"Itigil ang kasal!" Paglingon ko, di ko masyadong maaninag ang taong sumigaw.
Nakatalikod sya sa isang napakaliwanag na ilaw, at nakaharap sa akin. Isang bagay lang ang sigurado ako, isa iyong pigura ng lalaki, pero bakit.....
"Paris..." Naglakad syang papalapit sa akin. Konte na lang maaninag ko na kung sino ka.
Pero bakit, boses babae siya?
"Paris...." Ulit nito. Oo, confirm babae talaga.
*BLAAAAAAAG!!!
"Aray naman!" Naimulat ko ang aking mga mata sa kadahilanang medyo matigas ang kinahigaan ko.
"Kelan naging bato ang kama ko?"
"Paris.." Ayun na naman yung boses na yun. Oo, yung narinig ko kanina teka.
Iginala ko ang aking mata. Ayy si Mama lang pala. Tsssss.
"Anak, kanina pa kita tinatawag, di ka gumigising."
"Bangon na dyan, dahil sa kalikutan mo, ayan nahulog ka tuloy. Sumunod ka na. Breakfast is ready,"
Tatalikod na sana sya nang muli syang humarap, "Honey, di makakatulog si Nick nyan pag ganyan ka kalikot," she chuckled.
-_-
The idea of being beside Nick makes me blushed now. Hahaha oo na, aga-aga, tag-landi. Pero, di ko maiwasan na isipin ang panaginip kong iyon. Pangalawang beses na, sa aking pagkakatanda. Same words are being said, ewan. May gusto magpatigil sa aming kasal, pero sino? Hindi naman siguro si Mom. Supportive nga sya sa pagpapakasal ko eh. Boto naman ang mga Johans sa akin pati ang pamilya ko. Hayyy!! Nakakastress, ayoko munang isipin yun.
Kasalukuyan akong nakaupo sa dining table namin para kumain ng agahan. I got some bread at hotdog at saka milk. Ang dami namang nakahanda sa mesa, well baka kulangin pa nga yan sa mga patay-gutom kong mga kapatid. Hahahaha. Ssssh.
Biglang tumunog ang telepono, sasagutin sana ni Yaya ng biglang tumayo si Kuya James upang kunin ito, kahit puno pa ang bibig.
"James!" Saway ni Mama.
"I know, Mom. Look," nang walang anu-ano'y nilunok lahat ng nasa bibig niya. Ni hindi ninguya, gosh, damoves ng matakaw.
Habang ang kambal niya'y ngingiti. Hayy, magkambal nga.
Napailing na lang si Mom
"Bakit atat sumagot si Kuya James? May hinihintay ba syang tawag?" Tanong ko kay Kuya Josh. Na-curious ako bigla eh, hindi naman sya ganyan ka atat eh pagdating sa telepono. Dati nga, kahit maka-ilang beses pa tunog ng tunog ang telepono, deadma lang, basta sya prenteng nakaupo at kung ano pang ginagawa niya. This is new.
Nagkibit-balikat lang si Kuya Josh. Ay others? Kayo-kayo lang?
"Kuya naman eh,"
"May bebort kashe," lamon pa more. Punong-puno ang bibig nito ng pagkain.
I raised my eyebrow in confusion.
Like Kuya James, he did the moves the lunok without nguya style. In short, the takaw moves.
"May bebot,"
"Bebot?" Napaka jeje ng term ah.
"Hot Chick, lil sis,"
Ang manyak ng dating hahaha.
"Huh? And who is that unlucky girl?"
"Grabe, mapanglait, Paris Hillary,"
"Haha, okay. Erase, who is that luck...." Di ko natapos ang aking sasabihin nang nagsalita na si Kuya James at iniabot kay Mama ang telepono. Nakasimangot ang baliw. Hahaha
BINABASA MO ANG
She Falls for Her
RomanceAno kayang mangyayari kung ang pinakaiinisan mong klase ng tao ay siya pa lang magpapahulog ng loob mo? Na siya pala yung sasaluhin ka sa oras na ikaw ay madapa? Pero paano kung may nakahadlang? Ipaglalaban mo ba siya o palalayain mo na lang sya at...