Kabanata 18:"TOTOO ba, Rey?! Inaakyat mo sa kwarto ang anak ko! Gago ka!" sigaw ni Mama, mas napaiyak ako.
Magkatabi kami ni Ruth sa sofa, kakadating lang ni Tito Rey. Sinabi namin kay Mama ang nangyari, ang sinabi ni Ruth sa akin.
Nandidiri ako.
"Anong pinagsasabi niyo, baliw na ba kayo?" sigaw pabalik ni Tito Rey.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Kinakatok mo ako noong nakaraan sa kwarto!" madiin sabi ko.
"Oo, kasi may maingay." Sinubukan niyang lapitan si Mama. "Mahal naman, maniwala ka."
"H-Hindi ko na alam kung anong papaniwalain ko sa'yo Rey. Tinanggap kita sa pamilya ko, maayos kitang tinanggap, pati ni Amaris. Kahit hirap na hirap na 'yong anak ko hindi iyan magrereklamo tapos babastusin mo! Ipapakulong kita!"
Kumuha si Mama ng isang vase at binalibag kay Tito Rey, mabilis kong niyakap si Ruth para hindi niya iyon makita.
"O-Oo sige aaminin ko, sinubukan ko pero hindi ko naman naituloy e! Hindi, wala akong ginawa sa anak mo! Maniwala ka, may multo sa kwarto niya!" sigaw ni Tito sabay duro sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Multo? Baliw ka na talaga Rey. Iyang kalibugan mo at kakainom mo ang sisira talaga sa'yo, umalis ka na rito! Ayoko na, lokohin mo na ako at huwag ka magbigay ng pera ayos lang pero gaganunin mo anak ko, tangina mo!"
Hindi makapaniwala si Tito Rey saka pagak na natawa. "Baliw na kayo mag-iina, Ruth tara umalis na tayo sa pesteng bahay na 'to."
Marahas umiling si Ruth.
"H-Hindi ako sasama, dito na lang ako."
"Anong sinasabi mo? Hindi mo kamag-anak ang mga 'yan! Halika na, ayusin mo mga damit mo!" Pilit hinihila ni Tito Rey si Ruth.
Napatayo ako nang kumuha si Mama ng kutsilyo sa kusina saka tinutukan si Tito Rey na kaagad na mutla.
"Ma!" sabay namin sigaw ni Ruth.
Ayokong makasakit si Mama, kaagad ko siyang hinawakan sa braso. Patuloy na tumutulo ang luha niya, nasasaktan ako dahil alam kong totong minahal niya si Tito Rey.
"Umalis ka sa bahay ko, Rey. Iiwan mo si Ruth."
"Anak ko si Ruth!"
"Binabastos mo ang anak mo! Sinabi ni Ruth ang lahat! Kahit dalhin natin 'to sa korte ay matatalo ka at makukulong ka pa! Umalis ka na lang, layuan mo kami ng mga anak ko!"
Pinasadahan kami ng tingin ni Tito Rey, tinapunan niya ako nang masamang tingin bago nagmamadaling umalis sa bahay.
Nanghihinang napaupo si Mama si sofa, inagaw ko ang kutsilyo sa kanya at inilapag iyon sa center table.
Mahigpit niya kaming niyakap ni Ruth.
"P-Pasensya na anak, ang tagal kong nagbulag-bulagan. K-Kayo na lang ang iintindihin ko ni Ruth."
Parang may sumakal sa puso ko.
"Amaris!"
Napatingin ako kay Ruth nang sumigaw siya, nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa aking hita.
Dahan-dahan bumaba ang tingin ko sa aking hita, mas lalo akong napaiyak nang makitang may tumutulong dugo galing sa aking pagkababae pababa sa aking hita.
"Jusko, anong nangyayari?!" histerikal na sabi ni Mama.
"M-Mama, 'y-yong baby ko!"
___________________
BINABASA MO ANG
Devil's Mate
General FictionThe devil was once an angel. _______________________________ Genre: General Fiction Started: March 19, 2021 Finished: March 19, 2021