Kabanata 9

84.4K 5K 680
                                    


Kabanata 9:

"ITINAKDA po saan?"

Imbes na sumagot ay tumalikod na siya at naglakad palayo kaya wala akong nagawa kung hindi sundan na lang siya ng tingin, napailing ako bago pumasok sa shop.

"Ayos ka lang ba, gorl?" bungad ni Felia sa akin, mas inaayos siyang mga antique na salamin sa gilid.

Dumeretsyo ako sa counter.

"Ayos naman, b-bakit?"

"Maputla ka e, teka sinong kasama mo kagabi?" takang tanong niya.

"Huh?" Nag-log in na ako habang kausap siya.

"Tinawagan kita kagabi kasi itatanong ko sana kung sino mauuna sa atin kasi maagang dadating 'tong mga salamin kaso lalaki 'yong sumagot akala ko nga 'yong step father mo o kaya si Mark pero hindi e,  sabi niya natutulog ka na raw tapos binaba na niya."

Kinilabutan kaagad ako sa kwento niya hindi ako kaagad nakapagsalita, hinihintay ko kung sasabihin niyang nagjo-joke lang siya pero seryoso talaga siya.

Umiling ako. "W-Wala akong kasama, Felia. Maaga akong natulog."

Bigla kong naalala 'yong nangyari kagabi, alam ko sa sarili kong totoo 'yon. Alam ko ang katawan ko at alam kong may nangyari, hindi ko lang matanggap.

Felia looked at me flatly.

"Utot mo, huwag mo nga ako mabiro. Okay lang naman kung may bago kang fafa, hindi naman ako judgerist. Hindi na uso ang three months rule after break up," sabi niya na may kasamang pagtango pa.

Napailing ako, hindi talaga.

Imbes na ipilit iyon ay hinayaan ko na siya sa gusto niyang isipin. Ang dami kong iniisip ng araw na iyon, gulong-gulo na ako pero hindi naman pwedeng hindi ako magtrabaho.

Pakiramdam ko ay sobrang pagod ako.

Nang magtanghalian kami ay hindi ko nagustuhan ang binili ni Felia na ulam. Nakakasuka.

"Sis, favorite mo 'yang sisig 'di ba? Anyare?" takang tanong niya.

Pinunasan ko ang gilid ng aking labi saka umiling.

"Bakit ganyan amoy?" iritang sabi ko.

Inamoy niya iyon. "Amoy bumbay? Syempre Sis sa sibuyas—"

"Hindi, iba talaga. Ayoko na nyan. Hindi na ako."

Humalukipkip ako sa gilid, sa totoo lang ay gutom na ako. Nanghihina ako pero ayoko 'yon.

Sabay kaming napalingon ni Felia sa pintuan ng shop nang tumunog ang bell, may pumasok na isang matangkad na lalaki na naka-jacket na puti, nakayuko siya.

"Hi, ano po 'yon?" tanong ni Felia.

Nilapag ng lalaki ang isang box sa lamesa, pansin ang maputla niyang kamay. Sinusubukan kong tingnan ang kanyang mukha pero natatabingan ng hood.

Hindi siya nagsalita, tinuro niya ang nakasulat.

"Food Delivery for my Hella," Felia read the notes. "Ay, walang Hella rito, baka Felia? Pakshet, ako ba?" She giggled.

Inusog ng lalaki ang box papalapit sa akin saka tumalikod mabilis lumabas ng shop, nagkatinginan kami sandali ni Felia bago siya tumili, napatakip na lang ako ng tainga bago buksan ang box na puno ng pagkain.

Natakam kaagad ako roon, hindi ko maiwasan mapangiti.

______________________

Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon