Prologue
Why is life so unfair?
Bakit ang iba ang daling swertehin sa buhay? Ang dali para sa kanila na makamit ang gusto nila. Iyong tipong pangarapin lang nila'y nakakamit na nila ito agad?
Why do I always have to take the hard way unlike everyone else?
Umiiyak na naman ako sa kama, ang bigat ng loob ko nitong mga nakaraang araw. I've grown tired of crying about it every night but the feeling doesn't go away at all.
Ang dami kong pinagsisisihan. Ang daming what ifs na sana nagawa ko pero hindi ko na mababalik ang panahon e. Nangyari na ang nangyari.
I just want to feel contented and happy with the life that I'm living. To gain my peace of mind without overthinking things through. Para kasing nakakapanghina palagi dahil gulong-gulo na ang utak ko sa dami ng iniisip ko araw-araw. I have my work to think of, my bills, my crushed dreams and even other people's problems!
My brain is a messed up piece of shit.
Niyakap ko ang unan at pinunasan ang mga luha gamit ng palad ko. Hindi na talaga ako masaya sa buhay ko pero kahit naman ganon, wala na akong magagawa dahil ako naman ang pumili nito e. If there's anyone to blame? Baka ako nga siguro ang may kasalanan.
Siguro kung nakikita lang ako ng mga kapatid ko ngayon, pagtatawanan pa nila ako.
Napapikit ako ng mariin at bumuntong-hininga. I need to be strong for myself. I need to fight despite feeling weak these past few days. Ni hindi ko na nga alam kung ano pa ba ang pinaglalaban ko. Pakiramdam ko umiikot na talaga ang buhay ko sa pera at ang pagkita nito. I want to be like my brother who's successful and working on a company that he's really passionate with but life has other plans for me.
They say, money can't buy happiness. Pero sa sitwasyon ko ngayon? It would make me really happy if I have money now. Dahil iyon nalang ang tanging paraan para maging masaya ako. Iyon nalang.
Nagising ako sa sumunod na araw na namumukto ang mga mata sa pag-iyak kagabi. I didn't want to work but I'm a slave to money. I need to earn enough cash to pay my bills this upcoming month.
I looked at myself in the mirror while wearing my nurse uniform. Nakakulong pa rin ako sa trabahong ito at wala na ako magagawa kundi ang pumasok.
Biglang tumunog ang cellphone ko. I immediately answered it without checking the name. Iisa lang naman ang bwisit na tatawag sa ganitong oras....
"Mariestella, oy!" si Kuya Gray.
I rolled my eyes. "Oh, bakit? Uutang ka? Wala akong ipapautang sayo, Kuya. Wala rin akong pabirthday kay Leandre."
Narinig ko ang mahinang tawa ni Kuya. Nakakainggit talaga. May asawa't anak na siya at may bahay pang pinapatayo. Habang ako, eto. Single at sa isang maliit na apartment lang nakatira. Nanganganib pa nga akong mapatalsik dito dahil ilang buwan na akong hindi nakakabayad. Tinatakasan ko nalang ang landlady at inaagahan ang pag-alis. Tapos uuwi ng hating-gabi pag tulog na siya.
"Wow? Ako pa ang uutang sayo? Hindi mo pa nga nababayaran utang mo sa akin, hoy! Ilang taon na 'yon, ah?"
I groaned. "Edi babayaran ko na! Sabi mo, kahit hindi ko na bayaran tapos ngayon naniningil ka?"
"May interest na yun, ah? Fifty percent interest..." aniya.
"Huh?! Ang laki naman!"
Humalakhak si Kuya. "Gipit ako ngayon e... bumili kasi si Lacey ng bagong damit ni Leandre. Ang mamahal, puta! Ginamit pala yung card ko dahil sabi ko kung may kailangan siya gamitin niya lang iyon. Wala naman akong sinabing mga worth fifty thousand na damit ang bilhin niya..."
BINABASA MO ANG
Rule # 4: Abide By The Rule
General FictionRule #4: Follow the rules and you'll get what you want. Mariestella Gianna Castellano always hoped for a miracle to come in her in life. She wants to marry rich, have a good life and fulfill her dream to be a recognized painter. Pero hindi lahat ng...