Thalia's POV
"Ano ka ba naman Thalia! Sinama ka namin dito para mag-celebrate hindi para umupo lang dyan at magmukmok! kaya tumayo ka na dyan."
"Oo nga kaya hanggang ngayon wala ka pa ding nobyo eh! Masyado kang mailap, halika na kasi! Let's enjoy tonight!"
Sigaw sa akin ng dalawa kong kaibigan habang hinahatak ako papuntang dance floor.
Nandito kasi kami sa bar ngayon dahil nagce-celabrate kami ng kaarawan ng kaibigang kong si Xienna, gusto din kasi niyang makalimot dahil sa boyfriend niyang ipinagpalit siya sa iba. Ayoko din naman na pabayaan lang silang dalawa dahil mahirap na kung malalasing sila pareho ng walang kasama.
Hindi naman kami talaga mahilig sa mga pagpunta sa ganitong lugar, sa katunayan ay pangatlong beses pa lang naman namin ata nasusubukan mag-bar kasi taong bahay lang kami o hindi naman kaya ay madalas lang kaming naka-focus sa pag-aaral.
"Sige na kayo na lang, uuwi na din ako maya-maya. sapat na itong painom-inom lang ako ng kaunti dahil delikado naman kung pare-pareho tayong sobrang lasing." pagtanggi ko sa kanila.
"Aish, sige na nga pero next time ha!" pagsuko ni Xienna, halata na disappointed siya.
"Oo nga next time maki-join ka na sa amin ha." pagsang-ayon naman ni Catrina.
"Pangako. Sige na, bumalik na kayo doon." sabi ko sa kanila at tuluyan na naman silang umalis para sumayaw.
Hindi ko maiwasang maisip na apat na buwan na lang ay makakapagtapos na kami sa pag-aaral at magkakaroon na kami ng sari-sariling buhay.
Masaya ako dahil sa loob ng ilang taong paghihirap namin ni Lolo para lang makapagtapos ako ay magbubunga na din sa wakas.
Napangiti na lamang ako sa aking sarili at pinanood ang mga kaibigan kong kulang na lang ay magwala sa dance floor.
"Hey baby, can I join with you?" tanong ng isang lalaki sa akin nang makalapit siya sa inuupuan ko. Hindi ko naman siya kilala kaya mas minabuti ko na lamang na hindi na siya pansinin pa.
Sa hilatsa kasi ng mukha nito ay magaling itong mambola at manloko ng babae. Hindi naman sa nagiging mapanghusga ako pero sa mga titig pa lang na ibinabato niya sa akin ay hindi ko lang talaga masikmura.
"So what's your name, honey?" tanong niya ulit. Napakunot ang noo ko nang umupo na pala siya sa tabi ko. Masyado naman ata tong presko at kung anu-ano pa ang itinatawag sa akin.
"Huwag mo akong kausapin. Hindi ako nakikipag-usap sa mga katulad mong lalaki lalo pa at hindi kita kilala. Umalis ka na." sabi ko sa kanya ng walang kabuhay-buhay.
"Woah, ako na nga itong lumalapit sayo, ikaw pa ang nagagalit." naiiritang pahayag niya at hindi maiwasang mag-pantig ang tenga ko.
"Bakit? hiniling ko ba sayo na samahan mo ako dito ha?" pagta-taray ko sa kanya. Pakiramdam ko din ay kahit papaano umeepekto na ang alak na nainom ko kaya ganito na ako umasta.
Mukha namang nainis siya sa pagta-taboy ko sa kanya kaya padabog siya umalis sa tabi ko at bumalik sa mga kaibigan niya na katabi lang pala ng table namin.
Hay naman talaga. Mga lalaki nga naman. Akala nila isang landi lang nila sa mga babae eh bibigay na agad sa kanila, pwes ibahin nila ako dahil hindi ako katulad ng iba diyan sa tabi-tabi na kaunting kalabit lang ay kulang na lang mangisay sa kilig.
Pinagpatuloy ko na lang ang pag-inom ko pero paunti-unti lang para hindi ganoon kalakas ang tama sa akin.
Napatingin akong muli sa paligid, napapansin ko na may ibang gumagawa na ng milagro at nakikipag-palitan ng malalagkit na tingin sa mga kapares nila. Napailing na lamang ako. Kaya ayoko talagang nagpupunta sa mga ganitong klase ng lugar. Maingay na nga, hindi pa kaaya-aya iyong mga nakikita ng mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
Roman d'amourThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...