Kabanata 15:"KAWAWA naman si Mr. Chua, mabuti na lang at hindi siya masiyado napuruhan, kotse lang niya." Malakas na bumuntonghininga si Felia.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kaninang umaga, ang sabi ay bigla na lang daw nawalan ng preno.
Paalis na sana si Mr. Chua nang magdiretsyo ang kanyang kotse sa kanyang puno.
Kapag talaga aksidente, hindi mo malalaman kung kailan kahit pa nakaupo ka lang kung oras mo na ay oras mo na.
"Kaya ikaw mag-iingat ka lagi," paalala ko kay Felia, medyo malayo pa naman ang bahay niya hindi katulad sa akin na isang sakay lang ng jeep.
Felia protruded her lips.
"Makapagsalita ka naman, akala mo naman aalis ka na," sabi niya.
Humalakhak ako. "Hindi natin hawak ang oras, Felia. Malay mo, bukas o sa makalawa mamatay ako."
"Gago ka!" Binato niya ako ng maliit na notebook na kaagad kong nasalo. "Panget ng joke mo, gorl."
Tipid ko siyang nginitian, sinasabi ko lang ang totoo.
"Bakit hindi ka pa handang mamatay?" buong kuryosidad na tanong ko.
Nasapo niya ang dibdib saka kunwaring nag-iisip. "Hindi ko alam, okay lang kaso ayoko 'yong masakit like masasagasaan ako ng truck ganern. I-Ikaw ba?"
Umupo ako sa aking upuan saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
"Ang totoo ay hindi ako natatakot, mas takot ako para sa mga maiiwan ko. Alam mo naman, ako ang bumubuhay sa kanila at kapag namatay ako mamamatay rin sila," biro ko pa.
Napanguso si Felia. "Naniniwala ka ba sa langit at impyerno? Mga gano'n?"
Mabilis akong tumango.
"Oo, naniniwala akong may pupuntahan tayo. Ikaw ba?"
"Hindi masiyado, feeling ko kapag namatay wala na hanggang doon lang wala ng pupuntahan. Hindi ka ba natatakot kung saan ka pupunta?" buong kuryosidad na tanong niya at mas inusog pa ang upuan papalapit sa akin.
"Hindi, kung saan man ako mapunta tingin ko deserve ko 'yon. Haha, saka ang weird ng usapan natin."
Tumabingi ang ulo ni Felia. "Alam mo mas gumaganda ka, parang blooming ka, alam mo para kang flower na nadiligan ganern."
Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.
"Ewan ko sa'yo, bibili na akong lunch, ano gusto mo?" I asked her, she told me her favorite food.
Mabilis akong nakarating sa karinderya, inililibot ko ang paningin sa labas, nagbabakasaling makita ang matanda.
"Ate, nasaan po 'yong matanda na nakaupo rito lagi? 'Yon pong sinabi niyong baliw noon?"
"Ah, namatay na hindi mo alam? Inatake raw sa puso e. Ginigising noong nagwa-walis diyan tapos hindi na nagising, binalot lang nila sa kumot." Kibit-balikat na sabi niya.
Nalaglag ang aking panga sa sinabi niya.
Unti-unti kong naisip ang lahat, hindi ko alam pero si Samael kaagad ang naisip ko.
Simula kay Mr. Chua, sa biglang pagbait ni Ruth, sa nangyari sa matanda.
Napakurap-kurap ako, bago tulalang lumabas doon dala ang pinamili. Galit ang naramdaman ko, dapat magalit ako sa kanya.
Siguradong pinaglalaruan niya ako at ang mga nakapaligid sa akin.
Naikuyom ko ang aking kamao, wala sa sariling tatawid na sana ako.
Nagulat ako nang may malakas na bumusina sa akin gilid, hindi kaagad ako nakagalaw ng makita ang isang kotse na papalapit na sa akin.
Mariin na lang akong pumikit, bago pa tumama sa aking katawan ang kotse ay may humila na sa aking braso papabalik sa gilid.
"Damn it, baby."
_________________
BINABASA MO ANG
Devil's Mate
General FictionThe devil was once an angel. _______________________________ Genre: General Fiction Started: March 19, 2021 Finished: March 19, 2021