Thalia's POV
"Nay, gising na po! Kailangan na po natin bilisan. May pasok pa po tayo pareho." Rinig kong sabi ng anak ko habang inaalog ako kaya idinilat ko na ang aking mga mata.
Ang sama kasi ng pakiramdam ko simula kagabi ng inihatid ako ni Lucas.
"Opo, baby. Wait lang ha? Medyo masama pakiramdam ni nanay eh. Tatawagan ko na lang si Tita Xienna mo."
"Pasensya ka na talaga baby, promise talaga babawi si Nanay sayo." sabi ko dito at hinawakan ang kanyang pisngi.
"Okay lang po Nanay. Alam ko naman po nahihirapan na kayo minsan kaya ang gawin niyo na lang po ngayon ay ang magpahinga." sabi nito at kinumutan ulit ako sabay halik sa noo ko.
"Ang sweet naman ng baby ko."
Humagikgik naman ito at tumabi sa akin. Napakaswerte ko talaga sa anak ko dahil lumaki siya bilang isang mabuting bata.
Kinapa ko ang cellphone ko at tinawagan agad si Xienna. Sumagot naman ito sa pangatlong ring.
"Hello?"
[ BFF! Napatawag ka? ]
"Xie, may ginagawa ka ba? Pwede ka ba ngayon pumunta muna dito? Ang sama kasi ng pakiramdam ko at di ko maaasikaso si Kristof. Pasensya na."
[ Naku! Walang problema sa akin iyan tutal at wala naman akong gagawin ngayong araw. Ako na ang bahala sa inaanak ko at magpahinga ka na ]
"Maraming salamat talaga ha, dibale, sa susunod ako naman ang tutulong sayo." sabi ko dito.
[ Ano ka ba walang problema iyon, sige na babushki! ]
Matapos ang usapan ay napabuntong hininga na lang ako dahil nahihiya ako kay Xienna. Kasi alam kong busy din siya pero pumayag pa din siyang pumunta dito.
Napakalaki talaga ng utang na loob ko sa kanya at syempre mahal na mahal ko yung kaibigan kong iyon. Maya-maya pa ay dumating si Xienna at pumasok sa kwarto kung saan ako nakahiga.
"Ano girl? Anyare sayo? Masyado ka ata nagpapaka-stress eh. Naku! Ikaw talaga masyadong dedicated sa trabaho mo." sabi nito habang nakapameywang.
"Wala to. Pasensya ka na talaga ha? Masakit talaga ang ulo ko eh. Ikaw muna ang bahala kay Kristof." sabi ko kay Xienna na medyo nakapikit pa at nakapatong ang kamay sa noo.
"Ano ka ba wala yun. Sige na asikasuhin ko muna itong batang ito." sabi nito at binuhat na si Kristof. Nagpaalam naman ang anak ko sa akin habang papalabas.
Tumawag naman ako kay Lucas na hindi ako makakapasok ngayon dahil hindi ko kayang tumayo. Hindi na nga rin ako nakakain o ni nakapaghilamos man lang eh.
Pero napangiti ako ng maalala ko yung reaksyon ni Lucas kanina. Nag-aalala siya sa akin.
Sa sobrang tindi siguro ng hilo ko at pagkakilig ay tila ang bigat na ng talukap ng mata ko at unti-unti na akong nakatulog.
Lucas' POV
"Lucas, pwede bang lumiban muna ako sa trabaho ngayong araw? pero pinapangako ko pag pasok ko uli bukas ay dodoblehin ko ang kilos ko para matapos ko yung mga naka-pending kong trabaho." Sabi ni Thalia na tila pagod na pagod ang boses.
Panghihingi ng permiso nito. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng pag-alala dahil baka may mangyari sa kanyang masama.
Eh paano si Kristof? Kung mag-isa lang siya sa bahay, sinong nagbabantay sa kanya? Paano kung may mang-loob sa kanya? Aaaaah!! Hindi ko na alam!! Everything seems so negative in my mind right now and I can't help to think about her situation.
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
RomantikThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...