Thalia's POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang muntikan na akong magahasa sa pangalawang pagkakataon.
Nakatulala lang ako sa kwarto matapos niya akong ihatid pauwi. Ni hindi ko siya magawang lingunin nang bumaba ako sa sasakyan. Lalo na noong hinawakan niya ako sa braso. Pumiksi lamang ako kaya wala siyang nagawa at tahimik na hinayaan akong pumasok sa bahay.
Napabuntong hininga ako at pumunta sa sala. Doon nadatnan ko si Xienna na tinutulungan si Kristof mag-aral sa sala. Mukhang nawawalan na talaga ako ng panahon sa anak ko.
"Hi nanay! Kamusta po? Bakit po mapula yung mata niyo po?" nag-aalalang tanong nito at pumunta sa harapan ko. Hinaplos ko ito sa mukha at nginitian siya.
"Wala lang ito, anak. Siguro dahil sa alikabok kanina noong pauwi ako. Namiss ka ni Nanay ng sobra."
"Ako din po, 'Nay. Mahal na mahal po kita."
Napasulyap ako kay Xienna na bahagyang nakakunot ang noo. Mabilis ako umiwas ng tingin sa kanya upang hindi niya mahalata ang bigat ng loob na dinadamdam ko. Alam kong gigisahin na naman ako ni Xienna pero wala talaga akong lakas ngayon para sa mga sermon niya.
"Xienna, pwedeng ikaw muna bahala kay Kristof ngayon? Pasensya ka na talaga ha? Alam kong sobrang pagod ka rin sa mga inaasikaso mo nitong mga araw." paumanhin ko rito at ngumiti ng hindi umabot sa aking mga mata.
"Wala iyon. Di muna kita tatanungin sa nangyari. Sige na, magpahinga ka na." seryoso ito at ramdam ko na gusto niya kong pagsabihan ngayon pa lang. Tipid ko lang siyang ngitian.
Nang nakapasok ako sa kwarto ay bigla na lamang akong napaupo sa sahig. Tulala habang tahimik na umiiyak. Pinagsusuntok ko ang dibdib ko, nagbabakasakaling mamanhid na lang sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Sumagi sa isip ko ang galit na galit na mukha ni Lucas. Napagtanto ko na siguro ay dapat na akong umiwas sa kanya.
Kahit sino namang babae siguro ay gagawin din ito, hindi ba? Ang mga salitang binitiwan niya na parang mga pana. Sa oras na itinira niya, tagos hanggang kalamnan at wala ng bawian pa. Nakakasakit. Nakakamatay.
ILANG ORAS na akong nakatitig sa kawalan nang biglang bumukas ito at pumasok si Xienna. Tumabi siya sa akin sa kama at tinaasan ako ng kilay. Hindi ko maiwasang pangilidan ng luha habang nakangiti.
"Xienna..."
"Magkwe-kwento ka o hindi?"
Nagtitigan lang kaming dalawa hanggang ako na mismo ang sumuko sa huli. Napayuko ako at pinisil ang isang daliri ko.
"N-nag away kami ni Lucas.." panimula ko at isinalaysay ko sa kanya ang mga nangyari. Bawat lumalabas sa bibig ko ay parang mga tipak ng bato na bumibikig sa lalamunan. Hindi ko na rin maiwasang mapaiyak na naman.
"X-Xienna... M-mahal ko na yata si L-Lucas at natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Lalo na sa aming dalawa ng anak ko. Xienna hindi ko kayang mawala sa akin si Kristof." niyakap ako ng mahigpit ni Xienna at pilit akong pinatatahan.
"Thalia, You can never control your feelings, especially when you're loving someone. Pero hindi ibig sabihin na hahayaan mo na lang na mahulog ka sa kanya ng tuluyan at magpaka-tanga. Why don't you treat him in a civil way? Iwasan mong gumawa ng mga bagay na maaaring lalong makapagpalapit sa inyo. In short, be an employee and treat him as your employer."
"Lumayo ka na habang maaga pa. Sa huli ikaw lang din ang uuwing talunan. Tumahan ka na."
Napatango-tango ako at niyakap siya ng mahigpit.
Pagkatapos ng masinsinan naming pag-uusap ni Xienna ay umuwi na ito. Naisipan kong puntahan si Kristof sa kwarto niya pero para akong nabato sa labas ng pinto nang makitang umiiyak ang anak ko habang magkadaop ang palad.
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
RomanceThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...