Kabanata 1:
"AMARIS, nasa labas 'yong aso mo, hinahanap ka, mag-usap daw kayo," imporma sa akin ni Felia, isa sa mga kaibigan at katrabaho ko sa pinagta-trabahuhang antique shop.
Binitawan ko ang hawak na mga resibo na aking inaayos saka nilingon siya.
"Sabihin mo wala ako, sabihin mo pumunta akong ibang bansa para makalimot at humanda siya pagbalik ko dahil dudurugin ko siya," I joked dramatically.
Felia gave me a duh face.
"Gagi korni, ayoko na girl. Ang kulit ng isang 'yon, sinusuhulan pa ako ng milktea para palabasin ka, akala ata niya madadala niya ako sa milktea lang," sabi niya.
"Syempre hindi mo tinanggap?"
Napakamot siya ng batok bago sumipsip sa hawak niyang milktea, laglag ang panga ko. Walang hiya!
"Huwag mo akong husgahan, Amaris. Milktea at fries 'to. May fries girl. Fries! Wala, tinapon ko ang dignidad ko," madramang sabi niya sabay nguya ng fries.
"Seryoso ba, Felia?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
Para sa milktea at fries, nilaglag niya ako. She looked at me for a moment before she burst out laughing, I rolled my eyes. Pinagti-trip-an na naman niya ako.
"Charot lang, binili ko 'to. Pero legit na inalok niya rin ako pero hindi ko tinanggap. Hindi masarap ang libre kapag galing sa cheaters," sabi niya saka umupo na sa pwesto niya.
I shook my head at her, then continue on what I was doing.
Kaklase ko si Felia noong college, sa business course. Ito ang una namin trabaho pagka-graduate, bukod sa malapit sa bahay ay malaki naman din ang sahod at hindi pa kami pagod hindi katulad sa ibang kompanya na tambak ang trabaho tapos wala ka pang pahinga.
Dito nakaupo ka lang, tamang bantay lang ng shop. Tatayo ka lang kapag may kostumer o kaya delivery na items.
Medyo nakaka-boring nga lang dahil mga antigong bagay ang mga nasa paligid at madalang lang ang bumibisitang kostumer, kung mayroon man ay 'yong mga matatagal na talaga o mga nagkokolektor.
"Kumusta naman, wala kang nararamdaman kakaiba sa katawan mo? Isang linggo pa lang simula ng aksidente mo ah," tanong ni Felia pagkaraan ng ilang minuto.
I clasped my hands on the table.
"Wala naman, parang wala lang. Hindi ako pwedeng magpahinga, walang kakainin ang mga tao sa bahay. Mabuti na lang at ayos lang din 'yong driver." I sighed.
Hindi ko na maalala kung paano ako nakaligtas, kahit ang mga Doctoc ay nagtataka dahil wala akong gasgas ni isa sa tindi ng salpok ng jeep samantalang ang driver ay may kaunting sugat sa braso at noo.
Ang totoo ay sumasakit ang ulo ko nitong mga nagdaan na araw. Iniisip kong dahil iyon sa stress, ang sama rin talaga ng pakirandam ko. Hindi ko alam, parang nanlalata ako.
"Nagbayad na lang 'yong driver ng van?"
"Hmm, sila ang magkausap ng driver ng jeep. Nagbayad na lang ata, hindi na ako nanghingi, naawa rin ako sa driver e ang laki ng gastos sa jeep, yupi e."
"Sus, kaya ka inaabuso e dahil sa kabaitan mo. Tingnan mo 'yang step sister mo, kung gamitin ka akala mo banko ka niya, jusko," Felia ranted with a hand gestures.
Alam ni Felia ang mga drama sa buhay ko, pakiramdam ko kung wala akong pagsasabihan ay mababaliw ako, ayokong sarilihin.
"Tapusin mo na 'yang pag-encode mo para ma-send ko na kay Boss 'yong sales." I changed the topic.
"Oo na nga, maaga ako mag-out mamaya ah? Ikaw na ang magsasara ng shop no, baka kasi magsara 'yong tindahan na bibilhan ko e," sabi niya habang abala sa ginagawa.
Tumango ako, kanina pa niya iyan sinasabi, ayos lang naman sa akin, kaya ko naman.
Gano'n nga ang nangyari, mas maagang umalis si Felia. Tahimik ang buong shop nang matapos ako sa ginagawa ko, nagbabawas kami ng mga papel sa counter. Sa sobrang dami ay nagkakahalo-halo na.
I did the last round check.
Sinipat ko ang mga bintana at ilang gamit kung may nahulog o ano, wala naman. While I'm at the counter, signing the papers to log out, I heard the bell ring to the door.
Someone entered the shop.
"Sarado na po kami, past five na po. Bukas na lang po kayo bumalik," magalang na sabi ko.
Itinabi ko ang papel at ballpen saka nakangiting bumaling sa pintuan para batiin ang dumating pero unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi nang walang taong makita.
Nasaan na 'yon?
Inilibot ko ang tingin sa buong shop pero wala naman, imposibleng mahangin ang pintuan dahil sobrang bigat no'n.
"Weird," I whispered.
Isinukbit ko na ang bag saka kinuha ang susi para makauwi na.
Bago pa ako makalabas sa pintuan ay napatigil ako dahil bigla akong nilamig, pamilyar ang pakiramdam. Suminghap ako nang may tumunog sa likod ko, nilingon ko ang nahulog na maliit na vase.
"Tangina, bawas sweldo na naman," nanlulumong sabi ko nang makita ang durog na vase sa sahig.
Ano bang nangyari? Wala naman hangin, bakit nahulog?
Kukunin ko na sana ang dust pan para linisin nang tumunog ulit ang bell, sa pagkakataon na iyon ay hindi ako lumingon pero napatitig ako sa sahig.
Nakikita ko ang anino, papalapit sa akin.
Kaagad kong ginala ang mata ko, kapag may ginawang masama 'to ay hahampasin ko siya ng kung anong mahawakan ko.
Halos manginig ako nang maramdaman nasa likuran ko na siya, naramdaman ko ang lamig ng katawan niya, pero mainit ang kanyang hininga sa aking batok.
Napalunok ako.
"A-Anong kailangan mo? K-Kunin mo na lang ang pera... w-wala kaming malaking kinita ngayon k-kung magnanakaw ka ay kunin mo na, huwag mo akong sasaktan may pamilya pa akong binubuhay at-" Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang mainit na dila sa aking balikat, paakyat sa leeg.
Nanginig ang kamay ko sa takot.
"P-Please..." My voice cracked when he bite my neck, I felt the pain and pleasure.
Hindi ko alam bakit ko iyon naramdaman, umawang ang labi ko at mabilis dinampot ang isang vase at humarap upang hampasin siya.
Gano'n na lang ang pag-awang nang labi ko nang walang tao sa likod ko, ako lang mag-isa sa shop.
What the hell?
__________________
BINABASA MO ANG
Devil's Mate
General FictionThe devil was once an angel. _______________________________ Genre: General Fiction Started: March 19, 2021 Finished: March 19, 2021