Kabanata 24

4.3K 126 47
                                    

Thalia's POV

"Lucas..''

"How could you?" sambit nito na puno ng hinanakit.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natataranta na ako, hindi ko alam kung lalapit ako sa kanya o tatakbo ako papunta sa anak ko.

Inilang hakbang lang niya ako at hinigit ang braso ko ng sobrang higpit. Hindi ko maiwasang mapaigik sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkamuhi at lungkot na para bang kahit anong gawin o sabihin ko ngayon, hindi niya na ako papakinggan pa.

"Ilang segundo, minuto, oras, araw at buwan ko kayong nakasama pero hindi mo man lang nagawang sabihin sa akin ang katotohanang anak ko si Kristof! Maiintindihan sana kita eh, PERO HINDI KO MATANGGAP NA PINAG MUKHA MO AKONG TANGA! PINANIWALA MO AKO SA MGA KASINUNGALINGAN MO! LALONG LALO NA ANG ANAK NATIN! GINAGAGO MO AKO ARAW-ARAW! ANO MASAYA KA NA BA?!" sigaw nito at hinagis ang isang brown envelope sa lamesa malapit sa akin.

Tinitigan ko iyon at wala akong ibang magawa kundi lumuha sa mga nangayari ngayon. Nanginginig ang kamay ko habang inaabot iyon sa lamesa at ganoon na lamang ang pamumutla ko ng makita ko ang resulta ng isang DNA test. Positive.

Napatakip ako ng bibig dahil sa hikbing namumutawi sa bibig ko.

"All this time, I am spending my time with my own son, but I don't even know that I am being fooled and fed up by all of your fucking lies!" lalong naging mabagsik ang tingin nito.

Pilit naman siyang inilalayo ni Nanay Rosi sa akin pero sadyang malakas siya at lalo lang hinihigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

"M-magpapaliwanag ako..." tanging pag-iling lang ang natanggap kong sagot sa kanya.

Nagtagis ang mga bagang nito at isa-isang nagsipatakan ang mga luha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang kaladkarin ako nito papalabas ng mansion. Narinig ko pa ang pagsigaw at pagpigil ni Nanay Rosi pero hindi nagpatinag si Lucas.

"Lucas please... Pakiusap... Hayaan mo akong magpaliwanag." humihikbing pakiusap ko.

Wala na akong pakielam kung hilam na ng luha ang mukha ko, ang importante hindi niya mailayo ang anak ko sa akin.

"At ano?! Gagawa ka na naman ng kasinungalingan at papaikutin mo na naman ang ulo ko?! Sa tingin mo ba magpapauto pa ko sa babaeng katulad mo?!"

Umiiling-iling ako at sinusubukang itong pigilan pero pumipiksi lamang ito tuwing susubukan kong hawakan siya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sumisikip ang dibdib ko, parang tinik sa puso ko ang mga lumalabas sa bibig niya.

"Lucas.. g-ginagawa ko lang na--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sumigaw na siya ng malakas.

"I've had enough! Ayoko ng marinig ang mga sasabihinmo! You fucking hide the truth from me! At hindi na iyon magbabago pa kahit kailan! Umalis ka na! Pero heto ang tatandaan mo, I will get my son from you no matter what. even if I had to kill someone, I will do it just to get my son from you." sabi nito at basta na lang ako binitawan sa harap ng malaking tarangkahan kung kaya't muntik na akong mapasubsob.

Nanghihina ang mga tuhod kong napasadlak sa lupa habang nakatingin sa papalayong pigura ni Lucas. Bakit ganito? Bakit ako pa ang nagmumukhang masama?

Bakit kailangan ako pa ang makaranas ng ganitong paghihirap? Naging mabuting ina naman ako ngunit bakit ganito? Ako pa din ang may kasalanan at nagdurusa.

"LUCAS! Intindihin mo naman yung paliwanag ko! Ina ako, Lucas! Oo, hindi tama ang paglilihim ko ng katotohanan sayo pero nagawa ko lang iyon dahil sa pagmamahal ko kay Kristof. Siya lang ang meron ako, siya lang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay! Hindi ko kaya, Lucas. Parang awa mo na! Siya na lang ang meron ako. Ang anak ko na lang... nagmamakaawa ako! Kunin mo na ang lahat huwag lang si Kristof...Please... Huwag mong ilayo ang anak ko sa akin. Hindi ko kakayanin, Lucas!" patuloy lang ang pagsigaw ko kahit hilam na ng luha ang mukha ko.

Pristine Series #1: Lies and Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon