Kabanata 20

88.2K 5.1K 2.7K
                                    


Kabanata 20:

          "OH buntis dahan-dahan, ingat pag-uwi!" sigaw ni Felia nang palabas na ako sa shop, natawa ako sa sinabi niya.

Kakapaalam ko lang kay Mr. Chua na hindi na ako papasok dahil magpi-pitong buwan na ang aking tiyan. Sinabihan naman niya ako na kapag gusto kong bumalik ay open naman ang shop para sa akin.

Hinimas ko ang medyo may kalakihan kong tiyan.

Parang gusto ko ng taho, saan kaya meron? Iyon ang pinaglilihihan ko, kahit gabi ata pinapahanap ko pa si Ruth ng taho, mabuti na lang at lagi naman siya nakakakita.

My Mom got a job, sa munisipyo habang si Ruth naman ay papalit muna sa akin sa shop.

Sana lang talaga ay magkasundo sila ni Felia, mainit pa naman dugo nila sa isa't isa.

Tinawagan ko si Ruth nang nasa tricycle na ako.

"Ruth, saan ka ba bumibili ng taho? Pauwi na ako."

"H-Ha? E malayo... wala rin ako sa bahay. May pinaayos si Mama sa akin tungkol sa birth certificate ko."

Napasimangot kaagad ako. "Gano'n ba? Sige ingat," malungkot na sabi ko.

Bagsak ang aking balikat hanggang makarating sa bahay, bago pa ako makapasok sa gate ay biglang may sumigaw.

"Tahoooo! Tahoooo kayo dyan!" sigaw ng isang lalaki, kaagad nanlaki ang mata ko at parang kuminang ang paligid nang marinig iyon.

May matabang lalaki na naka-sumbrero at may bimpo ang mukha na naglalakad papunta sa gawi ko.

Tinawag ko kaagad siya. "Kuya, pabili!" masiglang sabi ko.

"Magkano po?" paos na boses niya, may ubo ata.

"Teka lang po, kukuha lang ako ng lalagyan sa loob, hehe madami po kasi gusto ko. Wait lang, Kuya!"

Mabilis akong pumasok sa bahay para kumuha ng malaking mangkok, nakashade si Kuyang magtataho pero alam kong pinapanuod niya ako.

"Ineng, huwag kang takbo nang takbo buntis ka pa naman," babala niya nang makalapit ako.

Tipid akong ngumiti saka hinimas ang tiyan ko.

"Nasaan ang asawa mo?"

"Hmm, wala po akong asawa."

Sandali siyang natigilan, mabagal ang pagsalok. Natuwa ako dahil ang dami niyang sago na nilagay. "Gano'n ba? Paano kung bumalik ang ama ng anak mo?"

Kumunot ang noo ko saka tinanggap ang mangkok ng taho.

"Edi papaalisin ko po ulit, kaya ko naman kahit wala siya." Malakas akong natawa, nagbayad ako sa kanya saka mabilis na pumasok na sa bahay para kumain.

Nang gabing iyon ay weird ang panaginip ko, may umiiyak daw sa kwarto ko.

Kinabukasan ay sinamahan ako ni Ruth at Mama pagpa-check up.

"Nako, Miss. Wala po kasi si Doctora, may emergency po siya. May ipina-anak po siya sa bahay," sabi ng nurse na naabutan namin, assistant ng obgyn ko.

"Ay bakit hindi kami nasabihan e ngayon ang check up nitong anak ko, Miss. Sayang naman ang biniyahe namin," ani Mama.

Napanguso ang nurse.

"Kung gusto niyo po kay Doc. Evile na lang po kayo. Siya lang po ang obgyn dyan ngayon, titingnan ko po kung may bakante siyang oras," sabi niya.

Napalabi ako kasi hindi ako sanay sa ibang Doctor, pero sayang din naman ang appointment namin at oras.

"Sige, Ma. Okay na 'yon," I said.

Sandali kaming iniwan ng nurse, nang matapos ay sinenyasan niya kaming pumasok sa isang kwarto.

Pagkapasok namin ay wala roon ang Doctor, mukhang nasa loob pa.

"Ang bango rito," komento ni Ruth.

Napangiti ako, ang bango niya. Amoy nga lang lalaki ang pabango ni Doc. Evile.

"Where's the patient?"

Nanlaki ang mata ko nang lumabas ang Doctor sa isang pintuan, may hawak siyang chart.

Parang may bumara sa lalamunan ko dahil doon.

Nang magtama ang mata namin ay kitang-kita ko ang pagkamutla niya, napamura si Ruth sa gilid.

"S-Samael..." I called the man, hindi ko alam bakit nangilid ang luha ko nang makita siya pagkaraan ng ilang buwan.

"Samael? 'Yong hayop na nakabuntis sa'yo?" Napatayo si Mama. "Ruth tumawag ka ng Pulis!" sigaw niya.

Hindi ako makakilos, gano'n din si Samael, litong-lito ako.

Unti-unting bumaba ang tingin ko sa pangalan sa itaas ng lamesa niya.

Dr. Samael Evile
Obstetrics and Gynecology

_____________________

Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon