Thalia's POV
Dumoble ang kabog ng dibdib ko nang ipagpilitan niya halikan ako.
Pilit man akong nagpupumiglas ngunit hindi niya ako hinahayaang makatakas. Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko.
Walang patid ang pag-iyak ko sa kaalamang para na itong nawawalan ng control sa sarili.
"Lucas! Hmp! Ano ba! Tang ina mo! Ang sama mo!" nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko nang punitin nito ang suot kong pang-itaas at hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok ko. Napapikit ako ng mariin at pinipigil ang sariling mapadaing.
Para itong mabangis na hayop na wala ng makapipigil pa. Napapikit na lang ako ng mariin at ilang beses umusal ng panalangin na sana ay hindi pabayaan ng Diyos kahit ang batang nasa sinapupunan ko.
Bumaba ang mga halik nito sa leeg ko at pinipisil ng marahas ang magkabilang dibdib ko.
Unti-unti ay nagu-ulap ang isipan ako at nagbabalik ang nakaraan sa aking isipan kung paano niya ako pinag-samantalahan at binaboy noon. Kung paano niya sinira ang mga pangarap at buhay ko.
Naalala ko kung paano niya ako igapos at saktan noong mga panahong iyon na kulang na lamang ay ang masilayan ko ang kamatayan ko sa mga kamay niya.
Napahagulgol ako ng malakas habang hawak ang aking impis na tiyan.
'Baby, palalakihin kita ng maayos at bubusugin kita sa pagmamahal. Kumapit ka lang dyan ha. Mahal na mahal ka ni Nanay. Kahit alam kong baka kamuhian ka lamang ng iyong ama katulad ng pagkamuhi niya sa akin. Hindi ko iyon ipararamdam sayo. Hindi ko rin hahayaang pati ikaw ay ilayo sa akin ng walang hiya mong ama.'
Naramdaman kong napatigil siya habang patuloy pa din ako sa paghikbi. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko kahit sobra na ang panginginig ko sa takot. Nakita ko siyang nakaupo sa kama at sinasabunutan ang sarili niya.
Napalingon siya sa akin at umambang hahawakan ako nang umatras ako. Ramdam ko ang lalong pag-alpas ng luha sa mga mata ko sa ala-alang rumaragasa sa utak ko.
"H-huwag po.. H-huwag niyo po akong s-saktan.." napapikit ako ng mariin at isiniksik ang sarili ko sa gilid ng kama.
Patuloy lamang akong napapahagulgol. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sa dibdib ko ngayon. Tuloy-tuloy pa din nagre-replay sa utak ko ang nakaraan.
Kung paano ako naghirap. Kung paano nawala ang lahat sa akin. Kung paano niya sinira ang buhay ko.
Nanunuya ko siyang tinignan sa mga mata habang patuloy pa din ang pagdaloy ng luha sa magkabila kong pisngi.
Bumalatay sa kanyang mukha ang konsensya at sakit pero wala na akong pakielam. Wala siyang karapatan masaktan dahil una pa lang, siya na ang nanakit at sumira sa akin.
Napasabunot muli ito sa kanyang buhok at hindi malaman kung ano ang gagawin. Sa tuwing pipilitin niyang hawakan ako ay hindi ko mapigilang mapapiksi sa sobrang takot.
Napasubsob na lang ako at niyakap ang sarili ko. Naging mabuting tao naman ako pero bakit kailangan kong makaranas ng ganitong klaseng paghihirap?
"I-I'm sorry.. I-I'm really sorry, Thalia." rinig ko ang sakit at paghihirap sa kanyang boses.
"Lumayas ka na. Napakasama mo. Demonyo ka." humihikbi pa din ako at hindi ko magawang tignan pa siya.
Narinig ko na lang ang pagsarado ng pintuan ng kwarto ko.
Napabaluktot na lamang ako sa kama at hinayaan ang sarili ko sa pag-iyak.
Kailan ba matatapos ang lahat? Kailan ba matatapos ang pagtitiis ko sa lahat ng kamiserablehan sa buhay?
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
RomanceThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...