Thalia's POV
Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala at umiiyak habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse. Ilang beses ko na bang sinasabi sa sarili kong pagod na ako? Na hindi na ko mag-aaksaya ng luha sa lalaking 'yon?
"Stop crying, Thalia. Tama na. Hindi siya mahalagang tao na kailangan mong pag-aksayahan pa ng luha. Hindi makakabuti sa'yo kung palagi ka na lang iiyak."
Ngumiti ako ng mapait kay Vlad at nag-iwas ng tingin. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit kaya napatingin ako sa kanya.
"Just always remember that I am here with you. 'Di kita pababayaan." seryosong saad niya.
Napaiwas na lamang ako ng tingin at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa akin.
Katahimikan ang namayani sa palagid. Makalipas ang ilang minuto ay tinanong na niya ako sa kung ano bang nangyari sa opisina ni Lucas at bakit ako naroon.
Bumuntong hininga ako at sinimulang isalaysay ang nangyari.
"Naisipan kong pumasok ng opisina dahil na rin sa tambak na trabaho."
"Hindi ko alam na pagdating ko roon ay may bagong sekretarya na pala siyang ipinalit sa akin. Masakit at nakakapanlumo iyon lalo pa't wala man lang nakapagsabi sa akin. Na para bang pinlano niya ng mabilisan ang nangyari para mapaalis ako ng tuluyan sa buhay niya. Hindi ko din naman inakala na pe-personalin niya ako ng ganoon at basta na lang akong tinanggalan ng trabaho."
"Maraming nakatingin sa akin. Maraming nagbubulung-bulungan na akala mo alam nila ang mga nangyayari sa buhay ko nang dumating si Lu... Siya. Ipinahiya niya ako sa harap ng lahat ng mga empleyadong naroon na nagmamasid sa amin." nanikip muli ang dibdib ko at pilit na iwinawaglit sa utak ko ang mga nangyari.
Nakita ko ang paghigpit ng hawak ni Vlad sa manibela.
"Alam mo ba kung anong mas sasakit pa doon?"
Nagtagis ang bagang nito at itinabi muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada,
"Nakahanap agad siya ng ibang babae na pupunan lahat ng kababuyan niya. Na para bang ipinamumukha niya sa akin na ganoon lang niya ko kabilis palitan dahil isa lang naman akong tanga na nagpaloko at nagpagamit sa kanya."
"Vlad masakit eh, sobrang sakit kasi kahit gaano kalaki iyong pinsalang ginawa niya sa buhay at pagkatao ko minahal ko pa din siya. Nagpabulag pa din ako sa mga matatamis niyang salita. Sa mga pangako niya na napako lang sa hangin"
Hinatak ako ni Vlad papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko mapigilang mapahagulgol sa balikat niya.
"Thalia tama na. Huwag mo nang ituloy dahil mas lalo ka lang masasak---"
"Oo mas lalo lang akong masasaktan, Vlad. Kahit saang anggulo naman tignan ay masasaktan pa din ako. Kahit kimkimin ko man 'to o i-kwento ay nasasaktan pa rin ako. Pinakaladkad niya ako sa mga guwardiya palabas ng building niya."
Lalong humigpit ang yakap sa akin ni Vlad at marahang hinahaplos ang buhok ko.
"Vlad, may gamot ba para sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko? Hindi ko na kaya eh. Mahal na mahal ko ang gagong iyon at mas lalo lang akong nasasaktan sa isiping magpapalaki na naman ako ng isang anghel na walang kamuwang-muwang sa katangahan ng nanay niya. Ayoko na e. Pagod na ko magmahal. Pagod na akong umintindi sa taong alam kong wala naman pakielam sa akin."
"Put*ngina niya. Sisiguraduhin kong hindi na makakalapit sayo ang hudas na iyon. Gagawin ko ang lahat para lang maiganti ka sa hayop na lalaking 'yon. Hindi mo dapat inaaksaya ang luha at pagmamahal mo sa isang demonyong katulad niya."
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
RomanceThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...