Tumingin na ako sa pambisig kong orasan, it's already 5pm, which means I needed to close my office. Ang dami pang naka-line up na gagawin kaso pagod ako at kailangan ko munang magpahinga.
Chineck ko lahat ng gamit ko na nasa aking leather bags. Wallet, check. Pad, check. Cellphone, check. Car keys, check. Shades, check. I think, nakuha na so I am good to go.
Palakad na ako palabas ng office ko bitbit ang aking bag nang pumasok si Shery, ang aking secretary.
"Hi there! Can I invite you for some coffee?"
Weeks palang kaming nagkakakilala pero dumadamoves na to.
"I am your boss, and your my employee. Labag yan sa protocol natin, Ms. Hernandez," sabi ko sa kanya habang dire-diretso ang tingin at lakad ko patungo sa labas.
"Pero tapos na ang office hours natin. Coffee lang din naman yun," habol niya.
Humarap ako sa kanya. With a straight face.
"It's rude to reject an offer, Ms. Hernandez. So..." nag-smile muna ako sa kanya bago nagpatuloy.
She smirks. Confident na tatanggapin ko ang offer niya. But...
"My answer is still no. Have a good day, Ms. Hernandez," and with that tinalikuran ko sya.
Bukod sa labag talaga yun sa employer-employee agreements namin ay tinatamad akong makipaglandian sa kanila. I am so effin drained from work tas dumadagdag pa sila. Just don't! I am not in the mood.
Naiwan syang nakanganga sa may pintuan.
"Please don't forget to lock the doors when you leave. Thank you," muling baling ko sa kanya. At tumalikod uli.
When I reached the parking lot na nasa basement ay bilang nag-ring ang cellphone ko.
Rod calling...
"Now, what do you want?"
"Whoa whoa, bro. Chill. May period ka ba?" natatawa pang sambit nito sa kabilang linya.
"I am not joking, Roda. Now what do you want?"
"Maka-Roda ka naman, Felicia a.k.a Feliz. Well, gusto lang naman kitang iinvite for a party, I am throwing a party, men. I am having good bunch of girls. I am expecting you there, tonight at my place. 8pm, sharp,"
"Rod, I am..."
TOOOT TOOOT
Aba bastos to ah, babaan daw ako.
Si Rod a.k.a Roda Manrique, lesbian din ay matalik kong kaibigan. Sa kanya ako unang nag-out, at ganoon din sya sa akin. Ang kaibahan lang, di sya tanggap ng parents niya habang ako'y buong-puso akong tinanggap ng aking pamilya. Sa kanya ko lang ibinubuhos ang lahat ng problema ko since malayo ako sa aking pamilya. They are all at France. Siya ang pamilya ko dito sa Pilipinas.
Rod is now owning a multi-awarded at sikat na sikat na resto sa buong bansa.
I am driving my way to my condo when everything happened just earlier track back in my mind. The woman who walked like a ramp model in prestigious runway, the woman who talks garcefully - the woman whom I fell in love in first sight. Na love struck ako sa kanya actually by the time our eyes first met. Si Paris. Ang dami ko ng nakitang magagandang babae pero sya yung bumihag sa nakakulong kong puso. Paris, I think I like you. But I can't.
BINABASA MO ANG
She Falls for Her
RomanceAno kayang mangyayari kung ang pinakaiinisan mong klase ng tao ay siya pa lang magpapahulog ng loob mo? Na siya pala yung sasaluhin ka sa oras na ikaw ay madapa? Pero paano kung may nakahadlang? Ipaglalaban mo ba siya o palalayain mo na lang sya at...