This is the day

173 5 1
                                    

Nakaharap ako sa malapad na salamin. Mukhang puno ng kolorete na mas lalong pinatingkad ang natural kong ganda. Minutes away, ikakasal na ako. Mag-iiba na ang apelyido ko, madagdagan ang mga responsibilidad ko bilang tao, bilang asawa and hopefully, bilang ina.

"Ma'am, eto na po ang gown ninyo," iniabot sa akin ng make-up artist ang box.

Yes. The box. Naglalaman nito ang ginawa ni Feliz para sa akin.

Binuksan ko ito saka lumabas ang make up artist para hayaan akong magbihis.

I looked myself at the mirror. Eto ang kahuli-hulihang bagay na magpapaalala sa akin ni Feliz. Na suot ko pa sa kasal ko. Ang taong iniwanan akong mag-isa at di man lang ako ipinaglaban sa huli. Siguro mas mabuti na nga yun. Nang mailagay sa normal ang buhay ko.

I was pulled out in my trance nang pumasok si Mommy.

She gasps. "Oh my baby girl is very pretty,"

I smiled at her saka sinalubong sya ng yakap.

"Best wishes, anak,"

"Thanks Ma," mangiyak-ngiyak na ko pero pinigilan. Masira pa tong make up ko e.

"Ready na po tayo. Ms. Ruiz, nasa venue na po ang inyong groom," ani ng isang babae. Sya ata ang wedding planner namin.

Tinanguhan ito ni Mom saka bumaling sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko. Saya, lungkot, kaba, panghihinayang. Ay bahala na. Basta, ikakasal na ako sa lalaking alam kong makapagsasaya sa akin. Mapapasaya din ako ni Nick. Hihigit pa sa ginawa sa akin ni Feliz. Sya naman ang una kong minahal e. I know this would work out.

I just found myself at the stairs sa simbahan. Nakasakay na pala ako sa sasakyan. Kasama ko si Mama. Nasa tabi naman ng driver's seat si Kuya James. I wonder, nasaan si Kuya Josh.

Lumingon sa akin si Kuya James.

"Best wishes, lil sis," nakasmile siya pero ibang emosyon ang pinapakita ng mga mata niya sa akin.

"Thank you, Kuya," ang tanging naitugon ko sa kanya.

Ayun lang at umayos na siya sa pagkakaupo at ganoon na lang din ako. Tanaw na tanaw ko ang bawat lugar na dinadaanan namin papunta sa venue.

Last moment mo na to sa pagiging Ms. Ruiz, dahil mamaya Mrs. Johans ka na.

Pero mas bagay pa din sayo ang Mrs. Crousers. Db? My inner goddess screamed.

I shook my head to remove that idea. Hayy, darating kaya sya?

My mom leaned forward at kinalabit si James.

"Is Felicia coming, James?"

Nagitla ako sa tanong ni Mama. Nakita kong napatingin sa akin si Kuya sa mirror saka niya hinarap si Mom.

"I dont know, Ma. She didnt say anything,"

"Hindi mo sya inimbita?" Sa ngayon, sa akin na naman bumaling si Mom.

Sasagot na sana ako nang muling nagsalita si Kuya.

"I did, Mom since ako ang in charge sa invitations,"

I hope darating ka Feliz.

"I heard she is getting married too," ani Mama.

Pagkarinig kong iyon ay parang tinusok ang puso ko ng libo-libong pana. Why? Affected ako. Oo. Gusto ko ako na lang!

Napatingin uli si Kuya sa akin saka humarap.

Bulag si Mama sa katotohanang nahulog ang loob ko kay Feliz ngunit sa dalawa kong kapatid? Hinding-hindi ko yun maipagkakaila.

Walang umimik sa amin ni Kuya sa sinabi ni Mama. Kaya nagkibit-balikat na lang din si Mama.

And this is it. Nasa simbahan na kami. Sa labas ay may mga dekorasyon ito. Halos pula, ka terno ng gown ko.

Sa loob ay mga mga pulang rosas. At sa aisle ay puti ang carpet na may ikinalat na mga petals ng pulang rosas. I smiled at the sight.

