Reconciliation

179 6 0
                                    

Inalay ko ang lahat ng oras, dugo, at pawis sa kumpanya ko. Well, hindi naman ako nagsisi, at lumago naman ito. Palabas at papasok ako ng bansa, hands-on ako sa trabaho. Kailangan makita ng mga sarili kong mga mata na nasa ayos ang bawat detalye ng kumpanya ko. Mahirap na, baka matulad pa sa kumpanya ng mga Johans. Ooops! Speaking of, kamusta na kaya sila? Hmm.. And the wife, Mrs. Johans. Naputol ang pakikipag-usap ko sa aking sarili ng biglang tumunog ang aking iPhone 6. (Chyeah! Nice phone there. Lol)

Felix calling...

"So? What went wrong and you called me?"

I creased my eyebrows when I heard his response. Miminsan lang tumatawag si Felix, but when he calls, there are only two things, may problema sya o may sasabihin siyang importante. Crash out the first, the latter applies. Without any hesitations, ay agad-agad kong pinuntahan kung nasaan si Felix, nakasalubong ko ang aking sekretarya. Bagong sekretarya though, ekis na yung dati kong sekretarya sa first chapters ng storya na to. Hahaha.

"Sir, we have a meet..."

"Cancel all my meetings and move it the next days," at iniwan ko na lang siyang nag-iisa doon.

Wala na kong pakialam sa mga sasakyan, ang importante makarating ako kung nasaan si Felix ngayon.

Nang makarating ako, agad kong hinanap ang opisina ni Felix at agad ko naman siyang natagpuan. Pacing back and forth sa lobby.

"Bro," and we fist bump.

Yes, Felix and I are siblings. He is a year older than I.

"Hindi-hindi ako magkakamali, siya nga ata yun,"

Unlike me, bihasa si Felix sa tagalog. Dito siya nag-aral ng apat na taon para sa Pre-Med bago lumipad ng US para kumuha ng Proper Med, at muling bumalik dito para makapagpractice. Yes, he's a medicine doctor, my brother's a Medicine doctor. Dr. Felix Crousers. He got my eyes, my smile. Halos lahat, para na daw nga kaming magkambal sabi nila. Pero mas gwapo pa din ako.

Kung nasaan kami, nasa ospital kami ngayon.

"You sure 'bout this?" As he ushered me towards a door.

"Go see it for yourself," he tilted his head, as if he is saying na pasok na.

Ilang segundo kong tinitigan si Felix bago ko pinihit ang pintuan at pumasok.

Sumalubong sa akin ang isang pamilyar na pigura ng babae na mahimbing na natutulog, medyo may kalakihan ang tyan nito.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan, at nagulantang ako sa mga nakikita ko. I rubbed my eyes at baka pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko.

"Hindi ka nananaginip, Feliz. Sya nga," my bro's voice. Nasa likod ko siya, I know.

Siya nga -- muli nga tayong nagkatagpo.

Paris, mahal ko.

Paris POV

Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata, as my eyes adjusted to the light. I scanned the room, white room. Saka ko na lang naalala na nasa ospital pala ako, otomatikong napahawak ako sa tyan ko. Nang biglang may magsalita sa tabi ko.

"Okay lang ang baby. Malakas ang kapit. Ikaw? Kamusta ang pakiramdam mo, Mrs. Johans?"

Ani ng isang matangkad, makinis at maputing lalaki na nakasuot ng un uttoned Lab gown at may nakalagay na stethoscope sa leeg nito. Sa kanang dibdib naman niya ay ang logo ng ospital. Malamang siya yung narinig kong boses kanina lang.

"O-okay naman ako, Doc,"

"Doctor Felix.." He smiled showing his pearl white teeth.

Sa ngiting yun, may naalala akong isang tao. Ang mga ngiting yun ng isang tao na kaparehong-kapareho noong ngiti ng doktor na iyon. Pero imposible, baka naghahallucinate lang ako. Baka epekto lang to ng gamot.

She Falls for HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon