Kabanata 2

97.2K 5.1K 1.6K
                                    


Kabanata 2:

 

         I LOOKED at my reflection in the mirror while caressing my neck. I have a bite mark. I can see it clearly.

Mas lalo akong naguluhan, masiyado ba akong puyat? Imposibleng imahenasyon ko lang ang lahat kanina dahil may marka ng kagat, hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa ang mainit niyang hininga.

But who? Sino o ano?

"Amaris, magluto ka na! Gabi na ah!" sigaw ni Mama sa labas.

Malakas akong bumuntonghininga, ako na nga ang nagta-trabaho tapos pagdating pa sa bahay ay ako rin ang gagawa.

Minsan ko paano kaya kung bigla na lang ako mawala? Hahanapin man lang ba nila ako? Siguro para sa pera kasi ako ang gumagastos dito, hanggang doon lang siguro.

Pinatay ko ang aking telepono nang makita ang madaming text at call ni Mark.

Pagbaba ko sa sala ay bihis na bihis si Mama at Ruth, ang anak ng pangalawang asawa ni Mama na kasing edad ko lang.

"Magluto ka na muna para makakain kami bago kami umalis." My Mom demanded.

Ruth chewing a gum, she smirked at me.

I nodded. "Saan po ba kayo pupunta?"  I asked with low tone.

Naka-konekta lang ang kusina at sala namin kaya nakikita nila akong magluto, binuksan ko ang ref. Walang laman, yelo na lang at itlog.

"Pupuntahan namin si Tito mo sa trabaho sa Laguna, baka roon na kami matulog," sagot ni Mama.

Nilingon ko siya. "Ma, hindi ba binigyan ko po kayo ng pang-groceries para ngayon linggo? Bakit po walang laman ang ref?" I can't stop myself.

I can't do it anymore, I'm not a bank.

Sagad na sagad na rin ang sweldo ko, minsan ay nakakabali pa ako dahil ang lakas nila sa pera na para bang pag-aari ko ang shop. Mas nakakahiya ay kapag doon pa sila pumupunta sa shop para hingian ako ng pera.

"Itong kapatid mo kasi ay may binili, lumabas daw 'yong album nang paborito niyang boy band, limited daw e kawawa naman ang kapatid mo," balewalang sabi ni Mama.

Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Ruth, for what? For a damn album?

Hindi ko maiwasan magdabog nang isara ng ref. Kahit masama ang loob ko ay nagawa ko pa silang ipagluto ng dinner nila, wala na akong ganang kumain. Gusto kong manumbat pero ano naman mangyayari? Hindi maibabalik ang pera at siguradong ibabalik lang sa akin ni Mama ang lahat, sa huli ay ako na naman ang mali.

Nakakapagod na rin ako minsan ipagtanggol ang sarili ko.

Hinintay ko silang umalis, paniguradong pagbalik nila ay wala na naman mga pera at ako na naman ang kukulitin.

Sinigurado kong sarado ang pintuan at mga bintana bago umakyat sa aking kwarto, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa buong araw kahit wala naman masyadong ginawa.

Para akong lalagnatin.

Bago matulog ay naligo pa ako, habang nasa shower ay parang may narinig akong nagbukas ng pintuan ng aking kwarto.

"Sino 'yan?"

Dahan-dahan kong hininaan ng shower para mas marinig ang labas.

I can still hear the door's sound. Like in some horror movie.

Binalot ko ang aking sarili ng tuwalya, saka mabilis inilibot ang tingin sa banyo, nagbabakasakaling makakita ng pwede kong magamit pangligtas sa sarili ko kung sakaling may nakapasok na masamang loob.

"Anong gagawin ko?" I was trying to calm myself.

I grabbed the dipper to use as my weapon. Can I break his head using this dipper?

Gusto kong kutusan ang sarili ko, maililigtas ko ba ang sarili ko gamit ang tabo? Hindi ko na alam.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng banyo, umalingasaw ang mabahong amoy.

_______________

Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon