Thalia's POV
Tama ba iyong nakita ko? Guni-guni ko lang ba iyon? Pero napaka-imposible kung imahinasyon ko lamang iyon.
Napakabilis ng pangyayari kanina. Sa sobrang pagkagulat ko ng makita ko siya ay nasampal ko na lamag siya. Parang kusang gumalaw ang kamay ko at ipinukol iyon sa makinis niyang mukha.
Ang mga mata niya.
Mga matang napakalayo sa nakita ko noong gabing iyon. Hindi talagang maipagkakaila na parehong-pareho sila may abong mga mata ni Kristof.
Kung magkataon man na magkita man sila ay hindi mapagkakailang mag-ama sila dahil halos pareho sila ng hulma ng mukha, parang maliit na bersyon niya ang ANAK KO.
Ngunit sisiguraduhin kong kahit kailan ay hindi ko hahayaan na magkakilala sila o magkasama sila dahil ANAK KO lang siya. Kung kinakailangan kong ibaon hanggang sa hukay ko ang katotohanan na iyon ay gagawin ko.
Sumakay ako ng taxi at nag-pahatid sa condo kung saan nakatira si Xienna. Di ko na siya natawagan pa dahil sa nangyari kanina. Agad kong I-dinial ang number niya na agad naman niyang sinagot.
"Hello?"
"Xienna, malapit na ako. Kamusta si Kristof?"
"Ayos lang naman siya. Naglalaro doon sa may sala. Oh? Bakit parang garalgal iyang boses mo? May nangyari ba?"
"Ikwe-kwento ko na lang pagdating ko dyan. Malapit naman na ako."
"Sige sige. Bye! Ingat ka!"
Pagkababa ko ng tawag ay saka naman ako napa-bumuntong hininga.
PAGPASOK ko pa lang ng condo ni Xienna ay agad akong sinalubong ng yakap ng anak ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Hinalikan ko siya sa tungki ng ilong niya kaya napahagikgik ito.
"Hi Nanay! Kamusta po ang araw mo po? May work ka na po ba?"
"Ayos naman ako, baby. Ikaw? Kamusta ka kasama si Tita Xienna mo?" binuhat ko ito at dumiretso sa sala. Sumenyas naman si Xienna na may kukunin lang sa kusina.
"Ayos lang din po ako, Nanay. May nakilala nga po akong bagong kaibigan eh." sabi niya habang nakangiti tapos ay sumulyap kay Xienna na papalapit sa amin.
"Galing kami sa park kanina, sis. May nakilala kami na sobrang sungit na lalaki. Muntik na nga nawala yan kani--" Di na natuloy ni Xienna ang sasabihin niya dahil sumabat ako agad.
"Ano!? Ok ka lang ba baby? Bakit ka nawala? Di ba sabi ko sa iyo huwag kang hihiwalay sa Tita mo."
"Sorry po, Nanay. Na-excite po kasi ako kanina eh. Ang ganda po kasi sa park na yun! Tapos po ang daming food po." kwento nito habang nilalaro ang kamay ko.
"Ikaw talaga, baby. Naku! kung hindi lang kita love eh. Sa susunod huwag mo ng uulitin iyon ha? Kapag sinabi ko na sasama ka lang kay nila Tita, sa kanila lang." sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
Tumingin naman ako kay Xienna at iniwan muna namin si Kristof sa sala para mag-laro. Tumungo kami sa may kusina para doon mag-usap.
"Sis, pasensya na kung muntik ng mawala si Kristof kanina ah." paghingi ng tawad ni Xienna.
"Ayos lang yun Xienna, hindi mo naman kasalanan. Pero sana hindi na maulit dahil alam mo naman na siya na lang ang buhay ko." sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.
Tumayo muna ako para kumuha ng tubig dahil uhaw na uhaw na ako. Mula kaninang pagkikita namin ni Lucas ay ganito na ang pakiramdam ko.
"Ay oo nga pala, ano nga pala ang ikwe-kwento mo sa akin?"
Ewan pero bigla na lang akong nanginig nang maalala ko na naman ang lalaking iyon.
"X-xienna, nakita ko siya kanina. Ewan ko pero masyadong mapaglaro ang tadhana. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko."
Noong una ay nakakunot ang noo nito at unti-unti ay nakita ko sa mga mata niya ang pagkagulat at galit.
"Walang hiyang lalaki! Aba! Kahit hindi ko pa siya nakikilala gusto ko na siyang dikdikin! Ano naman ang ginawa mo? Dapat pinagtatadyakan mo lalo na doon sa alaga niya gitna!"
"Xienna, huwag kang masyadong maingay baka marinig tayo ni Kristof. Iyon nga ang kinakakaba ko, sinampal ko siya sa bigla ako. Sa pustura pa lang niya kanina eh halatang---"
"Sinampal mo lang? Sa ginawa niya katarantaduhan sayo, ganoon lang?! Thalia naman!"
"Wala eh. Nataranta talaga ako kanina saka tumakbo na ako pagkatapos kong gawin iyon sa kanya. Pakiramdam ko wala na akong mukhang ihaharap sa kompanyang iyon."
Hindi ko na na-idetalye pa kay Xienna yung mga naramdaman ko dahil ayoko na maalala pa ang nangyari kanina. Ayaw ko na siyang makita pang muli dahil alam kong siya ang magiging dahilan ng pagkasira ko.
KINABUKASAN ay nahihiyang napayuko na lang ako habang kausap si Xienna.
"Xienna, pasensya na talaga at ikaw na naman ang magba-bantay kay Kristof. Nako-konsensya ako dahil parang ginagawa na kitang taga-alaga."
Kailangan ko na kasi balikan yung pinag-applyan ko kahapon. Siguro naman ay hindi ko na makikita pa ang lalaking hudas na iyon. At kung sakali man ay hindi na lang ako tutuloy doon.
Madami pa naman siguro ang kompanyang pwedeng tumanggap sa akin. Kung hindi man kompanya, basta may sahod pangtustos lang sa anak ko. Kaunti na lang ang natitirang ipon ko at ayoko namang mangutang pa.
"Ok lang, sis. Goodluck sa interview mo! Atsaka pupunta din naman dito si Catrina mamaya eh." sabi niya pa at pinisil ang pisngi ni Kristof.
"Salamat talaga sa tulong niyo." ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
PAGKARATING ko sa building na gaganapan ng interview ay nagtungo muna ako sa comfort room para mag-ayos at mas maging mukhang presentable. Kinakabahan ako pero kakayanin ko to para sa anak ko.
Sakto naman ay tinawag ang pangalan ko kaya dumiretso ako sa silid kung saan ang interview.
"Good Morning, Ms. Victorio. I'm Mrs. Dela Paz from H.R department."
Tinignan niya mabuti ang resume ko at tinanong ako ng kung ano-ano about sa pagtatrabaho ko sa restaurant at experiences.
Kahit daw sa restaurant lang ang experience ko at hindi naman ito connected sa course ko, mapupunta daw ako sa newbie section kung tatanggapin ako ng CEO. Lalo naman akong kinabahan dahil doon.
"Okay Ms. Victorio, wait for me outside and I will just send this to the CEO for the approval." sabi niya at iniwan na ako.
Ilang sandali lang at tinawag na ako ni Mrs. Dela Paz at pina-aakyat na daw ako sa opisina nito.
Pagkapasok ko sa loob ay bigla na lamang nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kung sino ang lalaking nakatayo sa harapan ng malaking salamin na iyon.
Pinanlamigan ako at ilang beses napalunok. Ni hindi ko din maihakbang ang mga paa ko papasok sa opisina niya.
"Ms. Thalia Marie Victorio. What a lovely name." sabi ng hudas at sobrang laki ng ngisi nito sa akin.
Napa-amang ang labi ko sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng apog ng lalaking ito kung makangisi. Kahit gaano ka-gwapo o kayaman pa siya ay hindi ko siya uurungan.
Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko sa huling sinabi niya.
"You're hired, but not just a newbie in MY company. I want you to be my secretary." sabi niya at lalo kong nasilayan ang napaka-laking ngisi niya.
Ganun-ganun na lang iyon? Kakapasok ko pa lang tapos sasabihan niya ako ng kung anu-ano. Napatiim bagang na lang ako at tinaasan siya ng kilay.
Ayoko ng mag-trabaho dito lalo pa ngayon na nalaman kong siya pala ang may-ari ng kompanya na ito.
"Bilang kabayaran ng pag-sampal mo sa akin, You will be my secretary at sa tuwing kailangan kita, nandyan ka." sabi niya pa.
"MANIGAS KA!" sigaw ko rito at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
RomanceThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...