Thalia's POV
Maaga akong gumising ngayon dahil ako ang maghahatid kay Kristof sa eskwelahan niya bago ako pumasok dahil masyadong busy si Xienna sa shop niya.
Ipinagako niya na siya na ang susundo kay Kristof palagi at ihahatid na lang sa opisina pagkatapos ng klase ni Kristof na ayos lang naman sa akin.
Ngunit hindi pa din mawawala sa buong sistema ko ang kabahan dahil sa mga posibleng mangyari kapag nagkita si Lucas t Kristof.
Nitong mga nakaraang araw din ay ipinagpapa-salamat ko at hindi talaga namana ng anak ko ang ugali ng ama niya. Hindi pa din kasi tumitigil sa pantritrip minsan ang lalaking iyon kaya madalas ay pagod na pagod akong umuuwi.
"Kristof bakit ang tagal mo naman ata dyan sa loob ng kwarto? Sabi ko kasi sayo tutulungan na kita, baby pa din naman kita." sabi ko dito pagkapasok ng kwarto namin.
Nakita ko naman ito na nakaupo sa harap ng salamin at naglalagay ng gel sa ulo. Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay. Kailan pa natuto itong magpa-pogi?
"Kristof, ikaw ha nagpapa-gwapo ka na. May crush na ba ang baby ko at may pa-gel gel pang nalalaman?" tanong ko dito at umupo sa tabi niya. Sinimangutan naman ako nito at napanguso pa kaya lalo akong natawa.
"Nanay naman, malaki na po kasi ako kaya hindi na po ako nagpapatulong sa inyo. Atsaka wala po sa isip ko ang mga ganyang bagay." nagulat ako kasi kung magsalita ito ay parang mas matanda pa sa akin. Napayakap na lang ako dito sa sobrang panggigigil.
"Hay, ang baby ko binata na ha. Ang pagkakaalam ko apat na taon ka pa lang para magsalita ng ganyan. Naku, halika na nga at mag-almusal na tayo, baka ma-late ka pa sa school mo." sabi ko dito at tinulungan siyang bumaba ng silya.
Pagkatapos namin mag-almusal at mag-kwentuhan tungkol sa pag-aaral niya ay inihatid ko na ito sa skwelahan niya.
"Baby, si Tita Xienna mo ang susundo sayo mamaya ha pero ihahatid ka niya sa opisina. Huwag kang sasama kahit kanino. Kay Tita Xienna lang, okay? Ingat ka!" sabi ko sa kanya at hinalikan ko na ito sa noo.
"Opo Nanay, Mag-iingat din po kayo." sabi nito at niyakap ako. Kumaway ako sa kanya habang pumapasok siya sa room niya. Nang mapansin kong nasa loob na siya ay agad na akong sumakay ng jeep papunta ng opisina.
Kailangan ko ng bilisan dahil ilang minuto na lang baka dumating na si Sir Lucas sa opisina. Tiyak mapaparusahan na naman ako ng lalaking iyon kapag nagkataon.
Pagkatigil pa lang ng jeep ay agad na akong bumaba at patakbong pumasok sa loob ng building. Kapag sineswerte ka nga naman oh, nandoon si Lucas at naghihintay sa pagbukas ng private elevator niya.
Napatingin sa akin ito at tinaasan ako ng kilay. Hindi ko maiwasang kabahan sa klase ng tingin nito na para bang may nagawa na naman akong hindi maganda.
"Why are you late?" walang emosyong tanong niya sa akin. Napayuko na lang ako.
"Pasensya na po, may kinailangan lang po akong gawing importante bagay ngayon. Hindi na po mauulit." hinging paumanhin ko sa kanya at yumuko.
Pumasok na ito sa loob ng elevator niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Ang kaso nga lang, wala pa ding available na elevator dahil halos puno na ang mga iyon.
Nagtatakang napatingin naman ako kung bakit hindi pa nito sinasarado ang elevator at nakatingin lang siya sa akin na parang may katangahan akong ginagawa.
"What are you waiting for? Tititig ka na lang ba sa gwapo kong mukha o papasok ka na dito para maumpisahan mo na ang mga tambak mong trabaho?" masungit na tanong niya habang nakahalukipkip.
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
Roman d'amourThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...