Thalia's POV
Mabilis nagdaan ang mga panahon at kabuwanan ko na aga. Doble din ang naging pag-iingat ko para masigurong magiging ligtas ang anak ko. Nilimitahan na din nila ang pagkilos ko dahil nga sa masyado itong naging maselan.
Noong isang buwan din ay dumating dito si Vladimir kasama ang kapatid niyang si Dra. Viara para mailuwal ko ng maayos ang anak ko.
Nahihiya na nga ako ng sobra sa kanilang lahat dahil sa tingin ko ay naaabala ko na sila ng sobra-sobra.
Nakakakonsensya rin kasi dahil mayroon silang mga kanya-kanyang buhay sa Pilipinas at nang dahil nga sa akin ay naaapektuhan iyon.
Medyo malaki din ang kinita ko sa mga binake ko noong mga nakaraang buwan kaya pinilit ko sila Mamita na ako na ang bahala sa panganganak ko pati na din sa kailangan ng anak ko.
Medyo tumataas din kasi ang benta kaya kahit papaano ay nawawala ako sa malalim na pag-iisip at mas itinutuon na lang iyon sa paghahanap buhay.
Naikwento rin sa akin ni Vladimir na kahit paano ay nakakabalita sila sa nagiging buhay ni Kristof sa tulong ni Nanay Rosi.
Ayon sa matanda ay maayos naman daw ang buhay nito sa poder ng kanyang ama pero kahit kailan ay hindi na nila ito nakitang ngumiti.
Para na daw itong ama niya kung tutuusin dahil wala masyadong kinakausap o kinakaibigan maliban sa isang bata daw na apo ni Nanay Rosi.
Madalas din daw itong nakakulong sa kwarto niya at hindi nagpapaalaga sa mga katulong dahil gusto daw nito ay ako lang ang hahawak sa kanya kapag bumalik na ako.
Mabuti na nga lang daw ay kahit papaano nalilibang ang anak ko simula noong dinala ni Nanay Rosi ang apo niya sa bahay ni Lucas.
Hindi ko maiwasang malungkot para sa anak ko. Hindi kailanman pumasok sa isip ko na magiging ganoon ito kailap. Kilala ko ang anak ko na mahilig makihalubilo sa mga tao at madalas na ngumiti.
Nang dahil sa gulo sa pagitan namin ng ama niya, siya mismo ang pinaka naaapektuhan.
Malaki na lamang ang pagpapasalamat ko sa Diyos dahil kahit papaano ay nagagawa pa din nitong magtiwala sa bago niyang natagpuan na kaibigan.
Napabutong hininga ako at napahawak sa umbok kong tiyan.
"Malalim na naman ang iniisip mo dyan, Thalia." pukaw ni Viara kaya napalingon ako sa gilid ko.
Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti at niyayang umupo sa tabi ko.
"Ganito lang siguro talaga kapag nagbubuntis laging nililipad ang isip. Teka nga pala, nasaan yung kuya mong makulit?" tanong ko sa kanya.
Umirap ito sa kawalan at pabagsak na umupo sa kabilang upuan.
"Ewan ko ba doon! Naghahabol sa babaeng wala namang pakielam sa kanya! Kuwawa naman tuloy si Lucia." maktol nito habang nakabusangot.
Napakunot ang noo ko. Simula ng umalis si Lucia, isang beses pa lang ito nakipagkita sa akin at sabi niya may gusto lang siyang ayusin muna sa buhay niya.
"Like hello? Masyado na nasasaktan ang isang iyon at mas pinili pa talaga makipagtaguan. Nagkaroon sila ng malabong ugnayan pero anong ginawa ng walang puso kong kapatid?! He dumped her." sabi nito at lalo pang umasim ang mukha.
Napatingin kaming pareho sa pintuan nang bumukas ito at iniluwa ang bagsak na balikat na si Vladimir. Dire-diretso itong umakyat ng hindi man lang kami tinatapunan ng tingin.
"Tsk. Ang kapal talaga ng mukha. Dapat kasi bumili na lang siya ng sariling bahay at hindi na siya nakikitira rito! Haler! Pagkatapos niyang paglaruan ang bestfriend ko, nakakaharap pa siya sa lolo at lola ni Lucia." sabi nito at dumiretso sa kusina.
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
RomanceThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...