Kabanata 14:"ANG tanga-tanga mo, Amaris. Bobo ka, nagpadala ka naman. Siguradong ginagamitan ka niya ng mahika, tama. Kasi kung nasa tamang wisyo ako, hindi ako papayag," pagkukumbinsi ko sa sarili ko nang magising kinabukasan.
Bihis na ako pero masakit ang ibabang parte. Something happened again, between us. He took me from behind.
I gave it again... I'm so fucked up.
Hindi ako ganito, natatakot ako. Natatakot ako kasi parang hindi ko na kilala ang sarili ko.
He called me, mate. Ako ang nakatakda para sa kanya? Para saan, gawin anakan? Jusko, bakit sa akin nangyayari 'to?
Nasapo ko ang aking ulo.
"Amaris, ayos ka lang ba?" tanong ni Ruth habang nasa kusina na kami, mukhang nakita niya ang ginawa ko.
Nagtatakang tumingin ako sa kanya.
"Bumait ka ata, bakit? Kailangan mo ng pera?" deretsyahan tanong ko, iyon lang naman ang dahilan.
Ngumuso siya saka hinalo ang tinimpla niyang kape at inilapag sa harapan ko, bahagya pang nanginginig ang kamay niya.
"W-Wala naman, masama ba?"
Umiling ako, hindi lang siguro ako sanay.
Napalingon ako sa pintuan ng kusina nang pumasok si Mama, madilim ang ilalim ng kanyang mata.
"Ma, ayos ka lang ba?"
Parang gatilyo ang tanong ko dahil umiyak siya bigla, nagkatinginan kami ni Ruth. Nasapo ni Mama ang mukha niya, buong puot na humihikbi.
"S-Si Rey, m-may babae siya. Alam ko, nararamdaman ko. Huwag lang silang papakita sa akin, huwag ko lang makita ang babaeng iyon papatayin ko siya." Nag-angat ng tingin si Mama sa akin habang puno ng luha ang mata, natakot ako dahil galit na galit siya.
Gusto kong magsabi ng mga masasamang bagay tungkol kay Tito Rey pero pinigilan ko ang sarili ko dahil anak pa rin niya si Ruth na nasa harapan ko lang.
Ayokong isipin niyang sinisiraan ko ang ama niya kay Mama.
"Nahuli mo ba, Ma? K-Kung wala na talaga... kung ayaw mo na pwede niyo naman itigil na lang ni Tito Rey," suwestyon ko sa maingat na boses.
Nilingon ko si Ruth, nakita ko ang pagkabahala sa kanyang mukha. "Huwag!" sabi niya, umiling siya saka tumingin kay Mama. "Ma, ayokong maiwan mag-isa kay Papa. Ayoko," madiin sabi niya.
Tumango si Mama, mukhang wala rin planong makipaghiwalay.
Hinayaan ko na sila, desisyon niya iyan. Huwag lang niya sasaktan si Mama dahil ako mismo ang magpapakulong sa kanya, kaya kong buhayin si Ruth at Mama.
Nang makarating sa shop ay nandoon na si Mr. Chua, napangiwi ako nang marinig ang sermon niya kay Felia.
"Akin sabi huwag tanggap ganito salamin, tayo dami na ganto. Atin kita di angat. Ito huli na," rinig king sabi ni Mr. Chua gamit ang kanyang sariling accent.
Napangiwi ako saka dahan-dahan pumasok, sabay silang napatingin sa akin.
"Ikaw pasok lagi huli?" tanong niya sa akin.
Kaagad akong umiling. "Ako aga pasok ay! Este... maaga po akong pumapasok, Sir. Na-traffic lang po."
Naitikom ni Felia ang bibig, pinipigilan matawa. Ito talagang babaeng 'to, pinapagalitan na kami natatawa pa.
Napailing ang amo namin. "Ako balik dito bukas," sabi niya.
"Ingat po, Sir," sabay namin sabi ni Felia.
Lumabas na siya ng shop, humagikgik si Felia kaya napailing ako. "Tatawa-tawa ka pa, napagalitan na nga tayo, ano ba kasing salamin ang sinasabi niya?"
"Yung bagong deliver na—" Nanlaki ang mata ni Felia habang nakatingin sa labas ng shop. Narinig ko ang malakas na pagsalpok at mura niya.
Nang lumingon ako ay nanlaki ang mata ko nang makitang nakabangga na ang kotse ni Mr. Chua sa puno sa harap ng shop.
Sabay kaming tumakbo palabas, nagkakagulo na rin sila para tulungan sa loob si Mr. Chua.
______________
BINABASA MO ANG
Devil's Mate
General FictionThe devil was once an angel. _______________________________ Genre: General Fiction Started: March 19, 2021 Finished: March 19, 2021