Thalia's POV
Isang linggo na kaming walang kibuan ni Lucas. Ewan ko kung may karapatan ba akong makaramdam ng panghihinayang dahil simula ng sabihin ko sa kanya na iwasan na namin ang isa't-isa ay hindi na niya kailanman pa ako pinansin.
Tuwing mag-uutos siya, hindi niya ko tatapunan ni isang tingin man lang. Nasasaktan man ako pero ginusto ko din naman to. Tama lang naman na sa umpisa pa lang, huwag na namin palakihin ang sugat.
"Nanay, ano po niluluto mo? Mukhang masarap po iyan ha?" paglalambing ng anak ko habang nakayakap sa bewang ko dahil nga maliit lang siya.
Sabado ngayon kaya't naisipan kong mag-bonding kami ng anak ko sa bahay at mamaya naman sa mall para hindi naman makaramdam ng tampo ang anak ko sa akin.
Alam kong malungkot minsan si Kristof dahil wala na akong oras sa kanya kaya naisipan kong bumawi. Tutal at wala naman kaming gagawin.
"Ang baby ko naglalambing. Nagluluto po ako ng sinigang na baboy for you. Diba hiniling mo sa akin 'to noong nakaraan?" tanong ko dito habang patuloy pa din sa pagluluto.
"Opo! Mukhang madami po ang makakain ko ngayon kasi masarap na naman ang luto ni Nanay!" masayang wika nito at bumitaw sa pagkakayakap sa binti ko para pumalakpak.
Napatawa na lang ako at hinalikan siya sa noo.
Nang matapos ko ng maluto ang pagkain ay masayang nakasunod sa akin si Kristof sa hapag kainan habang nakasiklop ang dalawang kamay.
"Nanay ako po ang magpa-pray ha?"
"Sige ba, anak! Mag-thank you na tayo kay Papa God."
Magiliw itong kumakain kaya hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Sana palagi na lamang ganito, kaming dalawa ang magkasama at masayang nagkwe-kwentuhan.
Mas mabuti na nga lang din kung hindi na makilala pa ni Lucas ang anak ko dahil baka saktan niya lang din si Kristof. Makasarili man tignan para sa iba pero hindi ko ibibigay ang anak ko.
KANINA pa hindi mapawi ang mga ngiti ni Kristof kaya ganoon na lamang ang saya na nararamdaman ko. Nakakataba talaga ng puso kapag nakikita mo kung gaano kasaya ang anak mo. Pakiramdam ko lahat ng pagod ko napapawi sa simpleng ngiti lang niya.
"Nanay, kaya mo po ba talagang makuha iyang malaking robot na stuff toy po? Okay lang naman po kung hindi ko makuha 'yon eh." nag-aalangan na tanong nito sa akin na agad ko namang sinuklian ng matamis na ngiti.
Nandito kasi kami sa isang palaruan sa mall. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Kristof noong makita niya iyong stuff toy kanina ng madaanan namin kaya't pursigido akong makuha iyon sa catcher.
Nag-swipe na ako ng card at inumpisahan kong igalaw yung joystick. Naririnig ko naman ang pagchee-cheer ng anak ko kaya hindi ko maiwasang matawa pero sa kamalas-malasan ay hindi ko ito nakuha.
Nakatatlong try na ako at nararamdaman ko ang panlulumo ni Kristof. Nakakainis naman kasi. Bakit ba hindi ako magaling dito?
"Last na ito, baby. Huwag kang malungkot dahil makukuha na iyon ni Nanay! Para saan pa ang powers ko diba?" nakangiting pahayag ko dito kaya nakita ko na naman ang pagngiti nito ng malaki.
"Go, Nanay! Kaya mo yan! Bibigyan po muna kita ng power yakap at kiss para makuha mo po!" sabi nito kaya yumuko ako para magka-pantay kami.
Niyakap niya ako ng napakahigpit at pinugpog ako ng madaming halik kaya natawa ako.
"Makukuha na iyan ni Nanay dahil binigyan mo ako ng energy baby!" sabi ko rito at nagsimulang muli sa paglalaro at kapag sinuswerte ka nga naman oh.
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
RomantikThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...