Kabanata 6

92.8K 5.2K 3K
                                    

Warning: 🔞

Kabanata 6:

           "ALISIN mo na 'yong kulam sa akin, Amaris. Ganyan ka ba galit na galit para gawin ito sa akin? Maawa ka naman," Mark begged on the other line.

Sinubukan kong sagutin ang kanyang tawag para sabihin tumigil na siya kaka-text sa akin, malapit na ako magpalit ng sim dahil sa ginagawa niya.

Ano pa bang hindi malinaw sa kanya? Ayoko na, ayoko sa manloloko.

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Nababaliw ka na ba? Anong kulam? Pwede ba, Mark. Wala akong ginagawa at wala akong gagawin, tigilan mo na lang pagte-text sa akin."

I want to blame him, to shout. Is it really my fault now?

"N-Nangyari lang naman 'to no'ng gabing 'yon. Amaris, naglalagas ang buhok ko tapos nagkakaruon ako ng mga sugat-sugat sa ari! H-Hindi pwede 'tong mangyari sa akin!" sigaw niya, halatang hindi na alam ang gagawin.

I shook my head, I don't know anything about what he was talking about.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo, Mark. Baka sa dami ng babaeng kinakama mo ay nakakuha ka ng sakit." Pinatay ko na ang tawag.

Bakit gano'n ang tao? Sila ang may kasalanan pero hahanap ng dahilan para isisi sa iba, nakakaloko.

Napailing ako saka nagbihis, kakarating na. Kakatapos lang namin kumain ng gabihan, magkaaway sila Mama at Tito dahil habang kumakain ay nagsusumbatan pa rin sila.

Well, not new.

Bakit kaya may mga magkakarelasyon na pinipiling manatili pa sa isang relasyon kung hindi naman na masaya at hindi naman na sila nag-go-grow sa isa't-isa.

Habang naka-upo sa kama at nagsusuklay ay bigla kong naalala ang napulot kong kwintas na may pendant na singsing.

Mabilis ko 'yong kinuha.

Kulay asul ang bato sa gitna no'n, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung anong nangyari. Nasaan 'yong nakabungguan ko? Sigurado akong may nabunggo ako at isa pa, naiwan niya ang kwintas niya.

"Ang ganda," komento ko sa kwintas.

Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil kanina ko pa ito gustong suotin, parang may bumubulong sa akin na isukat ko.

"I-Isang beses lang, isusukat ko lang." I negotiated to myself.

Tinanggal ko ang singsing sa kwintas, pakiramdam ko ay sumisikip na naman ang dibdib ko. Hindi kaya epekto ito ng aksidente no'ng nakaraan, baka ngayon lumalabas mga sakit sa akin.

Umawang ang labi ko nang isuot ko sa akin pala-singsingan iyon at ang kulay blue na bato ay unti-unting naging pula.

"Hala, ang ganda!" manghang sabi ko nang magbago ang kulay ng bato.

Kaagad kumunot ang noo ko at napatakbo sa bintana nang bumuhos ang malakas na ulan.

Uulan pala? Wala naman ambon o hangin, ang weird na talaga ng panahon ngayon.

Nang makabalik ako sa kama ay sinubukan kong hubarin ang singsing pero ayaw ng matanggal.

"Shit! Ang sikip."

Halos ubusin ko ang kalahating oras para tanggalin pero ayaw, gumamit na ako ng lotion, sabon at mantika pero ayaw pa rin.

"Bakit ayaw matanggal?"

'You can't remove it, mate.'

"Ay ganern, bakit na—" Natigilan ako nang maalalang wala nga pala akong kasama sa kwarto.

Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon