Tell Me.

155 6 2
                                    

PARIS POV

Maiisip kong blessing in disguise ang pagkakapadpad ko sa lugar na ito. Bukod sa pagkakilala ko kay Aling LL, na ang pangalan pala ay Felicidad ay dito ko pala mahahanap ang aking katahimikan. Akalain mo nga naman, o. Para akong pinaglalaruan ng tadhana. Sa lahat pa naman ng pwedeng maging pangalan ni Nanay, singtunog pa nong kay.... yeah, alam niyo na.

"O, hija. Nailakad ko na 'yung mga kailangan mo para makalabas ka na dito. Bukas, pwede na daw ikaw makalabas, pero kailangan pa daw natin si Dok makausap," sabi ni Aling Fely habang may hawak-hawak siya na plastic bag. 

"Saka nagdala din ako ng makakain. Baka gusto mo? Bumili akong prutas. Mas nakakabuti yan sa 'yo at para sa dinadala mo," sabay abot nya sa akin, with smiling pa si Aling Fely sa akin. 

Ngumiti muna ako bago marahang umiling ako. "Mamaya na po ako. Kayo po, malaking abala pa naman 'yung nagawa ko sa inyo,"

Nilapag niya ang mga dala niya sa gilid, sa maliit na cabinet, saka buong-ingat na hinawakan ang may swero kong kamay.

"Hija, gusto kitang tulungan lalo na at buntis ka. Sabi ko nga, hindi ba? Sino bang magtutulungan, e di tayo-tayo lang din." saka ngumiti ang butihing matanda. 

"May mga anak po ba kayo?" Di ko maiwasang magtanong. Simula nong insidente, ngayon lang kami nagkausap ng maayos ni Aling Fely. At magkakilala.

Umupo muna sya bago sinagot ang aking katanungan.

"Ah eh, oo. Pero nagkaroon na ng mga sariling pamilya umalis din sa pader ko. Kaya yung mga boarders ko na lang yung tinuturing kong pamilya." 

"Asawa po?" 

"Ay nasa piling na ng Mahal nating Panginoon ang aking asawa, Hija."

"Pasensya na po."

"Okay lang naman, Hija. Naka-move on na ako." Saka tumawa si Aling Fely.

Natawa ako sa "move-on" niya. Parang dalaga lang siya e. 

"O, ikaw? Di naman sa nakikichismis ako ah, pero nasan ang tatay ng anak mo? Bakit di mo kasama?" Sunud-sunod  na tanong niya sa akin. 

"Matapos kong pakasalan ang taong una kong minahal, e nagbago na ang lahat. Hindi ko na kilala ang taong pinakasalan ko, para siyang nag-iba ng anyo. Karma ko na yata iyon, Aling Fely dahil nakasakit ako ng ibang taong walang ibang gawin kung hindi ang  isipin ang kasiyahan at kapakanan ko, at mahalin ako." Naalala ko si Feliz sa pagkakataong ito. Pilit kong pinipigilan ang luhang nagpupumilit na umalpas sa aking mga mata.

Buong-pusong nakikinig sa akin si Aling Fely. 

"Una mong minahal? May naging pangalawa ba?"

Tumingin ako sa matanda sa mata at ngumiti ng mapait.

"Opo. Sa kanya, nakaramdam ako ng pagmamahal. Sa kanya, naranasan ko kung paano sumaya. Yung tipo ng saya na higit pa sa una kong minahal."

Tumango muna si Aling Fely, bago sumagot. 

"O? Bakit di mo pinaglaban ang totoo mong mahal? Para mo na ring pinagtaksilan ng panghabam-buhay ang iyong asawa, Hija. Bakit di mo na lang pinaglaban nong una pa nang di ka magsisi ngayon?"

"Kasi po mali. Mali ang ipaglaban siya."

Kumunot ang noo ng Ale.

"Papaano at kailan  naging mali ang paglaban?"

"Kasi po.."

"Kasi po, hindi lalaki ang mahal ko.."

Nagulat yata ang matanda sa sinabi ko, nanlaki ang kanyang mga  mata pagkabigkas ko ng mga katagang iyon.

"Ano?!"

"Opo. Babae po na nasa anyong-lalaki ang minahal ko. Kaya po mali."

Nasapo ng matanda ang noo.

"Hija, walang mali sa pagmamahal. At lalong walang mali at nagmahal ka ng isang tulad niya. Ang mali ay 'yung hindi mo sya pinaglaban. Sinaktan mo ang buong pagkatao niya."

"Opo, Aling Fely. Kung magkikita sana kami ulit. Gusto ko na syang makausap upang makahingi ng tawad."

"Mahal mo pa ba?"

Natigilan ako sa sinabi ni Aling Fely. 

Mahal ko pa nga ba si Feliz? Kaya ko pa ba siya ipaglaban? 

"Pakiramdaman mo ang sarili mo. Meron ka pang pagkakataon. Hindi pa tapos ang lahat." she sent me a warm smile, more of a motherly smile. 

Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanya sa mga tanong niya.

"Maraming salamat po talaga, Aling Fely, ha."

"Ay sus, wala iyon, Hija. Saka wag mo na akong tawaging Aling Fely. Nanay Fely na lang." 

Nagyakapan kami. Salamat. At kahit nawalan ako ng asawa, yata. May isa namang taong hindi na naiba kahit na hindi kami pareho ng dugo na dumadaloy sa aming mga katawan.

Nang biglang may pumasok sa loob ng silid ko. Dalawang tao yata. Pareho silang matatangkad. Yung isa, nakaputi at may nakalagay na stethoscope sa may leeg. Tama, sya yung doktor na may kamukhang kilala ko. Yung OB ko. (SEE PICTURE.) Yung isa, nakapolo ito at short pants...teka, kilala ko to. Maraming nagbago sa mukha niya. Mas naging malinis at mas naging masculine ang facial features niya. Lumapit yung dalawa at tumigil sa may paanan ko. 

Ngumiti muna yung doktor. Magkamukha talaga sila ng taong mahal ko.

"Kamusta ka, Mrs. Johans? Dr. Felix Crousers, your attending OB-GYNE." saka lumingon sa tabi niya. 

"I assume, kilala niyo na ang isa't-isa." saka bumalik ng tingin sa akin. 

Ngumiti ito ngunit di abot sa mga mata. Same cold eyes, when I first saw her at her office. Nasaktan ko nga sya. 

"Feliz Crousers, kapatid ko."

Kaya pala magkahawig sila. Kasi..... MAGKAPATID SILA. 

Gumagawa nga ng paraan ang tadhana. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




She Falls for HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon