"Sir, Good Morning po. Tumawag po ang isa sa mga investors ninyo. Mayroon daw pong emergency meeting mamaya. Tumawag din po pala iyong principal sa school nila Kristof. May sinuntok na naman po daw pong kaklase, pinapapunta po kayo sa school nila." bungad ng sekretarya ni Lucas na si Ayanna.
Napahilot na lang sa kanyang sintido si Lucas at napapagod na sumandal sa kanyang upuan.
"After my 2 weeks business trip, heto ang ibubungad sa akin? What the fvck?" mahinang usal nito sa sarili at tumayong muli.
"Call the investors and tell them that the meeting will be moved at 4pm later. Can you also contact Marcel if he could join the meeting later in case I won't be able to comeback as soon as possible." sabi ng binata at nagtuloy-tuloy sa pagsakay ng elevator.
Simula ng lumabas si Kristof sa kwarto niya isang araw, napansin nila ang malaking pagbabago ng batang lalaki. Wala ng emosyong makikita sa mga mata nito madalas. Lagi na lamang itong tahimik at bihira na lamang ngumiti.
Sa loob ng dalawang taon ay may isang tao lamang itong kinakausap at bukod pa roon ay kimi na lang itong sumagot kahit kanino. Nakikita nilang hindi na halos mapaghiwalay ang dalawa. Iyon na lamang ang nakakapagpanatag sa kalooban ni Lucas. Kung hindi kasi dahil sa batang si Euphemia ay hindi na niya alam ang gagawin sa anak.
Hindi pa din lubos akalain ng lahat na ang dating mabait at masunuring si Kristof ay naging kabaliktaran na. Lagi itong napapaayway sa eskwelahan sa edad na siyam na taon.
Lagi na lamang din itong hindi nakikinig sa kanyang mga guro kahit hindi naman nito napapabayaan ang pag-aaral. Sa katunayan nga ay ito ang nangunguna sa kanilang klase. Hindi nga lang maiiwasang laging laman ito ng principal's office at inaangal ng mga teacher dahil sa hindi pakikinig sa klase.
Lagi lamang daw itong may sariling mundo at nagbabasa ng mga libro.
Samantalang naisalba naman ng binatang si Lucas ang kompanyang muntik ng mawala ng dahil sa kapabayaan niya.
Naging halos laman siya ng balita dahil sa mga nangyayari sa buhay niya at halos maubos din ang investors nito. Ngunit hindi maikakailang mabilis din itong nakabagon.
Ilang taong namayagpag na naman nga ito sa buong bansa dahil sa pagiging magaling nito sa negosyo.
Simula rin ng umalis si Thalia sa Pilipinas ay wala itong naging ibang babae. Madalas nitong ginugugol ang kanyang oras sa pagtatrabaho at kung minsan pa ay hindi na ito umuuwi sa mansyon.
Ni hindi niya minsan magawang makamusta ang anak sa kadahilanang ayaw siya nitong makausap. Minsan na lang din niya makaharap ito.
At heto nga sa hindi mabilang na pagkakataon ay pinatawag na naman siya sa eskwelahan ng bata. Hindi niya maiwasang magalit at mapagod. Hindi niya alam kung saan pa siya nagkukulang kahit pa halos lahat ng pangangailangan nito ay ibinibigay niya.
"Good Morning, Mr. Hernandez. Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Your son punched on of his classmates again." wika ng Principal at inayos ang kanyang salamin.
"I'm sorry for my son's attitude and action towards his classmates. I'll make sure I'll talk to him again later." paumanhin ni Lucas at tinignan ng mataman si Kristof na parang walang pakielam naman sa paligid.
Napatingin din si Lucas sa bata at sa pamilya nitong nakaupo sa kabilang banda.
Napatigil ang usapan nila nang makarinig ng munting katok. Agad naman itong pinapasok ng principal at bumungad nga ang batang babae na si Euphemia.
"Good Morning po. Pasensya na po sa istorbo pero may gusto lang po sana akong sabihin." mahinhin na wika nito.
"Okay. You may have your seat." sagot ng principal na agad naman nitong sinunod.
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
RomanceThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...