Falling to Pieces

201 5 1
                                    

After a month...

PARIS' POV

First of the month ang tamlay-tamlay ko na, in 2 weeks ikakasal na ako. And soon to be called as Paris Hillary R. Johans. Medyo nakakapanibago.

I pulled myself out of the bed. The bright sun rays was hitting inside my window na mas lalong nagdala ng liwanag sa buo kong kwarto.

I looked at myself at the mirror. Buhaghag ang buhok. Kukusnot-kusnot ang damit kong pantulog. I feel kulang. This past few days, nararamdaman kong may kulang sa akin. Since noong hindi na nagpakita si Feliz sa akin. Nagkamali ba ako sa ginawa ko? That was our first and last kiss.

Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya nakuha kong makiusap sa magaling kong kapatid na James na humihingi ng number ni Feliz. Bago binigay eh pinahirapan pa ko. Yeah, the typical James. Pero pagkatapos kong kunin ang number at itext, di ako pinapansin. Hanggang sa tumawag ako, wala, diretso sa voicemail.

I even went to her place pero sabi noong kasambahay, busy ang boss niya. Same reason ang naririnig ko sa office niya.

I don't know what I have done. Namimiss ko lang si Feliz. Si Feliz na natutong ngumiti sa harap ko, si Feliz na laging nag-eeffort makipag-dinner sa akin. At yung Feliz na umaming mahal niya ko. Feliz, where could you be?

Seconds turned to minutes, minutes to hours, and hours to days, and days to weeks. Walang sign ni Feliz. Isang buwan na kaming ganito.

I just found myself sitting in the dining table. Oh! May sarili din palang utak ang mga paa ko. Habang ang utak ko'y lumilipad kung saan-saan.

"Oh eto po, Maam, kain na po kayo," inilapag niya ang hotdogs na kahanay nito ang sliced breads, sunny side up eggs at isang litro ng fresh milk. Si Aling Chita, ang butihin naming kasambahay.

Nilingon ko ang nagsalita saka nagsmile.

Habang kumakain ako, wala pa ring ibang laman ang isip ko kundi Feliz. Kamusta na kaya sya? Kumain na kaya sya?

Pinabuksan ko kay Aling Chita ang TV na nasa sala lang, wala din kasing divider ang sala namin at ang kusina kaya matatanaw mo lang ito ng diretso.

Balita ang umagaw ng atensyon ko.

SIKAT NA FASHION DESIGNER, ENGAGED NA. FELIZ CROUSERS IS TYING THE KNOT WITH KATIE GUZMAN.

Pagkarinig ko niyon ay parang may bumuhos na tubig na animo'y nilagyan isang bloke ng ice kasabay ng pagkirot ng puso ko may kung anong matinik na bagay ang tumusok. Ang sakit lang. Kaya ka pala hindi ka na nagpapakita sa akin kasi lumalandi ka na sa iba. Akala ko, ako ang mahal mo? Akala ko ako lang nakikita mo? Pero ngayon, malaman-laman ko lang na ikakasal ka na isang malanding babae. Wala ka talagang taste, Feliz. Nagkamali ako ng pinagkatiwalaan. Nagkamali ako ng minahal! Oo, mahal na kitang mahalin. Nagawa kong lokohin si Nick nong hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa mga patibong mo. Buti  na nga lang, hindi ko nagawang ipagpalit si Nick sayo. You deserve some love!

Nawalan ako ng ganang kumain. I dropped my fork saka patakbong umakyat sa kwarto.

"Maam! Yung pagkain niyo po,"

Hindi ko na nilingon si Aling Chita. All I was focused on was the pain that started to bloom in my heart. I hate you, Feliz. I started to fall in love with the wrong, really wrong person.

Sinubsob ko ang aking sarili, and cried my heart out. Gusto ko lang itong ilabas.

Nang may kumatok at sinundan ng pagtawag ng pangalan ko.

"Paris?" si Kuya James.

Narinig kong may pumihit sa doorknob at may mga yabag na papalapit. Wala akong pakialam kung nakita nila ako, iyak lang ako ng iyak.

She Falls for HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon