Take Me Back

116 3 0
                                    

FAST FORWARD TAYO.. 

PARIS' POV

Naglalakad ako sa daan, kakagaling ko lang bumili ng groceries. Syempre, buntis. Hirap magbitbit. So, yung mga kakailanganin na lang yung mga binili ko. Nong feel na feel ko yong paglalakad ko sa sidewalk, may prumenong maputi at makintab na sasakyan sa may harapan ko. Akala ko magpapark, nang biglang magbukas yong bintana. Isang pamilyar na mukha yong namukhaan ko. Damn! Pwede tumakbo?

Di pwede. 

"Paris!"

Binilisan ko yong mga hakbang ko.

Bilis

Bilis

Bilis pa more. 

Pero kahit na binilisan ko na yung mga yapak ko, walang nangyari. Mas matangkad sya, syempre, malaki biyas non.

Naabutan niya ako. 

Hinawakan niya ako sa braso saka pilit na pinapaharap sa kanya. 

And pulled  me into a hug. 

Yung yakap mo na akalain mong ilang dekada din kayong hindi nagkita. 

"Where have you been? Umuwi ka na."

Oo, tama. It is Nick. Ang asawa ko. Ang ama ng dinadala ko.

Tinulak ko sya upang umalis sa pagkakayakap sa kanya.

"Where have you been mo mukha mo. Ano? Gaganyan-ganyan ka na parang walang nangyayari? Ano 'yun, laro? Tigilan mo nga ako dyan, Nicholas. Nanahimik na ako dito," saka ko sya tinalikuran at iniwan na napako sa kinatatayuan niya.

Ilang minuto din akong naglakad, pero habang papalapit ako sa inuuwian ko, nararamdaman kong may sumusunod sa akin. 

"Hindi ba't sabi kong..." sabay lingon.

Halos maitapon ko na yung dala kong groceries at mahimatay sa nakita ko.

Nakita kong nakangiti sya. Nakakamatay na ngiti. Yong signature smile pa.

"Hi." 

Nganga. Walang nasabi ang Paris niyo.

"W-w-what are you doing here?" English. Oo, alam niyo na kung sino yan.

"What did you say earlier?" 

"I was.. I was just..." 

Boset naman to, o. Akala mo di marunong mag-ingles. 

She smiled. 

"I actually saw that. That is why I followed you," 

Napakunot-noo ako.

"What do you mean?" 

"I saw you and Nick back there. I just did not approach you since I saw you guys trying to reconcile. And, you are walking alone here. I am just after your safety," buong-seryoso niyang sambit. 

Parang nalaglag ang puso ko mga sinabi niya.

Tanging "Thank you" na lang yong nasabi ko,

She smiled once again.

Nakakainis naman yang ngiting yan, e. Tigilan mo nga yan, Feliz. 

Nang bumalik na ako sa aking ulirat. Inimbita ko sya sa inuupahan kong room na pagmamay-ari nong butihing ale.

"Ano'ng gusto mo? Coffee? Tea? Milk?" O me? 

Aligaga kong nilagay yung mga pinamili ko. Saka dali-daling kumuha ng tasa. 

"No, I am good. Thank you. I was just checking you around," saka niya inilibot ang mga mata niya sa buong space na tinitirhan ko.

Saka sya nagsalita ulit.

"Are you okay here?" Lumapit sya sa akin. 

"I mean, you're pregnant. You're situation is very sensitive. I can offer, Paris." 

Sincere niyang sinabi yon. 

"No, wag na, Feliz. Sobra yon,"

"I am still willing to give everything for you, Paris." 

Hinawakan niya ko sa balikat. Napahawak naman ako sa mesa na may gawing kanan ko. 

"And I don't take no as an answer. I am offering you a condo. It's free. You got anything you need."

WHAT?!

Kokontra na sana ako ng biglang tumunog yong iPhone niya. 

Kitang-kita yong frustration sa mukha niya saka hinugot yong cellphone sa bulsa niya. 

"I'll just take this for a minute. Excuse me,"

She Falls for HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon