sumikip ang dibdib ko. I feel so hurt... like I'm broken.
____________
BINABASA MO ANG
Devil's Mate
General FictionThe devil was once an angel. _______________________________ Genre: General Fiction Started: March 19, 2021 Finished: March 19, 2021