Kabanata 44

3.5K 115 8
                                    

Thalia's POV

"Thalia, is there a chance that we could still fix our relationship?"

Napatulala ako sa tanong niya at ilang beses napalunok. Ramdam ko din ang malakas na kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya dahil sa mga oras na ito, parang tuluyan ng na-blanko ang utak ko.

Bumuntong hininga siya at kita ko ang pekeng ngiti na nakapaskil sa mukha niya. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at disappointment bago napakamot sa batok.

"You don't have to answer me right now. Kaya ko naman maghintay at kung dumating man sa punto na wala na talaga..." napalunok siya at nag-iwas ng tingin sa akin.

Nag-aalangan man ako pero mas pinili ko pa din abutin iyong kamay niya at marahang pinisil iyon.

"Thank you sa pag-intindi."

Namayani muli ang katahimikan sa paligid at ramdam ko ang bigat ng tensyon sa paligid.

"I guess, I really have to go home alone. Tutulungan muna kita sa mga kailangan mong gawin tapos ako na maglo-lock ng bahay mo. Please be safe."

Napatango na lang ako at sinimulan na gawin ang mga kailangan kong ayusin at nilock na din lahat ng bintana at pinto.

Tahimik ko lang siyang sinundan hanggang makarating kami sa labas kung saan nakaparada ang kotse niya.

"Mag-iingat ka sa daan. Mag-text ka kapag nakauwi ka na ha? Ako na lang ang magpapaliwanag sa mga bata bukas kung bakit hindi ako nakabyahe agad."

Tumango lamang siya at nginitian ako bago sumakay sa kotse niya. Sumilip siya sa bintana at napabuntong hininga.

"As much as I want to stay, I know I have to keep my distance just to make you safe. Please stay safe and have a good night."

"Huwag ka na mag-alala malaki na ko. Dahan-dahan ka sa pagmamaneho ha? Good night din."

Pinaandar niya na ang kotse at tuluyan na ngang umalis. Napabuntong hininga na naman ako bago pumasok sa loob ng bahay.

Nang makapagpalit na ako ng damit at nakapaghilamos, humiga agad ako sa kama at napatulala sa kisame.

Bakit nga ba hindi ko siya mabigyan ng sagot? Ilang buwan na siyang nagpapasaring sa akin pero binabalewala ko lang lahat iyon.

Hindi ko din kasi alam sa sarili ko bakit nga ba hindi ko siya kayang pagbigyan ulit. Hindi ko din alam kung mahal ko pa din ba siya.

Napapikit ako ng mariin bago maalala na may iniabot nga pala siya sa akin na box noong nakaraang linggo. Dali-dali akong bumangon sa kama at pumunta sa cabinet. Kinuha ko ang medyo may kalakihan na itim na box at bumalik muli sa kama.

Tinanggal ko ang white na ribbon at iningat at takip. Nakita ko doon ang isang photo album at isa pang maliit na box.

Una kong binuksan iyong maliit na box at tumambad sa akin ang isang bracelet na gawa sa diamanté at isang singsing na pareho lang ang disenyo.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon