Thalia's POV
Tatlong araw pa akong namalagi sa ospital bago ako madischarge sa ospital. Tahimik lang kaming tatlo habang tinatahak ang daan pauwi sa apartment ko.
Pinayuhan lang ako ni Dra. Viara na hindi na ako muli pa dapat ma-stress at magpalipas ng gutom dahil baka hindi na daw palarin pang makaligtas ang baby ko sa susunod.
Napahawak ako sa aking impis na tiyan at naisip kung ano kayang buhay ang maibibigay ko sa kanya.
Naisip ko din na, kakayanin ko kayang mawalay ng matagal kay Kristof? Kakayanin ko kayang tiisin ang pangungulila sa anak ko na ngayon lang nawalay sa akin?
"Ate Thalia, you're stressing yourself too much. Don't worry about Kristof. I'll take care of my niece. Habang wala ka ay ako muna ang bahala sa kanya. I will never let anyone raise him like a monster, okay?" wika nito.
"Maraming salamat talaga, Lucia." tipid ko itong nginitian na agad din naman niyang sinuklian.
Pakiramdam ko kasi na-drain lahat ng bagay sa buong utak at kaluluwa ko.
Sa bawat pagpikit ng aking mga mata ay nakikita ko ang madilim na mga titig at ang pagtiim ng bagang ni Lucas. Naaalala ko ang mga pinagsamahan namin. Ang mga ala-alang pinagsaluhan namin.
Ang mapupungay ng mga mata nito na kulay abo, matangos na ilong, ang mapupulang labi na laging humahalik sa akin upang iparamdam kung gaano niya ako kamahal. Pero lahat iyon ay isang palabas lang pala.
Napakawalang-hiya niya. Sana noong una pa lang ay nilayuan ko na siya. Sana noong una palang pinigilan ko ng magpadal sa tawag ng laman. Hindi sana hahantong ang lahat sa ganito kung hindi ako naging marupok pagdating sa kanya.
Pinigilan kong mapaiyak. Napabuntong hininga ako ng malalim at tinanaw ang mga nadadaanang gusali sa paligid.
Nakakapagod palang magmahal at umintindi. Nakakapagod palang magpatawad kung paulit-ulit lang din naman gagawin ng tao yung mga nagawa niyang pagkakamali noon.
Sana hindi ko na lang siya nakilala. Sana hindi ko na lang din siya hinayaang pumasok sa buhay naming mag-ina.
NAGISING ako sa marahang pagtapik sa aking pisngi. Nang idilat ko ang aking mga mata ay nasilayan ko ang nakangiting mukha ni Lucia.
"Ate nandito na tayo sa rest house nila Vlad. Hindi na kami tumuloy sa apartment mo kasi baka ma-stress ka lang doon, you know." sabi nito na nag-aalangan. Nag-iwas pa ito ng tingin.
"Pero diba sa makalawa pa ang alis ko? Paano na yung mga gamit ko?"
Nanlaki ang mga mata nito ng hindi makapaniwala. Siguro ay hindi niya inaasahan ang buong pagpapasya ko na sasama talaga ako kahit pa napag-usapan na namin ito.
"You m-mean, okay na ang lahat? Payag ka na 100%? OMG! Sige Ate, I'll take care of everything. So, ipapaalam na kita doon sa may-ari nung apartment na aalis ka na doon ha?" nakangiting pahayag nito kaya tumango na lang ako.
"Salamat ng marami, Lucia ha? Maraming salamat sa mga tulong na ibinibigay ninyo ni Vlad sa akin." nginitian lang ako nito at pareho na kaming bumaba ng kotse.
Inalalayan ako ni Vlad at Lucia pababa ng sasakyan. Pagkapasok namin sa rest house ay agad nila akong idineretso sa isang kwarto.
Lumabas na si Lucia ng kwarto nang may tumawag sa kanya at naiwan naman si Vlad na tahimik lang na nakamasid sa akin.
Nag-aalangan pa siya kung hahawakan niya ang kamay ko.
"I just want you to know that everything is going to be fine, Thalia. Kasama mo kami sa lahat ng ito." sinserong saad niya.
BINABASA MO ANG
Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)
RomanceThalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'...