The First PaLiz date.

251 6 1
                                    

Kinabukasan, napaaga ang gising ko. I don't know but since the moment na bumangon ako at napatingin sa salamin ay parang kung anong napakagandang vibes na sumalubong sa akin. Hayy sana magtuloy-tuloy na to.
Hindi na ako nagpalit ng damit pantulog kasi naman po etong mga alaga ko ay nagwawala na sa loob ng sikmura ko, di na makapag-antay pa. Pipihitin ko na sana iyong pintuan nang may nagbukas nito. Huli na ng umilag ako, ayon at tinamaan na ang malapad kong forehead. Boset ah! Sakit.

"Ay sorry, tinamaan ba kita?" Si Josh, binigyan ako ng apologetic look.

"Ay hindi, hindi nga masakit ang noo ko. Sarap sa feeling Kuya. Sarap!" Sarcastic kong sagot. Obvious naman, nagtanong pa. Tanga mo Kuya oy!

Napakamot siya sa ulo.

"Ano bang kailangan mo at sumugod ka sa kwarto ko?" Sabi ko habang hinahawi sya sa daan. Haharang-harang eh gutom na ako.

Pababa na ako nang nagsalita si Kuya Josh sa likuran ko. Pansin ko na may pamilyar na pigura na nakaupo sa dining table namin ngunit nakatalikod ito sa kinatatayuan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Daig pa ang tumatakbo sa isang 10K marathon.

"May bisita ka o," bulong niya sa akin, ngumiti ng pilyo at ngumuso kung saan ang bisita ko. Aba! Ano kaya tumatakbo sa isip ng lalaking to.

Nang..
"Oh gising na pala ang baby princess namin," napansin ako ni Kuya James na nasa gitna ng dining table namin.

"Kain ka na, hija. Maaga umalis si Maam Amanda at pinapasabi po na kumain ng marami kasi mapagod po kayo sa byahe ni Sir Crousers," ani Aling Chita.

Talaga? Sir? Hahaha okay di na ako iimik. Teka, byahe? Di ako na inform nun ah.

Umalis na naman pala si Mom.

Lumapit ako sa dining table at tumambad sa akin ang fresh na fresh na mukha ni Feliz, sya, sya nga ang bisita ko.

"Good morning," bati niya sabay ngiti. Boset, natutunaw na ako.

"Ang aga mo naman ata? Saka, byahe? Paki-inform naman ako o,"

Medyo naiinis ako na naeexcite. Naiinis kasi di man lang ako sinabihan na may lakad. Biglaan pa ah. At kung alam ko lang sana ay naghanda na ako last year pa. Charaught! Hahahaha. At naeexcite ako kasi kasama ko si.... Feliz. Whoa! Bago to.

"Uhh, I was just thinking if I could ask you for a date? But if you wouldn't, it's fine," she flashed a shy smile. Awwee, nahihiya din pala ang isang Feliz Crousers.

"Nagpaalam na din sya kay Mom at sa min ni James. I know Feliz would handle you well. Db pare?" Kuya Josh While wiggling his eyebrows. Tumango si James habang si Feliz napangiti sya. Anong meron at palangiti na si Feliz ngayon?

"Makahandle ka naman dyan, kala mo, K9 dog ako ah," at tumawa si James, kulang na lang mabulunan sya sa kinakain niyang bacon. Habang si Josh nagkibit-balikat lang.

Bumaling ako kay Feliz. Sasama ba ako hindi? Oo o hindi? Gusto rin naman makilala ang taong nagligtas sa akin. Saka ang other side ni Feliz. Bakit niya kaya ako inaya? May gusto din kaya siya sa akin? :D pero, naalala ko, friendly date nga lang to. Gusto lang ata niya makigpagkaibigan. E di okay.

"Sagot mo Paris oy! Naghihintay yung tao," untag ni Josh.

Peste! Nag iisip pa. Teka lang.

"Let her take some time, Josh," sabi ni Feliz in a monotonous tone.

"Sasama ako, mag-date tayo." I bet friendly date lang naman to. Saka walang masama. Pareho kaming babae.
Pero may nararamdaman ka sa kanya. Ibang storya na iyan, Paris.  Posible ding may gusto sya sa yo.

She Falls for HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon