Can't Hide This Feeling Anymore

63 2 5
                                    

NICK'S POV

Malaki nga ang bahay, pero it feels so empty and lonely. Ito ang nasa isip ni Nick habang tumutungga ng isang baso ng Cognac, nakaharap sa malapad niyang swimming pool.

Nang biglang tumunog ang cellphone na pinatong niya sa mesang nasa harapan lamang niya.  

"Ano?" Halos mabitawan niya ang basong mamahalin na may laman ding mamahaling inumin. 

Parang hindi sya makapaniwala sa sinabi sa kabilang linya.

"Ano'ng pinagsasabi niyo'ng wala na?!Hanapin niyo mga gunggong! Kayo malilintikan sa akin! Huwag kayong magpapakita sa akin kapag hindi niyo sila nahahanap!" saka pinindot ang end call.

Dahil sa galit, naibato niya ang baso sa malalim na bahagi ng swimming pool. 

"Hindi kayo pwede makawala. Hindi kayo pwede'ng mawala sa akin Paris." Nakayukom sya habang binibitawan ang mga salitang iyon. 

PARIS' POV  

Kung aakalain mo, parang nasa bahay na din ako. Sabihin nating nasa isang "moving house" ako kasi literal na umaandar ang mala-bahay na sinasakyan kong kotse ngayon. 

Sa loob ng makintab na limousine ni Crousers ay maikukumpara mo sya sa isang 3-star hotel.

Nakaupo ako ngayon sa leather-made na malapad na upuan, halatang mamahalin ang cover neto. Separated ng compartment ng driver at ng pasahero neto. Parang fiber glass yata ang gawa at halatang sound-proof kasi sa likurang bahagi ng driver seat, nakadikit ang malapad na built-in, flat screen TV neto. Sa ilalim naman ay nakapwesto ang maliit na mesa kung saan pwede ka maglagay ng kung anumang inumin o pagkain at na-amaze ako kasi sa tabi ng inuupuan ko ngayon may minute refrigerator pa, nang buksan ko punung-puno pa ng pagkain. Sa babang part naman ay parang may built-in na drawer na pwedeng paglagyan ng damit ang iba pang personal na mga bagay. Ibang klase ang yaman ni Crousers.

I used to have this kind of lifestyle way back. Noong buhay pa sila, si Mommy. Yes. And every thing pulls my thought back to that painful scene.

FLASHBACK:

I was strolling in the mall in New York waiting for my date, of course, sino pa ba? Ang makisig kong husband. 

While on my favorite boutique, I received a call from an unknown number. And so, I answered.

"Hello?" Kinakabahan kong sagot. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. I just dismissed the feel.

"Is this Ms. Paris Ruiz?" sabi ng lalaki na nasa linya. 

"Mrs. Paris Johans to be precise. Yes, speaking." Proud na proud pa akong ipangalandakan na inangkin ko na talaga ang apelyido ng husband ko. 

"I am sorry to inform you, Ma'am but your immediate presence is required at our office. This is a representative from the airline that Mr. Joshua John Ruiz, Mr. John James Ruiz with Mrs. Amanda Ruiz boarded with flight details Manila to New York, departure time 6:45 AM. This is to further identify the said passengers of the flight that crashed down just before it landed to its destination."

Parang nawala ako sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nag-init ang aking mga tainga. Nanlamig ang aking mga kamay at nabitawan ko na ang kakabili ko lang na cellphone. Halos mawalan na ako ng lakas sa mga narinig ko sa kabilang linya. May sinasabi pa yata ang lalaking nasa cellphone pero parang nabingi na ako. 

"Hi, ba..." Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Nick. Hindi niya natapos ang dapat niyang sasabihin. 

"Ba't ka namumutla?" Halata sa mukha niya ang pag-aalala nang nakita niya ang reaksyon ko.

She Falls for HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon