Kabanata 23

3.7K 102 11
                                    

Thalia's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng may mangyari sa amin ni Lucas at nagdaan ang mga araw na naging maayos naman ang samahan namin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko lalo pa at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, yung sobra-sobrang pagmamahal. Para bang ang sarap sa pakiramdam kung lagi na lang ganito kasaya.

Pero wala namang perpektong buhay. Minsan sa kabila ng kasiyahan mo, may nakaabang pala na magpapalungkot sayo ng sobra.

"Nanay, kuhaan na po ng card namin bukas. Pupunta po ba kayo?" inaantok na tanong sa akin ni Kristof. Kasalukuyan kasing nasa kwarto ko siya at gusto niyang tabi kami ngayon matulog.

"Syempre naman, tutal sabado bukas kaya pwede tayong mamasyal pagkatapos natin sa school mo, okay ba yun?" sabi ko dito habang sinusuklay ang buhok niya.

"Opo! Thank you po, Nanay. The best ka po talaga!" sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

"Anak, may tanong ako sayo."

"Ano po iyon, Nanay?" tanong nito habang nilalaro ang kamay ko. Parehong-pareho sila ni Lucas, hindi maipagkakailang mag-ama sila. Napabuntong hininga na lang ako.

"P-paano kung, m-makita ko ulit ang tunay mong t-tatay, anak? Anong mararamdaman mo? Paano kung kunin ka niya s-sa akin? P-paano kung hindi pa pala siya patay?" kinakabahang tanong ko dito.

Tinitigan ako nito at makikita ang pag-lawak ng ngiti nito.

"Magiging masaya po ako ng sobra, yayakapin ko po siya ng sobrang higpit. Pero kung aawayin ka po niya, di na po kami bait. Sasama po ako sayo at hindi na po natin siya bati kahit kailan. Ganon ko po kayo kamahal, Nanay." wika nito at niyakap ako lalo ng mahigpit.

"Nanay, ayaw ko pong malayo sayo. Ayaw ko pong iwan niyo ako. Mahal niyo naman po ako, diba, Nanay? Hindi niyo po ako iiwan diba?" tanong nito at nakita kong nagbabadya na ang mga luha sa mga mata niya. Parang sumikdo ang damdamin ko kaya niyakap ko din siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal ka ni Nanay dahil ikaw lang ang buhay ko. Hindi ko kailanman hahayaang mapalayo ka sa akin. Hindi ako makakapayag na mawala ka sa piling ko, pangako. Tandaan mo palagi na mahal na mahal kita. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino pa. Kasi hindi ako mabubuhay ng walang makulit na gwapong Kristof sa buhay ko. Tandaan mo yun anak ha?" sabi ko dito at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

"Huwag ka na po umiyak, Nanay. Love na love ko po kayo kaya kahit anong mangyari po, ikaw pa din the best Nanay sa buong mundo."

Napangiti naman ako at niyakap siya ng mahigpit.

Nang makatulog na si Kristof sa tabi ko, nag-ring naman ang cellphone ko. Si Lucas.

"Good Evening, baby." malamyos na bati nito at halatang bagong gising.

"Good Evening din." hindi ko mapigilan mapangiti kahit kausap ko lang siya sa telepono.

"I miss you so much, baby. Kung hindi ko lang talaga kailangan pumunta rito sa Germany, hindi ko kayo iiwan ni Kristof. I always want to spend my day and night with the two of you." sabi nito at alam kong nakanguso na naman siya.

Hindi ko tuloy mapigilang mapahagikgik dahil sa kaartehan ng lalaking 'to.

"Ikaw talaga. Kailangan mong gawin iyan dahil para sa kompanya at mga empleyado mo. Hindi mo din naman kailangan laging nakadikit sa amin. I mean, may sarili ka din namang buhay at ayoko namang masira iyon kung lagi kang naka-focus sa amin." sabi ko dito. Narinig ko namang bumuntong hininga ito sa kabilang linya.

Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon