Kabanata 12:
PAGPASOK ko pa lang sa bahay ay malakas na sigawan na ang naabutan ko. Sino kayang gaganahan umuwi sa bahay na ito na imbes na mawala ang pagod mo dahil nakauwi ka na ay lalo ka lang mapapagod.
Malakas na umalingawngaw ang pagbasag ng pinggan ni Mama.
"Wala ka talagang kwenta! Puro ka inom! Sabi mo bakasyon lang tapos ngayon sasabihin mo tinanggal ka sa trabaho?!" bulyaw ni Mama kay Tito Rey na nakasalampak sa sofa habang humihithit ng sigarilyo at halatang nakainom na.
Wala si Ruth, silang dalawa lang ang nasa sala.
Nakapameywang si Mama habang pulang-pula ang mukha, gusto kong magmano pero baka sa akin naman ibunton ang galit kaya naglakad na lang ako paakyat.
"Dito na po ako," paalam ko lang.
Nakita kong sinundan ako ng tingin ni Tito Rey.
Nang makapasok sa kwarto ay kaagad ko 'yong isinara, wala akong ganang magluto. Hindi ko alam kung nakapagluto na si Mama kaya mabilis akong nagbihis ng pangbahay, inilagay ko sa gilid ng kama ang binili ko kanina.
Nang makababa ako ay wala na sila sa sala, mukhang lumipat sila ng sigawan sa kwarto.
Natigilan ako nang maabutan ko si Ruth sa kusina at...
Wait?
"N-Nagluluto ka?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
Ruth cleared her throat. "O-Oo, magluluto ako, p-pero huwag kang umasa na kasing sarap 'to ng luto mo."
Kinagat ko ang aking ibabang labi saka dahan-dahan umupo, pinanuod mo siyang magluto ng ulam namin mukha siyang naiilang at kinakabahan pero natapos naman niya.
Sabay kaming kumain.
Nang matapos ay siya rin ang naghugas, hindi ako makapaniwala. Para bang may dumaan na anghel at inihipan siya.
Baka nabalis.
Nang gabi na iyon ay hindi ako nakatulog, parang may hinihintay ako.
Nakaupo ako sa kama habang nakatingin sa bintana. Hindi ba siya dadating? O dahil gising pa ako kaya hindi sita lumalabas?
Dapat ay matakot na ako sa kanya pero hindi ka alam bakit gustong-gusto ko ulit siyang makita.
Dahil naisip kong ayaw niyang lumabas dahil gising pa ako ay mabilis kong pinatay ang ilaw at nagtalukbong ng kumot.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala, pawis na pawis na ako sa ilalim ng kumot pero hindi ako bumangon.
My heartbeat skipped when I heard a small noise, like opening a window.
Kumunot ang noo ko dahil doon, palihim kong naikuyom ang aking kamay. Hinihintay ko ang gagawin niya.
Katulad noong nakaraan ay maingat siyang lumapit sa akin at naupo sa aking kama.
Demonyo siya hindi ba? Kung may powers siya, bakit pa siya naglalakad? Hindi ba't dapat lumulutang siya o kaya naman nagiging usok?
"I know you're awake, my Hella," his voice sounded so sweet.
Inis na bumangon ako, nagtama ang aming mata. Sa pagkakataon na ito ay nakasuot siya ng mask, kulay itim iyon at tanging kulay pulang mata lang niya ang nakikita ko.
"Alam ko na ang totoo," matapang kong sabi sa kanya.
Nakita kong natigilan siya pero hindi nagbago ang ekspresyon sa kanyang mata, bahagyang tumabingi ang kanyang ulo animong hinihintay ang sasabihin mo.
"You're a demon, you're evil, Samael," I announced.
_____________________
BINABASA MO ANG
Devil's Mate
General FictionThe devil was once an angel. _______________________________ Genre: General Fiction Started: March 19, 2021 Finished: March 19, 2021