Kabanata 11

8K 205 12
                                    

Thalia's POV

Maaga akong nagising kahit sabado lang naman dahil sa pagtawag ni Lucas kanina. Sinabi kasi nito na pupunta daw siya sa bahay kaya agad akong napabalikwas paupo.

Akala ko kasi ay hindi niya tototohanin ang ipinangako niya kay Kristof na mamasyal ito kasama siya ngunit nagkamali ako dahil sinabi niyang maghanda na daw kami dahil mamayang alas-onse ay susunduin niya kami rito sa bahay.

Kaya ito, ipinagluto ko na agad ng almusal ang anak ko bago ko ito gisingin. Niluto ko ang paborito niyang tinapa at sinangag. Iyon kasi ang madalas niyang gustong kainin tuwing umaga.

Pagkatapos kong ihanda ang hapag ay ginising ko na ang anak ko na mahimbing pa din natutulog sa kama ko. Mayroon siyang sariling kwarto pero mas pinipili niyang tabihan ako matulog na mas gusto ko naman.

Maisip ko lang na kapag lumaki na ito ay hindi ko na ito madalas makakasama o makakatabi sa pagtulog kaya habang bata pa siya ay lulubos-lubusin ko na.

Tinitigan ang maamong mukha ni Kristof, hindi ko maiwasang mapait na mapangiti. Hindi kasi nalalayo ang hulma ng mukha nito sa ama at ayon ang kinatatakot ko.

Na baka maghinala ang lahat at may mag-udyok sa kanyang pa-imbestigahan ang buhay ng anak ko. Mahal na mahal ko ang anak ko at handa kong isuko kahit ang sarili kong kaligayahan para lamang sa kanya. Kaya kong tiisin ang lahat para lang mapasaya siya.

Hinaplos ko ang mukha nito at hinalikan siya sa noo.

"Baby, gising na anak. Umaga na at kailangan mo ng kumain ng almusal. Taya na dali at baka lumamig na iyon." mabining wika ko sa kanya habang hinahaplos ang pisngi niya.

"Good morning po, Nanay. Ano pong almusal natin?" tanong ng anak ko habang pupungas-pungas na umupo at hinalikan ako sa pisngi.

"Iyong paborito mo, syempre. Halika na at kailangan mo ng mag-ayos dahil mamamasyal daw kayo ng Tito Lucas mo." sabi ko sa kanya habang nakangiti. Lumawak ang ngiti nito at excited na hinatak na ako pababa sa kusina.

Pagkatapos ko siyang pakainin ay iniwan ko muna siya sa sala para maghugas ng pinagkainan namin. Nang matapos ako sa ginagawa ko sa kusina ay pinaliguan ko na si Kristof.

"Nay ako na po ang magbibihis sa sarili ko. Maligo na po kayo para po pagdating ni Tito Lucas ay aalis na tayo." magiliw na wika ni Kristof kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang mapaisip, paano kung dumating ang panahon na bigla na lang malaman ni Lucas ang tunay na pagkatao ni Kristof? Ipagtatabuyan niya ba ang anak ko? Kukuhanin sa akin?

Ipinilig ko ang ulo ko sa mga isiping pumapasok sa isip ko. Nandyan na eh. Pinaglalaruan ako ng kapalaran at nasa buhay na namin si Lucas.

Pagkatapos kong maligo ay nagtapis ako ng tuwalya bago lumabas ng cr at ganoon na lang ang pagkalaglag ng panga ko nang makita ko si Lucas na prenteng-prente ang pagkaka-upo sa sofa katabi ang anak ko.

Napatingin sa gawi ko ito at ganoon na lang ang pagkataranta ko nang sumagi sa isip ko na wala pala akong kahit na panloob at natatakpan lamang ng maliit na tuwalya ang katawan ko!

Halos lumuwa ang mata niya at hindi mapakali sa pagkakaupo ng pasadahan niya ang katawan ko. Bigla naman lumapit sa akin si Kristof at inosente akong hinahatak palapit kay Lucas.

Utang na loob naman anak. Basang-basa pa ako galing ng shower at lalaki ang kaharap ko ngayon. Walang suot si nanay na kahit anong panloob! Mariasantisima!

Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon