Sa tinagal-tagal ko dito sa ospital ay sa wakas tinanggal na din ang swero ko sa kaliwang kong kamay.
Hinimas-himas ko pa ang bandang wrist ko, para maramdaman kong hindi pa manhid ang parte ng kamay kong to.
Ang hirap talaga magkasakit. Ang hirap maaksidente. At ang hirap itaya ang buhay mo sa buhay ng iba.
"Feeling better, bro?" biglang sabat ni Felix. Oo nga pala, sya ang supervising physician ko.
"Yeah, thank you for not abandoning me all the way, bro."
He winks playfully at me.
"Thank you," biglang baling niya sa nars nang mapansin niyang tapos na ito sa pagtanggal ng anu pang nakakabit sa kamay ko.
Tumingin sya ulit sa akin.
"How's Paris doing?" Diretso kong tanong.
Matagal na pala kaming hindi nakakapag-usap. Madalas di ako pwede makapunta sa kwarto o di kaya sya dito sa kwarto ko kasi ayaw ng supervising doctors niya, ganun din naman ang payo sa akin ni Felix.
He tilted his sight away from me saka bumuga ng isang malalim na buntung-hininga. Saka nilapag ang hawak na metallic folder sa paanan ko at umupo.
"Feliz, I think Paris need a post-counselling. Alam na niya kung ano'ng nangyari sa baby niya. And the days passed by, para na syang nawawala sa sarili. Hindi na namin makausap ng maayos."
I was stunned with the news.
"Napag-alaman namin na wala na pala syang family."
Nakikita ko ang concern sa mga mata ng kapatid ko.
"I will be referring her to a Psychiatrist. I have a friend. It doesn't mean na pinapaseek ko sya ng advise in that kind of espesyalista, may sakit na sya sa utak. Gusto ko lang makasigurado. Kung ikaw ako, gagawin mo din yun hindi ba? Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanya?"
Mahabang litanya ng kapatid ko.
Inaabsorb ko lahat ng sinabi niya.
Di ako makaimik.
Tama sya. Tama ang kapatid ko.
Siguro, yes, I will do exactly the same.
"Can I visit her?" sabi ko habang dahan-dahan akong paupo galing sa pahigang posisyon.
"Sure, given na magpapahinga ka. Bed rest for 1 week. That's not a sibling's request. That's my order. As your doctor." he smiled sheepishly.
He tapped my right shoulder gently.
"Papupuntahin ko na si Rover dito para masamahan ka sa kwarto ni Paris. Also, these supplements and final instructions, ibibigay ko na sa kanya, para matuluyan na ang paggaling mo. Okay, brother?"
I sighed. "Okay."
Para akong nawalan ng ganang mabuhay nang nalaman ko na ganon na ang sitwayon ni Paris.
"Hey, c'mon. Paris will be fine. I will help you with that. I promise."
"That's consoling. Thanks again, bro."
With that being said, tumayo na sya.
"Sige. Just let me know if you need anything. May rounds pa akong gagawin. See you around!"
He winked playfully again, picked his metallic folder and made a gun gesture using his hands.
Silly, he will always be my silly brother.
And he walked out of the door.
I was left alone now.
BINABASA MO ANG
She Falls for Her
RomanceAno kayang mangyayari kung ang pinakaiinisan mong klase ng tao ay siya pa lang magpapahulog ng loob mo? Na siya pala yung sasaluhin ka sa oras na ikaw ay madapa? Pero paano kung may nakahadlang? Ipaglalaban mo ba siya o palalayain mo na lang sya at...