PARIS POV
Isang taon na ang nakalipas mula nong ikinasal ako kay Nick at ibinaon sa limot ang pagmamahal ko kay Feliz. Ngayon, limang buwan na akong nagdadalang-tao sa panganay namin ni Nick.Kamusta na ako? Heto, sa tingin ko'y lusyang na ko. Paano ba naman, ayaw kumuha ni Nick ng yaya. In short, ginawa niya kong housewife. Hindi nman sa nagrereklamo ako. Okay lang naman, kaso hindi sa ganitong sitwasyon namin. Na lagi na lang syang umuuwing lasing. Simula nong pumanaw ang tatay niya ay kasabay ng pagbagsak ng kanilang negosyo, kung hindi lasing ay gabi na umuuwi at di na ako kinakausap. Kumbaga, we're strangers living in one roof.
Si Feliz kaya? Kamusta na sya? Masaya kaya siya sa asawa niya? Paano kaya kung kami ang nagkatuluyan, magiging kabaliktaran kaya ang buhay ko ngayon sa piling niya?
Wala na akong natanggap na balita mula sa kanya simula nong nakita ko syang nakakubli sa simbahan. Fresh were the moments, na nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Minsan, naiisip ko siya. Pero sabi ko nga, kung ano ang nailibing ay di na dapat huhukayin.
I was startled out from my thoughts dahil sa malakas na kalabog ng pintuan. Napahawak ako sa malaki kong tyan sa kaba.
Si Nick pala, dumating na.
Agad syang tumungo sa hagdanan, di man lang ako tinapunan ng tingin.
"Dad, kumain ka na ba? Eto oh, nagluto ako," alok ko sa kanya.
"Busog ako, kumain ka na lang dyan," malamig niyang sagot sa akin nang dire-diretso ang tingin sa tinatapakan.
Nanghina ako sa inasal niya, nakalimutan na din niya ang araw na binago niya ang buhay ko.
Happy anniversary sa atin, Nick.
Unti-unting nawawala ang Nick na una kong minahal.
Kinabukasan, habang nag-aalmusal kaming dalawa ay wala kaming imikan. Tanging pingkian ng plato at kutsara o tinidor ang maririnig mo, at kalabog ng baso sa glass naming dining table.
Tumayo na ang magaling kong asawa upang umalis para sa trabaho nang wala man lang sinasabi. Parang wala siyang kasama sa bahay. Pilit kong iniintindi ang sitwasyon ni Nick, dahil sa nangyari. Asawa ko siya, sasamahan ko siya sa hirap o ginhawa.
Naiwan akong mag-isa nang may napansin akong naiwan sa gilid ng platong pinagkainan ni Nick, ang cellphone niya. Bigla itong tumunog, may text.
From: Babe Jaycob <0917637492016>
Good morning, baby. Nag-breakfast ka na ba? Hihintayin kita sa dati nating tagpuan ha. Miss na kita. Please reply.
Para akong binagsakan ng langit ang lupa pagkabasang-basa ko ng message. Di lamang sa laman ng message kung hindi sa pangalan pa lang ng taong nagpadala ng mensahe na ito.
Palinga-linga ako, sinisigurado kong babalik pa ba ang asawa ko. Agad kong pinindot ang call button. Gusto kong makasigurado. Baka pinalitan lang niya ng pangalan ng lalaki. Pero bakit may baby Jaycob talaga, kung pwedeng Jaycob lang naman o kaya baby? Tengene.
Sa pangatlong ring ay sinagot ng tao sa kabilang linya.
"Baby?" BOSES LALAKI. Na siyang ikinagulantang ko.
Lalaki nga. Lalaki nga. So, ibig sabihin.... Kaya iba na ang pakikitungo ni Nick sa akin, hindi lang dahil sa pinagdaan siya kung hindi may iba na pala siyang pinag-iinitan. Hindi babae, kung di isang LALAKI. Kapwa niya lalaki!
Bakla si Nicholas!
BINABASA MO ANG
She Falls for Her
RomansaAno kayang mangyayari kung ang pinakaiinisan mong klase ng tao ay siya pa lang magpapahulog ng loob mo? Na siya pala yung sasaluhin ka sa oras na ikaw ay madapa? Pero paano kung may nakahadlang? Ipaglalaban mo ba siya o palalayain mo na lang sya at...