Kabanata 26

3.4K 92 7
                                    

Thalia's POV

Apat na araw na ang nakalilipas simula ng mangyari ang pagbabago sa buhay namin mag-ina at bawat araw ay lalo akong nangungulila sa anak ko.

Grabe din ang pagbagsak ng pangangatawan ko dahil kulang sa pagtulog kakaisip sa kalagayan ni Kristof. Naaawa ako sa batang nasa sinapupunan ko. Ni hindi ko na naaasikaso ang sarili ko kakahanap ng paraan para masilayan man lang ang anak ko.

Napakasakit pa din para sa akin na mawalay sa akin si Kristof dahil nasanay akong laging nandyan ang anak ko sa tabi ko. Noong nakaraang araw pa ako nagpupunta sa mansion nila Lucas pero lagi lang akong hinaharang ng mga tauhan nito.

Nanlulumo at bagsak ang mga balikat ko sa tuwing uuwi ako galing sa kanila. Nagbabaka-sakali lang naman ako na baka makita at mayakap ko man lang ang anak ko. Ni hindi ko nga alam kung nakakakain ba siya ng maayos o hindi.

Tuwing pumupunta naman ako sa eskwelahan ni Kristof ay sinabi rito na tatlong araw na daw itong hindi pumapasok. Sinubukan ko pa din ngayong araw pumunta sa eskwelahan niya kahit unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

' Pero paano kung inilipat na siya ng walang modo niyang ama?'usig ng isipan ko.

Iniling ko ang ulo ko upang mawala lahat ng tanong at pagdududa na gumugulo sa akin.

Para siguro sa iba ay dapat ko na lamang hayaan si Kristof kay Lucas dahil mabibigyan niya ito ng mas magandang buhay kaysa sa akin pero hindi ko kaya. Mahal ko ang anak ko na higit pa sa kahit ano sa mundong ito at hindi ako makakapayag na mawalay lang siya sa akin.

Palabas na ako ng tarangkahan ng apartment nang may tumigil na kotse sa harap ko. Nag-aalalang bumaba doon si Xienna kasama si Catrina. Ang mas ikinagulat ko pa ay kasama nila si Lucia, ang kapatid ni Lucas.

Hindi ko maiwasang mailang sa kanila lalo pa at sa ganitong itsura ko na halos hapong-hapo na sa sobrang pagod at stress.

"A-anong ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

Napasinghap ako ng bigla nila akong pinaligiran at hindi magkanda-ugaga sa pagsuri sa akin. Parang naghy-hysterical pa ang mga ito.

"Oh my gosh, Ali! Anong nangyari sayo?!" nanlalaki ang mga mata ni Catrina at nakita ko ang pangingilid ng luha nito.

Tinignan naman ako nila Lucia at Xienna na may nag-aalalang mga mata. Napaiwas na lang ako ng tingin at yumuko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong saya na makita silang muli pero nakokonsensya dahil lagi na lang ganito ang eksena sa buhay ko.

Isang kuwawang ina na walang-wala ng natira sa sarili ni kaunting respeto man lang sa sarili ay para bang nauubos na din.

"Mabuti pa guys, We must bring her to some other place. Pansin ko kasi may nagmamasid sa atin and I don't want my hard-headed brother to know something about this. You know, helping Thalia. Paniguradong bibigyan na naman ako ng family namin ng bodyguard para di ako makisali sa mga bagay-bagay." sabi ni Lucia at tumingin sa paligid na balisa.

"Paano na yan? Edi siguradong malalaman niya kung saan tayo pupunta." natatarantang pahayag din ni Xienna at ginulo ang kanyang buhok sa sobrang inis.

"Ako na ang bahala. Susunod na lang ako kung saan kayo pupunta," napalingon ito sa malayo at nanlaki ang mga mata. "I can saw that asshole already! Ugh! I really hate that guy! Attorney lang naman siya ni Kuya tapos investigator at bodyguard na din?!" naiiritang pahayag nito at umirap pa.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng mapait dahil sa pagkakahawig nila ng kuya niya. Ang pinagkaiba lang ay mas mukhang anghel si Lucia.

"O sige, Lucia. Aalis na kami." paalam ni Catrina at bumeso na rito ganoon din ang ginawa ni Xienna.

Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon