Kabanata 4

90.9K 5K 1.1K
                                    


Kabanata 4:

               NAGISING ako kinabukasan dahil sa malalakas na sigaw mula sa sala, humahangos na umupo ako sa kama. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid, maliwanag na at wala ang lalaki.

It was just a dream right?

Pinakiramdaman ko ang aking sarili, sinubukan kong sapuhin ang aking pagkababae, wala akong maramdaman sakit kaya nakahinga ako nang maluwag.

Akala ko talaga totoo.

Umawang ang aking labi nang maalala ang kakaibang panaginip. That man, used his fingers... I came to his hand more than three times. I lost the count in my dream.

Ano bang klaseng panaginip iyon? Napakabastos, hindi naman ako gano'n.

Ngayon lang 'to nangyari. Ano 'yon, wet dreams?

"Aba, wala ka pa rin pagkain anong oras na?!" sigaw ni Ruth saka kinalampag ang pintuan ko.

Dahil sa sigaw niya ay natauhan ako, halos lumipad ako papunta sa banyo nang makitang magtatanghali na. Halos magbuhos lang ako ng tubig bago lumabas, iritang mukha ni Ruth ang tumambad sa akin habang rinig na rinig ang sigawan ni Mama at Tito Rey, ang pangalawang asawa ni Mama.

"Anong nangyari?" takang tanong ko habang bitbit ang bag.

"Aalis ka na? Bakit walang pagkain?"

"Na-sobrahan kasi ako sa tulog, baka pwedeng ikaw muna ang mag-asikaso, sobrang late na ako sa trabaho."

Mabilis na akong lumabas sa bahay, rinig na rinig ko pa rin ang sigawan nila habang naglalakad ako palayo, nakakahiya sa mga kapitbahay.

Nakita ko si Aling Marites na kunwaring nagpapalansya ng damo, pero ang totoo ay nakikinig lang sa sigawan nila Mama. Nang makita ako ay mabilis siyang pumasok sa loob, dala ang plansa.

"Kaya ka hindi nagpapadala kasi may babae ka ro'n!" sigaw ni Mama.

"Ang dumi ng utak mo! Ewan ko sa'yo, nakakarindi 'yang bunganga mo kaya ayokong umuuwi sa bahay na 'to!" rinig ko pang sigaw pabalik ni Tito Rey bago ako tuluyan makalayo.

Habang nasa jeep ay binuksan ko ang cellphone ko na pinatay ko nga pala kagabi, sunod-sunod na pumasok ang mga mensahe. Binasa ko lang ang kay Felia.

Felia:
nandito na ako, ako na mag-open gorl.

huy, anong oras na? papasok ka ba?

gorl, pumunta si mr. chua, mabuti at sandali lang siya. sinabi ko bumili ka lang.

Napangiti ako nang mabasa ang mga mensahe ni Felia, nang makarating sa shop ay naabutan ko siyang may kausap na kostumer. Mukha pa siyang tanga nang makita ako dahil lumiwanag ang mukha niya, napapailing na natawa ako saka nag-log in.

Nang makaalis ang kausap niyang babae ay nilapitan niya ako.

"Taray, half day. Anyare sis? May date ka siguro kagabi," she accused.

Napanguso ako.

"Hindi, tinanghali ako ng gising. Masama kasi pakiramdam ko kagabi," pag-aamin ko.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya, nilapat niya ang likod ng kamay sa noo ko animong tinitingnan kung may sakit ako.

"Baka naman dahil sa aksidente noon nakaraan linggo? Baka ngayon lang sumasakit mga katawan mo, hindi kaya nabagok ka?" eksaheradang sabi niya

"Hindi naman siguro, nga pala pasensya ka na ikaw pa tuloy naglinis no'ng basag na vase kahapon, iniwan ko lang kasi." Sobra kong takot kahapon ay napatakbo na lang ako palabas.

Felia's forehead creased.

"Anong vase?"

"Iyong nasa—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil pagtingin ko sa estante ay nandoon pa ang vase at buong-buo.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo saka mabilis na nilapitan iyon.

Sigurado akong nabasag ito kahapon, kitang-kita ko. Anong nangyari? Bakit buo?

___________________

Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon