Feliz Navidad!

216 6 1
                                    

PARIS POV.

Nagising ako nang dahil sa isang napakaliwanag na ilaw na siyang tumatama sa aking mukha. Bumangon ako at sinapo ang aking ulong medyo sumasakit. Aray! Ay oo naalala ko, nag-bar kami tapos may nakilala ako tapos.... Shet! Muntik na akong magahasa. Paris! Ang tanga mo.

Dumilat ako. Teka, hindi pamilyar ang lugar na to. Nasaan ba ako?

"Aaaaaaaaah!" Nooooo! Hindi. Paano kung sa lalaking nangharass sa akin ang lugar na to. Baka nanlaban sya at nagulpi niya si Feliz. Wag naman sana.

Biglang bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin ang mukha na di ko inaasahang makita. Ang aking Knight in Shining Armor na nakasuot ng white sando at boxer shorts na spongebob ang design at bahagyang magulo ang buhok ngunit sexy pa rin tingnan, Feliz. I felt safe now.

Lumapit sya sa akin at umupo sa gilid kama. Tinitigan ako na parang may hinahanap. Na conscious tuloy ako bigla.

"What? Anything painful?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Sorry, akala ko kasi nasa bahay ako ng manyak na yun,"

"Obviously. You are in my house. No worries you're safe here,"

"Teka paano ba ko nakapunta dito? Sina Kuya Josh at James?"

Ayun nga. Isinalaysay niya sa akin. Matapos akong mawalan ng malay ay hindi na syang nag-atubiling iuwi ako dito. Masyado na siyang nataranta sa nangyari sa akin kaya niya nagawa iyon. Awwwe, isn't it so sweet of her? Naiwan niya ng wala sa oras sina Kuya Josh at James pati na din sina Christine at Katie. Oh, her girlfriend? Iniwan niya para sa akin. I blushed at the thought.

Napatingin ako sa aking suot. Suot ko pa naman din ang aking suot kagabi. Pwera ang sapatos ko.

"Don't worry. I haven't also removed your clothings. I don't want to trespass," she smiled which gains a kilig effect to me.

Hahaha. Whatever Feliz. Pwede naman na gawin mo yun eh. Kahit higit pa dun. What?! Loser xD hindi ka ba natuturn-on sa akin? Oh Gosh, what were I thinking? Erase.

"Next time, if you can't handle alcohol please dont push yourself to the limit. You're putting yourself to risk, Paris," ay shet! First time ko atang narinig na binigkas niya ang pangalan ko. And with it, napakagandang pakinggan. Bakit naging mas espesyal ang pangalan ko sa mga bigkas niya?

"I have also told your Mom and your brothers that you are here with me so they don't need to get anxious,"

Tumango ako bilang tugon. Napakaswerte ko at nailigtas ako ni Feliz.

Ngayo'y tumayo sya..

"I've got a closet there," at itinuro ang  isang malaking metallic na cabinet. Malapad at malaki ito.

"It holds several spare shirts, shorts, pants and underwears,"

Oh? Underwears. I wonder kung ginagamit pa niya yun. Hihi. I smiled.

"All brand new." Dagdag pa niya. Teka, marunong ba syang magbasa ng isip?

"The comfort room is just beside so you can go and shower. I will just prepare a breakfast for you. And a medicine to lessen the hang-over. I know the feeling." Tumalikod sya pero agad ko siyang tinawag

"Feliz,"

Nilingon niya ako.

"Salamat,"

Ngumiti siya sa akin. Yung ngiting nakakawala ng sakit sa ulo. Yung pandidiri, pagkahindi at pagkagalit ko sa kanya ay naglaho na parang bula. I don't know. Basta ang alam ko, if she's near, I know I am safe. And there you go, butterflies in my tummy. I never felt this way before. Kahit kay Nick.

Teka, Nick? Nakalimutan ko. Si Nick pala. Kinapa ko ang aking cellphone at tinext ko ito.

To: Aa Nick
Babe? Good morning! Haven't you gone to the Philippines yet? I miss you.

Sent!

Natigilan ako sa pagkatapos kung mag send. Namiss ko nga ba si Nick?

Nakalimutan ko pala. Masyado akong nalibang. Nick flew to Germany last time dahil kinakailangan siya ng company nila for expansion. Hay! Nick. Hindi ko na alam. Kung dati, sigurado ako na si Nick lang ngayon nang nakilala ko si Feliz. Ayyyy! Hindi ko alam.

She Falls for HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon