Thalia's POV
"Nanay, excited na po ako kasi papasok na po ako sa school!" magiliw na wika ng anak kong si Kristof habang tumatalon-talon ito. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti habang nakatingin rito.
Apat na taon at anim na buwan na ang nakakaraan nang malaman kong nagdadalang-tao ako ngunit iba ang saya na nararamdaman ko sa tuwing tinititigan kong mabuti ang anak ko.
Bukod kasi sa sa lumaki itong mapagmahal ay sobra-sobra pa ang ipinagpapa-salamat ko dahil isang napakabuting bata ang ibinigay sa akin ng Panginoon.
Sariwa man ang ala-ala ng nakaraan at madalas ko pa din itong mapaginipan ay hindi na ako nangangamba dahil nandito ang anak ko, binibigyan ako ng lakas at pag-asa na ipag-patuloy lang ang buhay.
Namimiss ko man si Lolo kung minsan, lagi ko na lang iniisip na masaya na ito kasama ng mga magulang ko sa langit at patuloy lang kaming binabantayan.
Naalala ko pa noon nung dalawang taong gulang pa lamang si Kristof nang mamatay si Lolo. Sabi ng mga kasamahan nito ay nasa hardin lamang ito ng mga Hernandez na siyang pinagtatrabahuhan niya nang bigla na lang siyang hinimatay at isinugod sa ospital.
Nang mga oras na iyon ay inaalagaan ko ang anak ko sa bahay kaya nang ibalita sa akin iyon ay agad akong sumugod sa ospital.
Sinabi ng doktor na matagal na palang may sakit sa puso ang Lolo ko at tuluyan na nga daw lumala nang hindi agad ito inagapan. Wala akong kaalam-alam sa kalagayan nito dahil ni minsan hindi niya nabanggit ang tungkol sa kalagayan niya.
Masama ang loob ko sa sarili ko noon dahil hindi ko man lang ito natulungan. Hindi man lang ako gumawa ng paraan para man lang alamin ang kalagayan nito. Bukod kasi sa kinikita ko sa pagbe-benta ng mga kung anu-ano sa lugar namin ay hindi iyon sapat lalo pa nang mga panahon na din iyon ay may iniinda rin na sakit si Kristof.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo pa at alam kong hindi ko na kayang sustentuhan ang mga pangangailangan ng anak ko.
Noong nabubuhay pa si Lolo, ayaw niya akong pag-trabahuhin dahil kailangan daw ng anak ko ng pagkalinga ng isang ina habang lumalaki ito kaya noong nawala siya, pahirapan ako sa paghahanap ng trabaho at pag-aalaga sa anak ko.
Bumigat ang loob ko noon lalo pa nang maisip ko na sana ay ginamit ko na agad ang tinapos ko sa kolehiyo sa paghahanap ng trabaho. Edi sana ay kasama pa namin si Lolo ngayon. Napabuntong hininga na lang ako.
"Baby, ihahatid kita kay Tita Xienna mo ha? Iiwan muna kita doon sandali dahil kailangan kong maghanap ng bagong work ngayon. Promise, babawi si Nanay sayo." hinaplos ko ang noo nito at hinalikan sa pisngi.
"Okay lang po, 'Nay. Intindi ko po." sobrang lapad ng ngiti nito kaya hindi ko mapigilang pisilin ang ilong nito.
Napabuntong hininga ako. Kinakailangan kong mag-hanap ng panibagong trabaho dahil nag-sara makakailan lang ang pinagtatrabahuhan ko. Ayokong naman umasa sa tulong na naman ng mga kaibigan ko. Sobra-sobra na ang naitulong nila sa akin at hindi ko na alam kung paano pa iyon masusuklian.
Hinanda ko na ang kakailanganing gamit ni Kristof para hindi na gumastos pa si Xienna. Nang matapos ko na siyang paliguan at ayusin lahat ng gamit niya ay bumaba na ako.
"Halika na, baby. ihahatid na kita kay Tita Xienna mo." sabi ko dito at pinagsalikop ang kamay namin.
"Sige po! Sige po!" magiliw na wika nito habang patalon-talon.
"Salamat talaga, Xienna ha. Pasensya na at naistorbo na naman kita."
"Ano ka ba namang babae ka. Ayos lang iyon! Kung si Kristof naman ang aalagaan ko sa buong buhay ko ay ayos lang. Gusto mo ampunin ka pa ang napakagwapong bata na to." magiliw nitong sabi at pinugpog ng halik sa mukha si Kristof. Humagikgik naman ang anak ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Sige aalis na ako. Please Xienna, huwag mo masyadong i-spoiled si Kristof. Alam mo naman na ayaw ko siyang lumaki sa luho." inirapan lang ako nito kaya natawa ako.
"Oo na. Oo na. Umalis ka na." taboy sa akin nito.
ILANG ORAS na akong naglalakad dito sa Makati para maghanap ng trabaho pero ni isa ay walang tumatanggap sa akin. Laging sinasabi ng mga ito na kailangan ko pa ng experience sa trabaho lalo pa at wala naman daw koneksyon ang nakaraan kong trabaho sa kursong natapos ko.
Kahit hilong-hilo na ako sa gutom, mas pinili ko pa din na hindi tumigil sa paghahanap ng trabaho dahil kailangan ko pang bumili ng mga kakailanganin ni Kristof sa eskwelahan.
Hindi ko pa din buong nababayaran ang tuition fee niya.
Napatigil ako sa harapan ng isang building at hindi ko maiwasang mapanga-nga sa ganda non. Kung nagsasalita nga lang iyon ay isinisigaw na nito ang karangyaan at kamahalan ng mga mwebles..
Pagpasok ko ay agad akong pumunta sa front desk.
"Good afternoon, Ma'am! What can I do for you?"
"Do you have any job opening here?"
"Yes, Ma'am. Diamond H Corporation is currently hiring some qualified applicants, but you still need to have an appointment. Please fill out this form and wait for our call."
"Thank you." pagka-fill out ko ay ibinigay ko agad sa kanya iyon kasama ang copy ng resume ko.
Nasa may entrance na ako palabas ng building ng biglang tumunog ang cellphone ko. Natataranta ako kaya hindi sinasadyang dumulas iyon sa kamay ko.
Payuko na ako nang may isang kamay kasabay kong dumampot non.
"Thank you." usal ko rito at nag-angat ng tingin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang lalaking matagal ng bumabagabag sa isipan ko... ang taong halos sirain ang buhay ko.
Para naman ako nabalik sa ulirat ng marinig kong nagsalita siya.
"Welcome." seryosong turan nito at walang mababakas na emosyon sa mga mata nito.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at ramdam ko ang panlalamig ng kalamnan ko. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin at bigla ko na lamang nai-angat ang kanang kamay ko at umigkas sa pisngi nito ang palad ko.
Halata ang pagkagulat nito sa ginawa ko pati na din ang kasama niyang dalawang lalaki na nakatayo lang sa likod niya. Narinig ko din ang pagsinghap ng mga tao sa paligid ko.
Sa sobrang taranta ko ay napatakbo na lang ako palabas ng building na iyon at sumakay agad ako sa isang taxi na nakahinto lang sa labas.
Bakit kung kailan maayos na ang buhay ko ay tsaka pa magbabalik ang mga alaalang matagal ko ng gustong kalimutan at ibaon sa limot?
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
RomanceThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...