Sa nakatakdang oras na aming napag-usapan, saktong dumating si Feliz riding on one of her sexy car, 2014 model BMW i8. Mana sa may-ari. :D
Well, she wore simple black v-neck t-shirt at knee level na shorts pero super attractive niya ng tingnan. Para syang magnet, nakakaattract lalo.
I am wearing just a spaghetti top at short shorts saka flip flops. Wala naman syang sinabi na I should dress in formal at base sa nakikita ko. This date is sorta casual.
She hops out of her car na parang may dinala pero nakatago iyon sa likod ng kamay niya.
Ano yan?
"Hey..." she smiled. And my heart just melt. Oo na, ayoko ng i-deny tong nararamdaman ko.
Saka niya iniabot sa akin ang isang bouquet ng blue roses.
"Wow! Thank you, Feliz. Nag-abala ka pa. It's pretty," I squealed at that moment. Ikaw kaya bigyan ng bouquet ng magagandang blue roses, at di Valentines, di ka kikiligin?
"Just like you," sagot niya.
At ayun na naman po tayo. Medyo may nagrarambulan sa tyan ko. Hahaha Butterflies in my tummy, wika nga nila. Oo naramdaman ko naman to kay Nick pero mas malala tong ka Feliz. At ewan ko ha, kung anong ginawa niya. Abot-tenga yung ngiti ko ngayon. As in.
"Aba aba! Mukhang nasa danger zone si Nick ngayon ah," Nakabuntot pala si Kuya Josh. Kasunod sina Christine na inakbayan ni Kuya James. Oo nga pala, kasama sila.
"Pare.." sabi ni Feliz habang nakipag-bro fist sa kambal. Oh that accent. Nakakaturn-on. Syet ha! HAHA.
"I will just borrow your little sister, Josh. She'll be in the best figure when I return her home," she smiled.
Ano'ng meron sa babaeng to at panay smile na? Hmmmm. Kahit di mo na ako iuwi Feliz, okay na ko. Basta kasama kita. WHOOOOOAAA! Kornihan na to. Hahaha.
"Oyy si Lil sis, napapangiti. Iniisip mo ha?" si Kuya James, katabi ang naka-poker face na si Christine. Dinagdagan pa ng Josh na humalakhak. Malunok mo sana dila mo. Heh!
I swear, nag-iinit na naman ang pisngi at tenga ko now.
"Wala. Alis na tayo," sabi ko.
"Well ah, let us go," sabi naman ni Feliz habang ipinagbukas niya ang passengers seat.
Nagpaalam na ako kay Kuya Josh. Sabi niya si Mom na lang daw ang idedate niya haha. Well mas mabuti na yun kaysa kung sinu-sinong babae lang.
Sumakay naman sina Kuya James at Christine sa may likuran.
"Sigurado ka ba Pare na di mo na kami padadalhin ng makakain?" ani Kuya James.
"Yes, I am sure James. Cause I bought some food that would sustain us. Check those bags beside you. Foods and drinks are in it," sabi niya habang nagsisimula na niyang paandarin ang sasakyan. at patingin-tingin sa mirror.
"Wow, cool mo, pare,"
Smile lang ang itinugon dito.
Na-eexcite ako. Saan kaya ako dadalhin ni Feliz. Di ko tuloy maiwasang magtanong sa kanya.
"Saan ba tayo, Feliz?"
"You'll see,"
Nagkibit-balikat lang ako. We'll see, I'll see.
---
Apat na oras daw ang byahe. At nasa pangalawang oras palang kami dito. Medyo bumibigat na din ang mga eyelids ko. Ayoko namang tulugan si Feliz, nakakahiya.
Napansin niya ata kasi lilingon-lingon sya sa direksyon ko.
"Just sleep. I will wake you up when we arrive,"
BINABASA MO ANG
She Falls for Her
RomanceAno kayang mangyayari kung ang pinakaiinisan mong klase ng tao ay siya pa lang magpapahulog ng loob mo? Na siya pala yung sasaluhin ka sa oras na ikaw ay madapa? Pero paano kung may nakahadlang? Ipaglalaban mo ba siya o palalayain mo na lang sya at...