Kabanata 45

4K 130 4
                                    

Thalia's POV

Namutawi ang katahimikan sa paligid nang makapasok kami sa loob ng library niya.

Kapwa kaming nakaupo sa sofa at nagpapakiramdaman. Hindi ko tuloy maiwasang mabalisa dahil wala man lang isa sa amin ang may gustong magsalita.

Tumikhim siya kaya agad akong napaupo ng diretso at tumingin sa kanya. Sinalubong ako ng mga nangungusap niyang mata kaya ganoon na lang ang paghu-hurumentado ng puso ko.

"You can ask me whatever you want, Thalia. I'll answer them without any hesitation."

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko na nakapatong sa hita ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan itanong sa kanya lahat ng tumatakbo sa isipan ko.

Napabuntong hininga ako at humarap sa kanya muli.

"Kailan mo pa nalaman na nasa Wittenberg ako? Alam mo din ba na si Lucia ang tumulong sa akin?"

"1 month since you arrived there. Alam kong nandoon ka pero hindi pa din kita pinuntahan non. I just had the courage to follow you when I saw how you struggle in some of the photos na pinapadala ng investigator. I had a hint from the start that it's Lucia who helped you get away from the country but I never tried asking her about it. Alam ko kasing sa oras din na malaman niya na alam ko kung nasaan ka, lalo ka lang nilang itatago sa akin. I know I am such an asshole for not giving you some space and freedom to live without me. I'm sorry."

"Wala na din naman akong magagawa kasi tapos na eh."

Namayani ang katahimikan bago ako muling magtanong sa kanya.

"Noong manganganak na ako, nandoon ka din ba sa ospital kung saan ko iniluwal si Casia?"

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at kita ko ang pagningning ng mga mata niya.

"I was there when you are giving birth to her. Nandoon din ako lagi sa labas ng nursery room habang tinatanaw ang anak natin. She's the most beautiful baby that I've ever seen."

Napangiti din ako habang tinititigan siya. Parang may humaplos sa puso ko sa mga oras na iyon.

Madami man akong gusto na itanong sa kanya pero hindi ko na isinantinig pa. Nagbaba na lang ako muli ng tingin sa hita ko at nanahimik.

"Thalia..." hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon.

"I just wanted to ask you this question again." kita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya at ang panlalamig ng mga kamay niya.

"Wala na ba talaga tayong pag-asa? Kahit para sa mga bata na lang sana. As a matter of fact,I want you all to live with me under the same roof so we don't need to struggle with this set-up. I don't wanna force you to be with me but I still wanna hear it from you. I wan't you to tell me if I still have a chance or if I already need to give up." kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya pero nagawa niya pa din akong ngitian na parang wala lang.

Napag-isipan ko na 'to ng mabuti. Ayokong maging unfair sa mga bata dahil karapatan nila na makasama ang ama nila at lumaki na mayroong kompleto na pamilya.

Ayokong iparanas sa kanila iyong naranasan ko. Ayokong dumating ang panahon na sumbatan nila ako kung bakit may kulang sa kanila.

"Sa totoo lang, kung tungkol ito sa relasyon nating dalawa, hindi kita mabibigyan ng sagot. Kung tungkol naman sa pagtira rito sa mansyon mo, pumapayag ako. Ayoko rin naman na mahirapan pa ang mga bata sa paglipat-lipat. Gusto ko din na maging normal ang lahat para sa kanila." sinserong saad ko.

Bumuntong hininga siya at tinitigan ako.

"I understand. I would also like to ask about Casia's surname. I am planning to change it you will agree."

Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon