Inihatid ako ni Feliz sa aking bahay, nagpumilit pa nga ako na wag na at sasakay na lang ako ng taxi dahil ang laki ng abala ang ginawa ko sa kanya. Muntik pa syang malagay sa panganib kagabi ng dahil sa akin. Wala na akong nagawa at umuo na lang ako.
Nasa tapat na kami ng aking bahay. Bago ako bumaba ay nilingon ko muna sya.
"Salamat ng marami, ha? Di ko na alam kung ano na ang nangyari sa akin kung di mo ko nailigtas," syet! Ano ba naman yan, kinikilig ako. Sa simpleng tingin lang niya sa akin e para akong na-ground sa bolta-boltaheng kuryente. OA no? Pero totoo kaya. Haha.
"You're welcome. What are friends for? Please take care of yourself." and she smiled.
Di ko na sya kayang tingnan pa. Habang marunong pa kong magpigil ay bumaba na ako. Kung hindi ay mahahalikan ko na talaga tong babaeng to. Oo, kahit nakakubli pa sya sa kasuotan ng isang lalaki ay BABAE pa rin ang tingin ko sa kanya at hindi yun magbabago. Sige, aaminin ko na, I think I have a crush on Feliz Crousers. Tama, hindi kayo duling at ngayon ay kinakain ko na ang sinabi ko noon. Gusto ko si Feliz. Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.
Nakita ko na lang na humarorot na papalayo ang kanina lang na sinasakyan ko. Makapa-takbo naman to, daig pang ambulansya. Mag-ambulance driver kaya na lang sya?
"Baby!" naputol ang aking pagmumuni-muni. Kilala ko ang boses na yun. Si Nick. Papalapit sa akin. Nakaramdam ako ng guilt. Feeling ko, niloloko ko si Nick. Napako lang ako sa kinatatayuan. Nakabalik na pala sya from Germany.
Bakit naman?
Kasi, nagkakagusto ako sa iba samantalang sumumpa ako sa kanya na sya at sya lang at wala ng iba.
Why so big deal, Paris? Crush lang yun.
Hayy, ayoko na nga makipagtalo sa sarili ko. Nagmumukha lang akong tanga.
"Kanina lang ako dumating. Dumeretso nako dito kasi namimiss na kita. Saka, I heard. Sorry I wasn't there," napayuko sya.
Mas inuuna mo pa kasi yung trabaho mo sa akin eh. Kung wala si Feliz, wala ka na sigurong Paris na babalikan.
"It's fine, nangyari na," hindi na ako nag-antay pa ng sagot niya. Dumeretso na ako sa loob. Naabutan ko si Kuya James na katabi si Christine. Oh, she's here. Buti naman at di na sumama ang makating si Katie.
"Hindi mo ba ipapablotter ang gumawa niyon sa iyo?" Nick, sabi niya habang nasa pintuan.
"No." pagod ako. Masakit ang ulo ko at ayoko ng isipin ang nangyari kagabi.
Pabagsak kong pinaupo ang sarili ko.
"Good morning, Paris," bati sa kin ni Christine. Habang tinutungga ang isang mainit na kape.
What's good in the morning? Pft, ayokong maging bastos baka sabihing wala akong pinag-aralan.
"Morning,"
"Paris, you know my father has a lot of contact sa pulis. Isang tawag lang niya mahahanap din niya ang gumawa niyon sa iyo," tumabi si Nick sa akin. Umiiral na naman ang pagiging makulit ng lalaking to.
Biglang nag-init ang ulo ko. Ayoko ng kinukulit lalo na at masakit ang ulo ko.
"Nick pwede ba? Wag ng makulit. Pag sinabi kong wag, wag. Di ka naman nakakaintindi, pagod ako,"
"Iyan kasi, lasing ng lasing di naman pala kaya. E paano pag nagahasa ka nga, pakakasalan pa kitang di virgin,"
Parang nag-bell ang pagdinig ko sa huling sinabi niya sa akin.
"Anong sabi mo?"
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya, ganoon din si Kuya James at Christine, pero huli na ang lahat. Tumataas na ang dugo, papunta sa aking ulo.
"Paris, di...."
"Just get out. I don't want to see you first," turo ko sa kanya pintuan.
"Nick, umalis ka muna," sabat ni Kuya James.
Buti naman. Dahil kung hindi, baka saan pa to mapunta tong usapang to.
May sasabihin sana siya pero pinigil niya ang sarili. Bagkus ay kumawala sya ng isang buntong-hininga.
Bago siya umalis ay tumingin muna sya sa akin na pinalitan ko ng isang irap.
First time kong narinig yun mula sa kanya. Sa halip na i-comfort niya ako dahil sa nangyari eh mas pinamukha pa niya sa akin na tanga ako. Aminado naman ako doon pero naman sana niyang idiin pa.
You need to do the move Nick bago ako makipagbati sa yo. Hmp.
----
Nasa kwarto na ako ngayon. Kakatapos ko lang maligo at magalit ng damit. Tinupi ko ang mga damit na pinahiram niya sa akin. Ibabalik na lang to sa kanya bukas. I smiled with the thought. Nang biglang pumasok si Kuya James sa kwarto ko. Di naman marunog kumatok ang taong to.
"Uhm, pwede bang pumasok?" ulo lang niya ang niluwa ng pintuan ko. Seriously, pumasok na nga ilang bahagi ng katawan mo, nagpaalam ka pa? Hayy Kuya.
Tumango ako bilang tugon.
Matapos sirhan ang pintuan ay napaupo siya gilid ng kama ko.
"Did I interrupt something? I caught you smiling eh, penny for your thoughts?" sasabihin ko ba kay Kuya? Baka pagtawanan lang niya ka ako. Saka na lang siguro pag sure na ako sa nararamdaman ko.
"Nope. May sasabihin ka ba at nagpunta ka talaga dito sa kwarto ko?" dinivert ko ang topic baka pigain pa ko nito para sabihin kung bakit ako pangiti-ngiti habang hindi kami bati ni Nick.
"I was just checkin' on you, nagkasagutan kasi kayo ni Nick. Baka kailangan mo ng kausap or something? Wala pa naman si Mom ngayon, baka bukas pa yun,"
Tumago ako. As usual, busy na naman ulit si Mom. Di maiwan-iwan ang trabaho niya. Well I couldn't blame, she wants to maintain the things that we are enjoying now. Natatakot sya na baka in the near future, hindi niya mailagay ng maayos ang mag-isa niyang binuhay na tatlong anak.
Napangiti din ako. Ang sweet ni Kuya kay napakaswerte ng babae.... yeah, ni Christine sa kanya.
"I am fine, Kuya. Nakakainis lang kasi si Nick,"
"I understand lil sis. Di ka rin matitiis ng mokong na yun. Pero pag mas malala pa ang ginawa niya sa yo, you know I am just a call away, malalagot sya sa akin. Hindi lang isa ang paghahandaan niya. Dalawa at magkamukha pa," he smiled.
Haha, eto talaga si Kuya.
"Whatever, James!"
"You're welcome, my sweet sister." Kunwari, umirap sya hahaha ang cute niya.
"Sige, magpahinga ka na muna, may dalawang oras ka pa para magpahinga bago ang lunch, gigisingan ka na lang,"
With that ay lumabas na ang mahabagin kong kapatid. Whoa! Mahabagin Hahaha. Ngayon lang!
Humiga ako at biglang bumigat ang aking mga mata. Hindi ko na namalayan ay nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
She Falls for Her
RomanceAno kayang mangyayari kung ang pinakaiinisan mong klase ng tao ay siya pa lang magpapahulog ng loob mo? Na siya pala yung sasaluhin ka sa oras na ikaw ay madapa? Pero paano kung may nakahadlang? Ipaglalaban mo ba siya o palalayain mo na lang sya at...