Seryoso pala si Feliz. Nagpareserved sya ng condo unit 15 minutes away sa tinitirikan ng boarding house ko.
Bago ako umalis sa dati 'kong tinirhan, nagpaalam muna ako sa butihing may-ari ng boarding house.
Ngunit, hindi ko sya naabutan. Wala yata'ng tao sa silid niya. Nakapatay lahat ng ilaw e. Kaya ang ginawa ko'y nag-iwan ako ng sulat.
Nay,
Salamat po sa lahat ng tulong niyo sa akin at sa magiging anak ko. Pasensya na po at hindi na po ako nakapagpaalam ng maayos sa inyo kasi nagmamadali po ako. May isa pong mahabaging tao ang tumulong sa amin. Eto po, may kaunti po akong pasasalamat sa inyo. Wag po kayo mag-alala, bibisitahin ko po kayo. Baka sa mga araw na yo'n, dalawa na kaming bibisita. Mag-iingat po kayo palagi dito ha?
Nagmamahal,
Paris
Tiniklop ko ang sulat na gawa sa yellow pad paper na may kalakip na pera. Sana makatulong iyon kay Nanay kahit papaano.
"Ma'am, pinapasundo po kayo ni Mr. Crousers,"
Halos mapatalon ako sa gulat at napahawak ako sa tyan ko. Bigla lang kasing sumulpot ang lalaking 'to kung sa'n sa'n.
"Ay, sorry po." Napakamot sya. Nahalata niya siguro ang reaksyon ko.
Napakadisente ang suot nitong plain black tux and straight cut slacks, pati ang kumikinang ma leather black pointed shoes neto. Matipuno ang pangangatawan.
Dala-dala ang gamit na kagabi ko inimpake nauna sya sa akin papunta sa may di kalayuang naka-park. Sumunod naman ako sa kanya.
Limousine!!
Ang gara naman talaga nitong si Crousers!
Mataman ko lang sya'ng tiningnan habang pinagbuksan niya ko upang makapasok sa magarang limousine na to. Bago ako tuluyang pumasok, lumingon na muna ako sa dating naging kanlungan ko noong akala ko ako'y nag-iisa na lamang sa mundo.
Balang-araw, babalik ako dito at tutulungan ang mga taong hindi ipinagkait ang kanilang kabutihan.
BINABASA MO ANG
She Falls for Her
Любовные романыAno kayang mangyayari kung ang pinakaiinisan mong klase ng tao ay siya pa lang magpapahulog ng loob mo? Na siya pala yung sasaluhin ka sa oras na ikaw ay madapa? Pero paano kung may nakahadlang? Ipaglalaban mo ba siya o palalayain mo na lang sya at...