Wakas

161K 9.9K 43K
                                    

WARNING: Don't read this chapter kung hindi niyo pa nababasa ng buo ang story, spoiler 'tong chapter na 'to sa buong nangyari, hindi niyo na ma-enjoy if diretsyo kayo rito. Enjoy!








Wakas:

                NAG-aabang ako ng jeep nang makita ang isang magandang babaeng umiiyak sa gilid ng daan. Tumabingi ang aking ulo habang tinitingnan siya, pamilyar siya.

Ang cute niya, hehe.

Mukha siyang tuta, cute na tuta.

Nang pumara siya ng jeep ay sumakay naman ako sa unahan katabi ng driver bahagya akong dumausdos paupo para hindi niya ako makita nang lingunin ko siya sa rear-view mirror.

"Saan ka, Toy?" tanong ng driver.

Sinenyasan ko siyang huwag maingay, wala sa sariling niyakap ko ang binili kong isang galon ng ice cream, ang lamig pakshet.

"Kuya, kung saan pupunta 'yong babae sa loob," bulong ko.

"Jowa mo? Tampuhan?" usisa ng driver. Ngumisi lang ako, hindi pa Kuya relax ka lang.

Palihim ko siyang pinapanuod mula sa salamin, kinakausap siya ng matanda.

Ang ganda-ganda pa rin niya. Bakit kaya siya umiiyak?

"May nabibiktima na naman si Aling Sabel," mahinang sabi ng driver, nilingon ko siya. Sino 'yon? "May tama ang ulo nyan, kung ano-ano ang sinasabi, hinarang 'yong anak ko noon sabi itinakda raw ang anak ko, lahat ng dalagang makasalubong itinakda raw ewan magulo kausap," kwento niya.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang biyahe, tango lang ako nang tango sa driver. Hinahayaan siya magkwento.

Halos tumilapon ako papunta sa dashboard nang may bumangga sa amin mula sa likuran. Kaagad kong nilingon ang babae sa loob sa sobrang kaba, nakita kong babanggain ulit kami ng van na itim, naibalibag ko ang ice cream at mabilis na lumusot sa pagitan ng upuan namin ng driver papasok upang yakapin siya.

Ang payat-payat niya, siguradong titilapon siya palabas.

"Please... help me, please." Narinig kong sabi niya, mabilis ko siyang kinabig at niyakap.

Takte english speaking siya.

Napaigik ako nang humampas kami at tumama ang ulo ko sa gilid, hindi ko siya binitawan. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa katawan niya.

"I'm here... mate. I found you." Nakapag-english ako ng wala sa oras sa sobrang kaba.

            MABILIS na lumipas ang isang linggo, nakilala ko siya. Amaris Dela Veda, kaya pala pamilyar siya sa akin.

Siya 'yong batang kalaro ko noon.

Isang hapon sinubukan ko na siyang puntahan sa shop nila, kung saan siya nagta-trabaho. Malakas akong humugot ng hininga saka binuksan ang pintuan.

"Sarado na po kami, past—" Hindi ko na natuloy ay sasabihin niya mabilis na akong pumasok at nagtago sa gilid sa sobrang kahihiyan.

Ano ba naman 'tong ginagawa mo Samael? Anak ng tupa.

Napakamot ako sa noo ko, nakita ko siyang nakatingin sa pintuan. Hindi ba niya ako nakita?

Sa laki kong 'to?

"Shit!" mahinang mura ko nang matamaan ko ang shelf at may nahulog. Mabilis akong gumapang patago sa malalaking antique na aparador.

Amputa.

Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon