Thalia's POV
Isang buwan na din ang nakakalipas simula ng matanggap ako bilang secretary ni Lucas at hindi ko maiwasang makunsumi dahil ang hilig niya akong buysitin araw-araw.
Katulad na lang noong isang araw, hindi niya ako pinag-lunch at pinaglinis niya ako ng office niya. Mabuti sana kung walang janitor na gagawa ng inuutos niya o hindi naman kaya ay wala akong ginagawa pero hindi eh, ang sabi niya sa akin kailangan na ako daw mismo ang maglinis at wala dapat siyang maririnig na angal sa akin.
Hindi naman ako umaangal ang kaso sinasagad niya talaga ang pasensya ko. Mabuti na lang nga ay napigilan ko ang sarili kong sagutin siya kanina nang sabihin ba naman na hindi ko daw ginagawa ang trabaho ko.
Mas inuuna ko daw ang pakikipag-landian sa department head ng finance. Wala naman akong ginagawang masama. Ipinapaabot lang naman ni Sir Jeff iyong files na kailangan niya tapos sasabihin niya sa akin nakikipag-landian ako.
Ang sabi naman sa akin noong kaibigan niyang si Sir Elijah, trip lang daw ako ni Sir Lucas inisin kasi daw hindi daw nito makalimutan iyong pag-sampal ko sa kanya noon at napahiya sa harap ng mga empleyado which is sobrang tagal na noong nangyaring iyon.
Siguro nga ay nakalimutan na iyon ng mga empleyado niya at siya na lang itong may dinidibdib. Isa pa kailangan niya pa bang maging isip-bata at ganoon ang mga patutsada niya.
Habang nagta-type ako upang i-encode yung ibang iniutos niya kaninang umaga, nagulat ako ng biglang dumating si Sir kasama ang mga kaibigan niyang sila Sir Elijah, Sir Marcel at Sir Pierce.
Napabuntong hininga na lang ako ng ngisian ako ni Sir Pierce sabay saludo.
"Oh, Hi Thalia! Is it too early for you to do all of that paper works? Wanna get some lunch with me?" tanong ni Sir Pierce. Tumabi siya sa akin at inakbayan ako bigla.
Halata naman kay Sir Pierce ang pagiging playboy at sa buong isang buwan kong pagta-trabaho dito ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi manggulo at mangulit sa akin dito.
"Ah, hindi na po Sir. Madami pa po kasi akong kailangan gawin. Atsaka, baka magalit din si Sir Hernandez kung aalis ako sa oras ng trabaho." sabi ko at tinignan si Lucas na mataman pa lang nakatingin sa akin.
"Bahala ka sa buhay mo." sabi niya na parang bagot na bagot at dire-diretsong pumasok sa loob ng opisina niya. Minsan talo niya pa ang babae sa pagiging masungit niya. Napailing na lang ako.
"So, are you going to accept my invitation?" tanong ni Sir Pierce at binigyan ako ng matamis na ngiti. Umiling ako bilang sagot.
Ngunit sadyang makulit nga talaga siya at hindi ako nilulubayan ng hindi ako pumapayag kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang.
"Sige na po pero sana mabilis lang dahil madami pa po akong dapat tapusin." sabi ko sa kanya at kiming nginitian lang siya.
"Yes! Mamaya ha!" sabi niya at kinindatan ako sabay pasok sa loob ng office ni Sir. Napailing na lang ako. Hindi nakapag-tataka na magkaibigan silang dalawa. Parehong may sayad ata ang dalawang iyon.
LUMIPAS ang halos dalawang oras at lunch na nang lumabas si Sir Lucas sa office niya kasama ang mga kaibigan nito na nagtatawanan. Hindi ko na lamang sila pinansin at ipinagpatuloy ang mga dapat ko pang gawin.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat nang akbayan ako ni Sir Pierce at hinalikan ako sa kaliwang pisngi.
Napatingin ako sa kanya at bahagyang napalayo. Hindi ko gusto ang ginawa niya lalo pa at nandyan ang boss ko kasama ang iba pa nilang kaibigan.
"Come on, Thalia. Let's take our lunch, ayoko pa naman nagu-gutuman ka." sabi ni Sir Pierce.
"Pasensya na po, Sir--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Lucas.
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
RomantizmThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...