Kuya tapped me. Saka may binulong sa akin.

"Darating siya, para makita,"

Tinigasan ko ang aking outer appearance na kunyari ayoko sya makita pero sa kaloob-looban ko'y naghuhumiyaw. Sana gawin niya yung nasa pelikula, yung sisigaw siya na itigil ang kasal at itatakas niya ko at dadalhin niya ako sa malayong-malayong lugar.

Bumalik ako sa katinuan nang nasa tabi ko na pala si Mom.

"You will always be my baby kahit na may baby ka na,"

"Mom," saway ko sa kanya.

"E saan pala yan mapupunta? Magiging lola na din ako, mahal na mahal kita anak," madamdamin ang mga pahayag na iyon ni Mama.

Natawa ako sa reaksyon niya.

"I love you too, Ma,"

Kuya James offered his hand para alalayan ako.

Eto na at nagsisimula na akong pumasok sa simbahan. Kuya James on my left at si Mommy naman sa kanan.

Sumalubong sa akin ang nakangiting mga mukha ng mga kilala namin. Ang mga Johans, ang mga Ruiz at iba pang kaibigan namin.

I scanned my eye sa bawat sulok pero bigo akong makita si Feliz.

Oh cmon, Paris. Ikakasal ka na nga, siya pa rin ang iniisip mo? Move on!

When I was in the middle of the aisle, nasilayan ko ang masayang mukha ng lalaking pakakasalan ko. Nick with his best man? Kuya Josh. Bakit di to nagsalita. Pogi ang kapatid ko sa tuxedo niya. Nagmukha siya ng tao. Haha.

Habang lalaking papakasalan ko, ay as always gwapo pa din. Wearing his white tux at red na inner sleeves pati tie. Brushed up ang buhok niya. Haaay, Nick.

Ibinigay ni Kuya ang mga kamay ko kay Nick.

"Mahalin mo ang kapatid ko higit pa sa sarili mo, kundi alam mo na ang mangyayari,"

Nagawa pang mangbanta ang gago. Haha. Napangiti at tumango naman si Nick. Mom kissed him at the cheek nang walang sinasabi at nagtungo sa upuan habang nag fist bump muna sila ni Kuya.

Eto na, inalalayan na niya ako sa altar.

...
"Ikaw Nick Johans, tinatanggap mo ba si Paris Ruiz bilang asawa sa hirap at ginhawa?" Si father.

"I do," agad na sagot ni Nick na nakatitig lamang sa akin.

"Ikaw Paris Ruiz, tinatanggap mo ba si Nick Johans bilang asawa sa hirap at ginhawa?"

"I do," nang nakita ko sa bandang likuran at sa di kalayuan si Feliz. Pilit ikinukubli ang sarili sa likod ng pillar ng simbahan. Tama lang na ako makakita sa kanya.

"You may now kiss the bride,"

With that, hinawi ni Nick ang veil na nakatbon sa ulo ko as he cupped ny face. Unting-unting inilapit ni Nick ang mukha niya saka pumikit. Ngunit ako, nanatiling nakatitig sa mukha ni Feliz. Labis syang nasaktan. Inalis niya ang tingin niya sa akin nong dumampi ang mga labi ni Nick sa labi ko. Napapikit na din ako. Naghiwalay na ang aming mga labi at nagsimula ng maghiyawan ang mga tao sa loob ng simbahan. Nang idilat ko ang aking mga mata. wala na si Feliz. Nawala na ang aking mahal.

Hindi mawawala sa isip ko ang sakit na nakita ko sa mukha niya. Feliz, ipinaglaban mo sana ako. Tayo sana ang magkasama ngayon.

Humarap ako sa mga taong dumalo at nagpapalakpakan.

Ngumiti ako ng mapait sa kanila.

Tiningnan ko sina Kuya James at Josh. I read their expression in the face. Alam ko, nakita ko si Feliz. Ningitian ko sila. Ngumiti din sila ng mapait sa akin. Wla e. Nakatali na ako. Paalam aking mahal na Feliz.

Maging masaya na lang tayo sa piling ng ating mga asawa.

She Falls for HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon